"Everything will be alright."
Sabi nila Kevin sakin for the nth time. Pero POTA isang oras na si Keli sa ER pero hindi pa rin lumalabas si Niko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. *sob*
"Ang tanga tanga ko.. Hindi ko na dapat siya dinala dun.."
"Wala kang ginawa, Andi."
"May
sakit pala sa puso yang Kelsey? At.. may taning na ang buhay--" hindi
ko napigilan ang sarili ko at nasugod ko na lang bigla si Danson. Gigil
na gigil ako habang pumapatak na yung mga luha ko. Halos masakal ko na
siya ginawa ko.
Mabuti naawat agad kami nila Kevin at Daryl.
Ubong ubo si Danson.
"ANDI!?" dumating si Albie.
Pero
agad na nagsalita si Danson, "Bakit?! Hindi mo pa ba alam na may taning
na ang buhay ng gf mo! O kasi hanggang ngayon hindi mo lang matanggap
na NAGMAHAL KA NG TAONG MAMATAY NA!!" hindi na talaga ako makapagtimpi.
Pero pinipigilan pa rin ako nila Kevin.
"Tama na--"
"Fvck!
Magseseryoso ka na lang Andi Rivas sa maling tao pa! Wala ka ba
talagang kokote! Tanga ka ba? Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo?
HABANG BUHAY MASAKTAN!"
Hindi ko masaktan si Danson. Kaya
nasuntok ko na lang ang pader na pinakamalapit sakin. Dumugo yung kamay
ko. At patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko. Ang sakit sakit..
*sob*
"Tama na Danson! Wala kang alam. Wala tayong alam.. siguro naman may dahilan siya.." natawa ako sa sinabi ni Albie.
Napaupo ako sa sahig. At tumawa habang umiiyak.
"a-Andi.."
"Wala
akong rason. Pagkatapos kong marealize na mahal ko siya. Saka ko
nalaman ang totoong kondisyon niya. Niloko niya ako.. pero minahal ko pa
rin siya."
Nagdabog si Danson. Nanahimik sila Albie.
"Akala
ko ba matalino ka! Bakit pinili mo paring ipagpatuloy ang relasyon niyo
kung alam mo na! Nagmamahal ka ng taong mamamatay! MARTIR KA BA!! This
is SOO STUPID!"
"I know.."
"WHAT? Hah! So ano, pagkatapos nito. Pag iniwan ka ng babaeng yan, anong mangyayari sa buhay mo!?
Ang
sabi mo, lahat may limitasyon. Pero sa tingin ko, wala ka ng pag-asa.
NILOLOKO MO LANG ANG SARILI MO!" lumabas ng kwarto si Danson.
“Dee,
alam ko mahal mo siya. pero.. parang kasing mali. Mahirap ang ganitong
sitwasyon. Walang kasiguraduhan kung anong mangyayari pagkatapos. Hindi
ko maimagine.. kung anong pwedeng mangyari. Andi, ikaw lang mahihirapan
sa ganitong klase ng sitwasyon.”
*sob* Napahawak ako sa ulo ko. Gulong gulo na ako..
"Gusto
ko lang na makasama siya.. makasa siya sa mga natitirang araw niya. Eh
ano ngayon kung isang araw iwan niya ako.. Wala na akong magagawa dun.
Kahit masakit. Dahil mas iniisip ko ang ngayon. Kung paano ko
pagkakasyahin ang oras..
Yun lang.."
Umalis
nun si Kevin at sumunod sa kanya si Daryl. Nagstay sila Sab at Albie.
Pinat ni Sab ang balikat ko at niyakap ako. Dun lang ako nagkameron ng
pagkakataon ilabas ang lahat ng sakit. Ang sakit na nararamdaman ko.
Umalis
kami sa hospital kahit wala pa ring malay si Keli. Kahit gusto kong
magstay hindi na pwede dahil tapos na ang visiting hour. Panatag din
naman ang loob ko dahil dumating ang mama ni Keli.
"Get
some rest, Andi. Kailangan mo yan. Kailangan ka din ni Keli." pinat ni
Sab ang balikat ko. She's trying to cheer me up. Kaya pinilit kong
ngumiti.
"Salamat. Sayo din, Albie."
"Ah
hehe! Kahit hindi ko maintindihan kung ano ba talagang mali sa desisyon
mo, nandito pa rin ako Dee! Susubukan kong paintindi kila Danson ito."
naging malungkot ang boses ni Albie. Halatang nag-aalala siya. Pinat ko
ulo niya.
"Nag-aalala lang sila sayo."
"Alam ko. Mukhang.. palaging mali ang desisyon ko." sinuntok ako ng mahina ni Albie. Ngumiti ako.
"Pwede ba akong humingi ng favor sa inyong dalwa?" nagkatinginan sila at medyo nagtaka.
Tinitigan
ko ang cellphone ko. Nagresearch sa computer at nag-isip isip.
Kailangan maging memorable ang event na yun para sa kanya. Pero una sa
lahat sana.. magising na siya.
Hindi talaga ako natulog.
Nagplano ako sa event na mangyayari bukas. Nagmessage call na rin ako sa
mga taong maaaring mag-organize ng event. Mga taong makakasali sa event
na’to. Gusto kong maging perpekto ang lahat.
Maaga
rin akong pumunta sa hospital. Pumunta ako sa kwarto ni Keli. Natutulog
pa rin siya. Hinalkan ko ang noo niya at nilagay ang sulat sa mga kamay
niya. pati na ang malaking kahon sa sofa.
At binulong ang mga katagang ito, “I Love you..”
Lumabas
ako ng kwarto niya at natanggap ko rin sa wakas ang tugon ng mga taong
inaasahan ko. ang saya saya ko.. Pero bago ako bumili ng
pinakamahalagang bagay, kailangan ko munang makausap ang mga magulang
niya.
“Panatag na ang loob ko. Na nakikita ko kung
gaano mo kamahal ang anak ko. Matagal kang hinintay ng anak ko na
dumating sa hospital na’to at muli kang makita. Noon pa man, minamahal
ka na niya. hindi mo alam kung gaano mo napapasaya ang anak, hijo.”
Nakangiting sabi ni mrs. Cojuangco habang inaakbayan siya ng asawa niya.
“Buong
buhay ng anak ko.. simula ng malaman niya ang tungkol sa sakit niya,
kailanman hindi siya naging ganyang kasaya at kasabik sa mga nangyayari
sa buhay niya. Ngayon lang. simula ng makasama ka niya.
Nakapagpatransplant
na siya lahat. Ilang taon sa hospital. Pinilit maging malakas. Sinunod
ang mga doctor. Pero wala na talaga.. pasensya ka na hijo kung hindi man
maganda ang magiging kapalit nito para sayo. Kokonti na lang ang araw
ng anak ko. baka nga oras pa.. hindi na namin alam kung kakayanin pa ng
puso niya..” pumatak na ang luha sa mga mata ni mrs. Cojuangco. Kahit ito
ay hindi na napigilang umiyak.
Kahit ako man.. alam kong masakit. Pero kailangan kong magpakatatag.
“Gusto ko ho sanang hingin ang kamay ng anak niyo. At makasal sa kanya ngayong araw na’to..”







