1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 48. Vows

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakatingin ako sa reflection ko sa salamin. Habang inaayos ang barong na soot ko. muli kong binuksan ang maliit na kahon na yun at tiningnan ang singsing na isosoot ko mamaya sa kamay ng taong pinakamamahal ko.


Ngayon araw na’to na talaga.



“Andi?.” Nakita ko si Sab sa salamin na pumasok. Napatingin siya sakin.

“Tama na yan.” Ngumiti siya. “Maya maya na lang.. gigising na rin si Keli..”

Napatungo ako at tinago sa bulsa ko ang singsing.

Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko. Dahil alam ko pagkatapos nito.. o bukas makalawa.. baka wala na siya. Baka kunin na siya sakin. At naiinis ako.. dahil ang HINA HINA KO!


“Tara na?” ngumiti ako. Lumink naman si Sab sa braso ko habang papalabas kami at papunta sa garden ng hospital.


Nagulat ako sa kabuuan ng venue. At napangiti.. Sana magustuhan ni Keli. Nakita ko na nandun ang mga magulang niya.  Nginitian ko ang naluluhang si mrs. Cojuanco. Tumingin ako kay Sabrina at  nagpasalamat. Ngumiti naman din siya.

“I’m not yet done.” Umalis siya. Dumating naman yung apat na ulupong.

Si Daryl na inaayos yung long sleeves niya. Si Kevin na nakahalf-smile. Si Albie na hawak hawak sa likod si Danson. Habang si Danson nakalagay ang parehang kamay sa bulsa ng pantaloon niya at maangas na nakatingin sakin.

Magpapasalamat sana ako sa pagdalo nila, nang bigla akong sinuntok ni Kevin sa tyan. Masakit pero hindi naman ganon kalakas.

“Hey!” nag-aalang sabi ni Sab. Natatawa na lang ako..

“Salamat mga dre!”

“You owe me one, asshole!” tumawa ako sa sinabi ni Kevin.

“Gago! Binugbog mo na nga ako e.” tumingin naman ako kay Daryl. Lumink naman si Sab sa kanya.

“Congrats, bro!”

“Tss!” napalingon naman ako kay Danson. “Gusto mong makasal sa taong walang future.. ikaw na nga talaga ang pinakagago na Andi Rivas na kilala namin.!” Ang angas ng tingin niya.



“For once in my life, ito lang yung masasabi kong maipagmamalaki ko.” hindi siya umimik. Nakatingin lang.



“..wala na akong maipapakilala sayong mga babae pagkatapos nito.” Sabi niya nung lagpasan niya ako. Nagtawanan sila Kevin.

“Siya talaga ang pinakachildish sa tropa!”


Dumating na yung organizer at pinapila na ang mga kasali sa event. May mga kasali na mga kaibigan ni Keli dito sa hospital. Ako naman ay tumayo na malapit sa may altar. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Na halos manginig na yung mga kamay ko. Sabik na sabik.. na akong makita siya.


“Today we are gathered here to celebrate the matrimony of Anthony Rivas and Kelsey Cojuangco.”


Halos hindi na mapawi ang mga ngiti sa mukha ko nung lumabas na si Keli. Soot ang wedding dress na binigay ko sa kanya. Yung namumutlang mukha.. napawi ng make-up na soot niya. Kahit mukhang ang hina hina na niya.. maganda pa rin siya. Hindi pa ako naging ganito kasabik sa buong buhay ko. Ganito pala kasarap sa feeling.. ang makasal sa taong.. gusto mong makasama panghabang buhay.


Niyakap ko ang mama ni Keli at kinamayan ko ang ama niya.

“Thank you po.” Sabi ko habang inaabot ko ang kamay ng anak nila.


Ngumiti ako kay Keli habang nilalagay ang kamay niya sa braso ko. Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. Kung paano pumatak ang mga ito. Napakagat ako ng labi habang nginingitian siya. Ayokong.. magpakita.. ng kahit na anong kahinaan sa napakaespesyal na araw na’to. Tumingin ako sa altar. Kahit hindi tunay na altar ang nasa harap namin. Kahit wala kami sa tunay na simbahan. Kahit walang pari. Ang marriage na’to.. ang tatatak sa mata ng lahat ng tao na nandito. Kahit na..hindi panghabang buhay ang kaligayahang ito..


Tinitigan ko siya. At pinunasan ang mga luha niya. Hinawakan ko ang mukha niya. Hinawakan naman niya ang mga kamay ko.


“Kelsey Cojuangco.” Tumango siya habang umiiyak. “I love you. Very simple, very truly. Mamahalin kita ng buong buhay ko. Ikaw lang, at wala ng iba. I swear my love to you.”

I leaned my forehead on hers. Ngumiti ako. Just like this, gusto ko sakin lang siya nakatingin.


“Anthony Rivas.” Humikbi siya. “This kind of certainty comes but once in a lifetime. I might be the only one.. ako lang..  ang nakakaappreciate sayo in every single thing that you do.  Noon. Hanggang ngayon. How you say what you mean, and how you almost always mean something that's all about being straight and good. Kahit nakakasakit na. Kahit.. parang di na tama. Hindi ako sumuko. Alam mo.. kung gaano kita kamahal. At natatakot ako..

Andi, I’m scared of not being with you.. I’m sorry.”

Hinawakan ko ang kamay niya.



“I promise to love and care for you, and I will try in every way to be worthy of your love.” Kinagat ko naman ang labi ko. habang sinosoot ko sa kanya ang singsing.


Tumingin siya sakin. Mas lalo siyang naiyak. “..salamat.”



Hinawakan ko ang mukha niya na nakatungo. Tumingin siya sa mga mata ko. Bago pa man niya makita ang mga luhang pumatak sa mata ko, hinalikan ko na siya.



Hinalikan ko ulit siya.




Narinig ko naman.. ang palakpakan ng mga tao.
HTML Comment Box is loading comments...