1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 8. Their Feelings


"a-Anong ginagawa mo dito sa condo ko?" :o

"Sabi ko naman sayo diba, na gusto kita!" agad ko naman syang nilalayo.

"Alam ko masarap akong yakapin, pero wag mo naman sanang gawing hobby .” ngumiti lang siya  habang sinisigaw sigawan ko na siya ??? anong problema ng isang to? :o

At paano niya nalaman kung saan ang condo ko?

“Hoy! Stalker ba kita! Paano mo nalaman ang buo kong pangalan, at.. itong condo ko!!” >:( Hindi ko alam na ganito na pala kalupit ang mga stalker sa panahong to. Tsk.



“Matagal na kitang gusto. Simula nung highschool ka pa lang.” nangilabot ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Matagal na kitang pinapanood. Hinahangaan. Malaki ang nagawa mo sa buhay ko. Dahil sayo nasabi kong masayang mabuhay. Ikaw ang inspiration ko, Andi. Matagal na kitang gustong malapitan, gustong gusto kita.. kaya naglakas loob akong harapin ka.




Andi, I really like you.” Parang narinig ko na yung line na yun ah.

Nang biglang papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin.



“Tumigil ka nga!” nilayo ko siya at binawi ko agad ang kamay ko. Lumayo ako. Nagpout naman siya. Kahit cute siya. Parang takot na takot ako sa kanya.

Kinikilabutan ako sa kanya. Sa mga sinasabi niya. Sa pagkagusto niya sakin. Sa mga ginagawa niya. At sa pagiging stalker niya. Lahat ng tungkol sa kanya, ang ayoko sa isang tao. Parang siyang baliw.. :o

“Narinig ko na yan.” Bubuksan ko na sana ang pinto.

“Nagpaka effort ako para gumanda. Gumastos ako para sa contact lence, para sa buhok ko. Sa mga damit na gusto mo. Nagresearch ako tungkol sayo. Palagi kitang sinusundan, pinapanood.” Thump.thump.thump. Anong pinagsasabi niya?

“Bakit sa lahat ng babae, ako ang ayaw mo?” hinarap ko siya :o




“B-bakit ka umiiyak!?”

“*sob* Gustong gusto kita, Andi. Please be my boyfriend. Kahit ano.. gagawin ko para sayo.” Bigla na lang. :o






Siyang nahimatay.

“Miss!!!”

Dinala ko agad siya sa loob ng bahay. Sa kwarto. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Nicontact ko naman si Niko. Pero busy ang cellphone niya. Agh. Kaya tumawag na lang ako ng ibang doctor.

Kahit sa pag-alis ng doctor, hindi parin siya nagigising. Hanggang sa di ko na namalayan na.. nakatulog na pala ako.



At paggising ko.. wala na yung babaeng yun.

“Agh. Sana naman hindi ko na makita pa yung babaeng yun. Ayoko na talaga. Nagkakameron lang ako ng problema pag nakikita ko siya. Agh.”

“Sinong babae?” nabigla naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Si Chelsea.

“Ako.. ba yung babaeng ayaw mong Makita?”



“Hindi.” Ngumiti naman siya.

“ :) Akala ko ako!” hinawakan naman niya ang kamay ko. “Ah nga pala. Heto oh.” Binawi ko ang kamay ko at tiningnan yung binigay niya sakin?

“Isang  ticket?”

“Hmm! Gusto ko sanang pumunta tayong dalwa. Binigay kasi yan sakin ng pinsan ko. At ikaw ang gusto kong makasama. Please..” tiningnan ko muli yung ticket.




“ANDI!” napalingon naman kaming pareho. Si Sab.

“Pasensya na, pero hindi ako pwede e.” ibinalik ko naman yung ticket at naglakad palapit kay Sab.

“Maghihintay ako sa 7-eleven this 7pm. Maghihintay ako kahit na anong mangyari. Maghihintay ako kahit na gaano katagal.” Hindi na ako lumingon sa kanya. Kumaway na lang ako kay Sab.

Pagkatapos ng klase ko. Eksakto namang nagkasabay sabay ang vacant namin nila Albie, Kevi, Darryl at Danson. Kaya naman naglaro muna kami ng basketball. Medyo napasarap ang paglalaro namin. Hindi na namin tuloy napansin ang oras. Tapos nagkabiruan pa. Madaming foul na naganap. Kaya di sinasadyang magkasakitan. Pero masaya naman. Pawisan pa kami. At ng matapos, 2 oras pala kaming nakapaglaro.

"Waa ang basang basa ako ng pawis!" sabay amoy ni Danson sa katawan. "Pero infernes mas mabango pa ako kay Kevin!"

Nag-akmang sasakalin naman ni Kevin si Danson.

"Shower lang ako."
"Ako din. Punta lang akong locker."
"Ah sama na kami!"

Hinihipan ko naman ung gasgas sa siko ko. "E ikaw Dee?"

"Punta pa akong infirmary. Mukhang kailangan ko ng cure dito."

"Magshower ka muna." tumawa lang ako habang pinapanood silang umalis.

Inamoy ko naman ang sarili ko. Hindi naman mabaho. Pero, basang basa ako ng pawis. Agh. Ang hapdi ng sugat ko. Makapunta na sa infirmary.

Habang naglalakad ako. Nakasalubong ko naman si Sab. Hingal na hingal sya.

"May nakakita sayong kaklase ko. Nagkasakitan daw kayo sa pagbabasketball." agh! Ang mga babae talaga.

"Okay naman ako e." inis kong inagaw ang bulak at alcohol. Woah ang hapdi. Pero nakakainis parin. Nag-aalala kasi sya ng wala sa oras—

"Hindi naman yun e. Ayoko lang naman na nasasaktan ka." hinawakan nya yung siko ko. :-[ I can feel her sincerity.

"Sige na nga, ikaw na ang manggamot sakin." ngumiti naman ako. Ganon din naman sya.


Habang tinititigan ko si Sab. Hindi ko malimutan ang nangyari simula ng gabing yun. Oo, I stayed at hotel with her. Sleep with the same bed with her. Pero walang nangyari.. we just.. kissed. A long kiss. Kahit ganito ako, nirerespeto ko parin ang mga babae sa part na yun.
HTML Comment Box is loading comments...