1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 44. Advance X-mas Day

Day 25 - 26


Natapos ang klase ko ng 5. Masyado na kaming hinapon para sa pagrereview at dahil narin sa mga thesis namin. Kaya agad agad akong pumunta at umuwi na sa condo ko. pero naisip ko munang bumili ng cake pati na rin ng ice cream.


“Nadito na ako.”  Pumasok ako at nakita ko naman siya habang dinedecorate niya yung Christmas lights sa christmas tree.

“Oh Andi, nandito ka na pala.” Bumaba siya dun sa upuan at binuhay yung Christmas lights. “Tingnan mo, Andi. Napakaganda diba?” tumango ako.

“Ano yang dala mo?”

“Cake and ice cream.”

“Waah talaga! Halika madami akong niluto.” Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa kusina.

Napakadami nga ng niluto niya at halos lahat mga favorite namin.  Pinicturan namin ang mga pagkain. Nagpicturan din kami na magkasama. Kumain.

“Ano yan? Gift? May usapan ba na magbibigayan tayo ng regalo?”

“Hmm. Wala. Photo album lang ito. From now on, punuin natin ng memories ang photo album na’to.”

Inabot niya sakin yung photo album. Isa isa kong yung binuklat. Naiisip ko lang na ilalagay namin yung mga bawat pictures namin na magkasama, ano kayang mararamdaman ko kung isang araw wala na siya? magiging alaala na lang nga talaga ang lahat.

Ngumiti ako.

Nung matapos siyang kumain, agad siyang pumunta sa salas. At nung lapitan ko siya nakita ko na masyado niyang pinagkakaabalahan yung photo album. May mga sinusulat pa siya sa mga piraso ng papel. Lumingon naman siya sakin.

“Andi, tulungan mo rin ako! “ nataranta ako. Kaya pinakita ko sa kanya yung hawak kong ice cream sabay subo ko.

“Kumakain ako.” Ngumiti ako habang kumakain. Tumalikod naman siya sakin.

Ang totoo, ayokong gawin yun. Ang totoo.. ayokong gumawa ng kahit na anong bakas na pwedeng magpaalala sa kanya balang araw. Hindi ko alam kung gaano kasakit ang mangyayari oras na mawala siya.

Hindi ko kasi maimagine kung anong mangyayari kapag wala na siya.


“Oh ano naman yan?” nilapitan ko siya.

“30 days with Mr. Rivas.”

“Oo alam ko, nababasa ko.”

“My plan. And I accomplished the 25 days.” Kinuha ko yung notebook. Nakita ko ulit ang notebook na’to.

“The last time I saw this, nanggigil ako sa galit. Just what the F?” natawa ako.

“Naalala mo ba nung una tayong nagkita. Sabi mo ang pangit ko. hahaha. Nagulat ako na masama pala ang ugali mo!” tinitigan ko siya. “Pero hindi counted ang araw na yun.”

Sinubo ko sa kanya yung ice cream.

“After that day, tinanong ko kay Niko kung hanggang kelan pa ako mabubuhay..” parang tinusok yung puso ko. “Hindi niya ako sinagot. Pero ramdam ko naman na hindi na ako magtatagal. Kaya ginawa ko ito. At sinabi ko sa kanya na gusto ko magkameron ng oras kay Andi Rivas per day sa loob ng 1 buwan. After nito, mag-istay na ako sa hospital. At pwede rin.. diretso na akong mamahi—“


“Now that I read this.” Pinakita ko yung  notebook sa kanya. “..saka ko lang naalala na lahat ng nakalagay dito, nagawa mo. Wala kang pinalagpas.” Tumawa ako.  At pinat siya sa ulo.

Sana wag niyang mapansin na sinadya kong putulin ang sinasabi niya.

Sana wag niyang makita na nasasaktan ako sa sinasabi niya.

“Day 25, Celebrate early Christmas day. Diba nga pasko natin ngayon.” Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. “Gusto kong sabihin sayo ang lahat na ito. Kung nasasaktan ka, please ipakita mo.”

Tinitigan ko siya. nung maramdaman ko na namumuo na ang mga luha ko, hinalikan ko siya. naalis yung pagkakahawak niya sa mukha ko. I kissed her passionately hanggang sa makasabay siya sa mga halik ko. at pasimple kong pinunasan ang mga luha ko.


“Haha.”ni-poke ko yung ilong niya. mapulang mapula siya.

“Waaah first time kong ginawa yun.” Napahawak siya sa dibdib niya. Nag-alala naman ako.

"OKay ka lang?!" kinabahan talaga ako. at medyo naguilty sa ginawa.

"Hmm. I'm okay. uminom naman ako ng gamot e." ang laki ng ngiti niya.

“Mas matindi pa ang gagawin natin pagka-28 at 30 na.” kinindatan ko siya.

Hinabol niya ako.


Naghintay naman kami mag-12 para macelebrate namin yung 26th day. Bukas kasi kailangan niyang magstay sa hospital. Yun ang sabi ni Niko. At sabi niya wag ko daw siyang dadalawin sa hospital. Bigla pa siyang inatake, kaya agad ko siyang dinala sa kwarto. Pero sabi niya siya na daw ang bahala. Kaya hinayaan ko siya.


“Okay ka na ba?” pawis na pawis siyang pumunta sa labas.

Mahahalata mo na talagang nahihirapan siya.

“Nainom ko na yung gamot. At medyo okay na ako.”pinilit niyang ngumiti.

“Malapit ng mag 1. Halika.”


Umupo siya sa tabi ko. At maya maya din ay naglabasan na ang iba't ibang fireworks.

"Ang ganda." sabi niya habang nakangiti.

"Mas maganda pa mamaya, hintayin mo lang."

"Huh?" tumingin siya sakin pero agad ding tumingin sa fireworks.

Parang siyang bata. Ni di man lang niya maalis ang mga tingin sa mga fireworks. Ang laki pa ng ngiti niya.

Tumayo ako at pumunta sa likod niya.

"Andi, bakit dyan ka pumwesto?"

"Just keep looking."

Lilingon sana siya sakin pero napatigil siya ng magform ng word sa fireworks.

Niyakap ko siya. Napatakip naman siya ng bibig.




"a-Andi? S-seryoso ba ito?"

Pinakita ko sa kanya yung kwintas.. na may singsing. Lumingon naman siya sakin. Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

"Marry me." inalis ko yung singsing sa kwintas at kinuha ko ang kamay niya. "Hindi mo na kailangan nung walang kwentang bracelet na yun. Kasi ito ang katibayan na ikaw lang. Ikaw lang talaga ang minamahal ko Kelsey Cojuanco." tuluyan na siyang napaiyak. Agad naman niya akong niyakap.




"Baliw ka. Paano kung may makabasa nun." niyakap ko rin siya.

"Mahal na mahal talaga kita, Andi Rivas."


HTML Comment Box is loading comments...