1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 46. Not an Ordinary Kiss

tik.tak.tik.tak.tik..

Unti unti kong minulat ang mata ko. Napatitig ako sa kisame. Saka ako bumangon.


Day 28


Magkikita kami ngayon ni Keli at napag-usapan namin na ipagluluto ko siya. Nag-aaral na akong magluto at medyo madami na rin akong alam. Sinisigurado ko rin na healthy yung mga niluluto ko. Ayoko kasing mag-alala si Keli.

Nandito ako ngayon sa bahay at wala sa condo. At nandito kami sa labas ni Terry habang hinihintay ang dati niyang amo. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga nangyari nung unang beses habang hinahawakan ko si Terry.

"Makikita mo na ulit siya."

Naghintay kami ng 1 and a half hour. Kaya naisip ko na lumigo na muna at mag-ayos. Ininit ko ulit yung mga pagkain. 30 minutes ulit ang lumipas at nagring naman ang doorbell. Masaya akong sinalubong ni Terry at dali dali naming binuksan ang pinto.


"Welcome." sigaw ko ng may malaking ngiti.


*ubo*

Panay ang ubo niya. Natakot ako kaya agad akong yumuko at tinakluban si Terry. Hindi ko alam ang gagawin.

"I-it’s o-okay." tiningnan ko siya. Pilit ang mga ngiti niya. "Gutom na ako. Let's go."

She looks pale. At nag-aalala ako.


From: Niko
Mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman niya. Kahit ang mga gamot medyo wala ng effect. Mas mabuting bantayan mo siya ng maayos. At dalhin mo agad siya dito sa hospital pag inatake siya.



Yun ang text ni Niko sakin. Wala namang kamalay malay dun si Keli. Lumapit ako sa kanya at binigay yung pinaluto niya sakin.

"Ang sarap mo ng magluto, Andi! Diba Terry!" ngumiti ako. Hindi ko alam kung paano ako aakto.

Habang papalapit ng papalapit ang 30th day, mas lumulubha lalo ang kalagayan niya. Mas lalo kong nararamdaman na mawawala siya..


"Syempre, ako pa!"

Kaya ko 'to!


Di rin kami nagtagal at umalis din kami ng bahay. Balak kasi naming mamasyal.

“Terry, aalis na muna kami ni Andi. Pero pangako na babalikan kita!” hinaplos haplos pa niya si Terry. hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.

“Tara na?” tumayo siya at tumango.


Hindi ko dinala ang kotse ko. sabi kasi niya na magbus na lang daw kami gaya ng isang normal na couple.

Sa bus mas pinili kong tumayo kaysa sa makatabi ang ibang tao. At nung nawalan naman ng katabi si Keli, saka ako tumabi sa kanya. Napansin ko ang pagtawa niya sa maliit na bagay na yun. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at buong byahe kaming magkahawak kamay.

Nakarating kami sa mall at ang una naming pinuntahan ay ang game zome. Ang daming tao at halos karamihan ay mga estudyanteng kagaya ko. hindi ito ang first time ko pero hindi rin naman ako madalas dito. At ang totoo bago sakin yung atmosphere. Pinagtitinginan ako ng mga tao at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa ganitong klase ng lugar. Feeling ko ang cheap cheap ko. Parang madudungisan ata ang pangalan ko sa gagawin kong ‘to—


“Andi!” bumalik lang ako sa sarili nung marinig kong tinawag niya ako. May ngiti sa mga labi niya habang may hawak siyang card.

Napakamot ako sa batok. At napaisip. Just what am I thinking, hindi na ako ang Andi Rivas. Mas may priority ako ngayon. Wala na talaga akong pakealam sa sasabihin ng iba.

“Tara maglaro!!” hinila niya kamay ko.


Nagulat naman ako ng dalhin niya ako sa may open karaoke. Umupo kaming dalwa sa may stage at agad siyang pumili ng kanta. Di pa man nagsisimula yung kanta, dumarami na yung audience. May iba pang nagvi-video. Napaface palm na lang ako. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.

Pero nung magsimula siyang kumanta.. unti unti ding nawala yung hiya ko. Ang ganda niya kasi..

Madami kaming ginawa sa game zone. Nagrace. Nagbasketball. At pinakathe best yung larong di ko na maalala. Basta may paradise yun. Kung saan babatuhin mo ng palastik na bola yung mga kalaban. Nakakatawa si Keli sa tuwing maaalala ko kung gaano siya naiirita at nagpapanic sa mga kalaban namin. Tawa lang ako ng tawa kapag kasama siya..


