Day 27
Lunch time na. ngangayon lang
ako nagbreak matapos ng mahabang pagdidiscuss tungkol sa thesis. At
hindi pa rin ako mapakali sa paghihintay ng text galing kay Keli o kahit
kay Niko man lang.
“Dee, di mo pa nagagalaw pagkain mo.”
Napatingin ako kay Albie. Hinawakan ko naman ang kutsara ko pero nasa
cellphone pa rin ang atensyon.
“Bakit hindi mo na lang puntahan, tol?” sabi ni Kevin.
Napailing ako at medyo natawa. Inakbayan naman ako ni Kevin.
“Seryoso
na talaga si Andi Rivas.” Tumawa naman si Kevin at nakipag-apir kay
Albie. Walang alam ang barkada tungkol sa sakit ni Keli. At mas mabuti
siguro na kung wala silang malalaman.
Sumubo ako ng isa. Naagaw naman ang atensyon namin nung tumayo si Danson.
“Aalis ka na agad?”
Sinoot niya ang shades niya, “Gustong makipagkita ni Ara.” Angas lang.
“Sino? Yung bang tigasin na babae na sabi mo pakipot?”
“Kayo na?”
Sunod sunod na tanong nila Albie at Kevin. Umayos naman ako ng upo, ako lang ata ang walang alam.
“Hindi
pa. pero sigurado malapit na, tinatago lang niya. alam niyo naman yun,
masyadong pahard to get. Di niya ata kilala kung sinong binabangga
niya.”
“Tss.” Sabi ko. napatingin tuloy sakin si Danson. “Mag-ingat ka sa sinasabi mo Dan. May limitasyon ang lahat.”
Nabigla
ako nung bigla niya akong belatan. “Nag-eenjoy pa ako, Andi. Wag mo
akong igaya sayo. Handa naman na ako sa magiging karma ko balang araw.
Para saan pa ang maging makasalanan.” Sabay alis niya.
Tinitigan
ko si Danson. At nakikita ko ang dating ako sa kanya, pero magkaiba pa
rin kami. Si Danson, he chose this dahil alam na niya ang limitasyon
niya. ako, heto hindi ko maipagkasya ang oras ko dahil huli na ang lahat
bago ko marealize ang limitation ko.
Hindi na ito kagaya ng dati.
Noon, ang dami kong oras para magloko. Kahit ang pinakawalang kwentang bagay sinasayang ko sa mahahalagang oras.
“Andi, hindi ka pa ba uuwi?” nagtatype pa ako nung biglang nagtanong yung isa sa mga kagrupo ko sa thesis. Umiling naman ako.
“Malapit na rin naman ako dito sa ginagawa ko.”
“Sige una na kami.” Tumango ako.
Ako
na lang ang nag-iisa sa dito sa room. Napatingin ako sa orasan, 7 na
pala. Buong maghapon akong nasa school. Pero.. hindi pa rin nagtetext
man lang kahit isa si Keli. Nag-aalala ako. Kanina ko pa rin siya
tinatawagan, kahit si Niko. Pero wala akong macontact sa kanila.
Agad
ko namang niligpit ang mga gamit ko, mga laptop at libro at nagdiretso
sa kotse ko. may napansin naman ako, isang kapirasong papel na nakadikit
sa salamin. May nakalagay dito note.
Napangiti ako. At agad na pumunta dun sa nakasulat.
Ang
daming tao. At parang may pinagkakaguluhan sila. Kasabay noon ang isang
malakas na strumming ng gitara. Hindi ko alam yung kanta. Hindi ko rin
alam kung narinig ko na yun noon.
There's somethin' 'bout the way the street looks when it's just rained
Nagulat ako nung marinig ang boses na yun. Napakalambing. At napakaganda..
There's a glow off the pavement, you walk me to the car
And you know I wanna ask you to dance right there
In the middle of the parking lot, yeah
“Sino siya?”
“Estudyante ba siya dito?”
“Ang cute naman niya. ang ganda pa ng boses.”
“Sinong kinakantahan niya?”
And I don't know how it gets better than this
You take my hand and drag me headfirst, fearless
And I don't know why but with you I dance
In a storm in my best dress, fearless
Kung
anu anong mga bulungan ang naririnig ko sa kung sinu sino. At sa wakas
nakita ko rin siya. Nakangiti siyang kumakanta. Nakatingin siya sakin.
May soot siyang gitara at ang saya saya niyang tingnan.
'Cause I don't know how it gets better than this
You take my hand and drag me headfirst, fearless
And I don't know why but with you I'd dance
In a storm in my best dress, fearless
Naramdaman
ko na lang na ang lahat ay nakatingin sakin. Pero na kay Keli pa rin
ang atensyon ko. at hindi ko maalis sa mukha ko ang ngiti.. at ang
sayang mararamdaman ko sa mga sandaling ito.
Natapos ang
kanta, at tapos na din ang pag-i-strumming sa gitara. Tumahimik ang
paligid at nagsimulang magbulungan ang lahat. Iba’t iba ang makikita
mong reaksyon. Pero wala akong pakealam. Nakatingin pa rin ako kay Keli.
“Bakit pinayagan ng guard na papasukin siya?”
“Tch. So siya yung babaeng yun!”
“Anong kalokohan ito?”
Hinawakan
niya ang microphone. “Good Eve. Nagtataka siguro kayo kung bakit ako
nakatayo dito at gumagawa ng ganitong klaseng trip.”
May iba na nag-aalisan pero nanatili si Keli sa kinatatayuan niya. lalapitan ko na sana siya pero may pumigil sakin. Sila Kevin.
“Just watch tol. Mukhang nagcoconfess ang sweetheart mo at sinisigaw sa lahat, na ‘You’re hers.”
Alam ko. dahil ngayon ang 27th day wish niya. tumingin siya sakin.
“Nandito
ang taong mahal ko. Ang taong minamahal ko ng 8 taon. Noon hanggang
ngayon. Hindi ako sumuko. Mahal ko siya dahil siya ang naging
inspirasyon ko.. sa lahat ng bagay.” Habang sinasabi niya ito,
pakiramdam ko. kami lang na dalwa ang tao sa mundong ito. Napakasarap sa
pakiramdam.
“Perpekto siya sa kahit saan anggulo. Kaya
hindi ko masisisi ang iba na magalit sakin na nakuha ko ang taong ito.
Nag-iisa siya.” kahit medyo malayo siya. kita ko ang pagpatak ng mga
luha niya.
Ngumiti ako. Pero ramdam ko ang sakit.
“Hayaan niyong mahalin ko ang taong ito. Dahil pinapangako ko.. na habang buhay ko siyang mamahalin ng buong puso..”
Inakbayan ako ni Kevin.
Pinilit kong ngumiti. Kahit masakit..
Habang buhay.. sana totoong may habang buhay..







