NAVIGATION
Chapter 6. Stranger's Confession
"Pasensya na!" sabay sabay kaming muntik ng mauntog sa sobrang lakas ng preno.
"Ouch." este. Nauntog na pala si Danson. "What the heck!?" sabay sabay kaming napatingin sa una. At..
"Keli!!!" si Niko?
"Ano ba namang klaseng doctor yan!? Sandali, bababa--"
"Buhay sya, Niko!" pareparehas kaming natahimik nang makita nung ngumiti na yung babae habang hawak hawak yung kuting.
Biglang may nagbeep. Siguro yung nasa likod namin. At nagkameron ng dahilan para mapatingin samin yung babae.
Ang ganda niya.
"Ang ganda niya, tol.”
"I like her."
Para syang anghel. :-[ Nagulat ako nang makita syang ngumiti. Sakin ba sya nakatingin. :o
Kaya agad kong pinaandar ang kotse ko. Nang inakbayan na sya ni Niko. At inalalayang tumawid ng kalsada.
"Ang ganda niya talaga. Sayang bf niya pala yung doctor."
"Malay mo hindi, at kung magkataon. Hahanapin ko sya at gagawing gf!"
"Ay gago!"
thump.thump.thump. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yung mga ngiti at tingin ng babaeng yun. Agh! Bakit ganito? Di naman kaya masyado akong naamazed sa kagandahan-- NOO!~ dahil lang sa malakas na pagpreno to. Tama! 8)
Mabilis ko namang nakalimutan ang lahat pagkapunta namin sa bar. Siguro naging hobby na namin ang palaging dumikit sa iba't ibang klase ng mga babae.
"Text text na lang." ngumiti naman ako kay Sab.
Kahahatid ko lang sa kanya dito sa dept. niya. Don't get me wrong, hindi special si Sab sakin. Mabait lang talaga sya kaya magaan ang loob ko sa kanya. Pero hindi rin naman sya ang una kong gf na ganyan sakin. At gaya ng nakagawian, hindi rin magtatagal ang relasyon na'to.
Naglalaro ako ng phone ko ngayon.
"Andi, hindi ko maintindihan ang part na'to." tiningnan ko lang yung laptop niya.
"Ah yan ba, kasi ganto yan.."
"Andi." napatigil kaming parehas ni Albie.
"Oh. Hi, Chelsea." nagkawayan naman sila Albie at Chelsea. Ang mokong talagang to, kung titingnan, mas flirt sya sakin e. Ang friendly kasi sa mga babae. >:(
"Bakit napadaan ka ata?" sabi ko. Medyo di ako interesado sa babaeng to, parang pagpapanggap lang ang mga ginagawa niya. Kung gusto niya ako, ipakita niya ang tunay nyang kulay.
"Let's date." nakangiti sya. Medyo nagulat ako sa sinabi niya.
Karaniwan kasi, pagkakilala ko sa isang babae. Bundot na sila ng bundot sakin meaning na kami na. Kaso hindi ako pwedeng magkagf sa iisang lugar. Si Chelsea at Sab. Magkakaschool mate kaming tatlo. Lalo na, madami ng nakakakilala sa mga pinaggagagawa ko. Ayokong lumaki lalo ang issue.
"Pag iisipan ko.
Tara na Albie." umalis naman kami dun.
"Bye, Chelsea!"
Alam ng lahat na playboy ako at walang matinong relationship. Chikboy. Manloloko. Lahat na ata. Pero walang ni isa ang magtangkang kumalaban sakin dahil.. alam siguro nila na mapakikinabangan din naman nila ako. Ang mga babae, manggagamit din sila. Everyone is a user. At kung dumating yung taong handang kalabanin ako at putulin ang kalokohan ko, matutuwa pa ako. Minsan kasi, bored na rin ako sa ganitong buhay. Pero.. si Andi Rivas ako. Dyan nakilala si Andi Rivas. Hindi ko pwedeng agad agad na baguhin ang image ko.
"Andi! Punta ka sa bahay, gusto kang mameet ng pinsan ko!" tumango ako.
"Andi, maya sa bar a!" I wink.
"Hi Andi!" sabi ng tatlong babaeng nakasalubong ko.
Papalabas na ako ng campus. Naghihintay narin kasi sakin si Sab.
"ANDI RIVAS!" napatigil naman ako sa tumawag sakin. Lilingon na sana ako.. bzzt. Nagvibrate ang phone ko ???
Tumatawag si Sab.
"Hello Sab--"
"I REALLY LIKE YOU, ANDI!" :o nang may biglang yumakap sakin sa likod.
HTML Comment Box is loading comments...