At sigurado ako.. MAMIMISS KO ITO..



“Saan na ba tayo pupunta ngayon? Pagabi na a. sigurado ka bang okay ka pa?” ilang beses ko ng tinatanong sa kanya ito pero hindi niya ako sinasagot.

Nasa unahan ko siya at masayang naglalakad. Kanina pa rin kaming naglalakad. At nag-aalala ako na baka mapagod siya.

“Keli!! Ano ba!—“ nainis na ako kaya agad akong humarap sa kanya.


“Nandito na tayo." sabi niya.

Lumingon naman ako sa likod ko. At nakita ko ang bar. Yung bar na palagi kong tinatambayan. Ang bar na puro kakilala ko ang makikita ko. Nandyan sila Kevin. Ang mga babaeng nakaflirt ko. Puro usok. Puro gulo. Hindi pwede si Keli sa lugar na'to.

"Tara na!" hinigit ko ang kamay niya pero nagpumiglas siya. Tiningnan ko siya ng masama. "Uuwi na tayo, Keli!"

"Hindi, Andi." sinubukan ko ulit na pilitin siya pero nahawakan niya ang mukha ko. Ang magkabila kong pisngi.

Pinatibok niya ang puso ko nung sabihin niya ang mga kagatang yun..


'Gusto ko.. bago ako mawala. Maayos ang buhay mo. Not Andi Rivas as the biggest jerk! Womanizer. Casanova. Heartbreaker. Playboy..

Ayoko ng mabuhay ka na kinikilala ka ng lahat na isa sa mga salitang yun. Ikaw si Anthony Dee Rivas. Mabait. Mapagmahal. Mabuting tao ka, Andi.. Gusto kong malaman yun ng lahat.


Para next time na magmahal ka.. at mahalin ka. Sigurado na akong sasaya ka.'


Gusto kong maiyak pagkatapos marinig ang mga katagang yun. Talagang.. NAGPAPAALAM NA SIYA.


"Oh Andi." nakasalubong ko sila Lorraine at Trisha. Hahalikan sana nila ako pero agad na nahagilap ng mata nila ang walang kamuang muang na si Keli.

"That girl again!"
"Why is she here?"
"Ginugulo ka pa rin ba niya?
"Let us handle this!-"

Pinigilan ko sila. Umiling ako. At pumunta sa stage.

Hindi natanggal ang tingin ko kay Keli. Nainis naman ako ng makitang nilapitan siya ng ibang lalaki. Pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Nakita ko pa sa isang table sila Sab at Daryl na nakatingin sakin na parang nagtataka sa ginagawa ko. Si Danson na nakikipagflirt. At si Kevin na mukhang pupuntahan si Keli para sakin.

Nagsimulang magtaka ang lahat. Magbulungan.


"Hey, Andi. Come here." they laugh. Ngumiti ako.

Napailing pa si Darryl.


Nainis naman ako ng makita kong binabastos na ng mga lalaking yun si Keli at walang magawa si Kevin.

Kaya hinawakan ko ang mic at gumawa ng ingay.lahat sila nainis sa ginawa ko. Agad naman akong umalis ng stage at pumunta kay Keli. The next thing I did. Hinawakan ko sa collar yung lalaking nambastos kay Keli at sinuntok. Lahat sila nagulat sa ginawa ko.

"What's going on?.."


Inakbayan ko si Keli.

"EVERYONE, THIS GIRL IS MY GIRLFRIEND. ANYONE DARES TO TOUCH HER, I'LL MAKE SURE I'LL YOU GIVE YOU WHAT YOU GOT!! WAG NIYO AKONG SUSUBUKAN. WAG NIYONG BABANGGAIN SI ANDI RIVAS." humarap ako kay Keli at hinagkan ko siya. For the nth time, she smiled..





"SHE'S ONLY MINE."






*BLAGGG*



Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. Parang nagslow motion ang lahat.

"Waaah anong nangyari?"
"What happened on her?"
"ANDI!!"


Lumingon ako kay Keli.. nakahiga na siya sa sahig. Walang malay. Hawak hawak na lang siya ni Kevin. Parang nawala ako sa sarili.





Si Keli.. INATAKE SIYA SA PUSO.
HTML Comment Box is loading comments...