1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 43. Kiss in the Rain

Napatingin kami sa isa’t isa.

Nagkatinginan kami. Bakas sa mukha namin ang gulat at.. inis.

Pumunta kami sa pinakamalapit na laundry shop. At pinatuyo namin yung mga damit namin. Binigyan naman kami ng may-ari ng malinis na white shirt. Kasama na sa bayad.

"It's all your fault." narinig kong sabi niya. Nairita naman ako.

"My fault!? Kung hindi ka pumunta dito! At kung hindi ka nagkakaganyan--" napatigil ako sa sinasabi ko. May bigla akong narealize. Nagtaka naman siya.

"Bakit  ka ba nagkakaganyan?.. Tss. Ikaw si Keli diba? Hindi naman talaga sayo big deal kung nabasa tayo."

Katahimikan. Mukhang tinamaan siya sa sinabi ko. Tumingin naman ako sa kanya, napatingin din siya sakin. Pero agad ding umiwas.

"Ikaw! Bakit mo ba ito ginagawa.. I already told you not to fall for me. Tapusin na natin ito. Alam mong hindi kakayanin ng konsensya ko kung mamatay akong nakikita kang nasasaktan." agad akong tumayo. At naglakad paalis.

"h-Hoy saan ka pupunta, Andi!?"

“Ikaw na ang bahala sa damit ko.”

Umalis naman ako dun. Hindi ko alam kung saan ako papunta.


“Ang gwapo niya.”
“Kyaa ang hot niya!”

Kung ano anung naririnig kong bulungan sa daan lalo na kapag may mga nakakasalubong akong mga grupo ng mga kababaehan. Naisip ko na lang na tumambay sa pinakamalapit na basketball court. Wala masyadong tao, mga batang naglalaro lang ng patintero. Nanonood lang ako sa mga bata habang naghihintay sa kung anong pwedeng mangyari. Bigla namang nagvibrate phone ko. akala ko kung ano, mga walang kwentang text lang pala.

Umabot ng 2 oras, pero hindi dumating si Keli. Alas 3 na pala.

“o-Oy saan ka nakatingin!?”
“Hah?wala naman e.”
“Nakatingin ka kay Kuya na pogi e.”
“Ayiii kaw nagsabi niyan. Jelly siya!”

Napatingin ako sa dalwang magsyotang mukhang mga highschool student lang na medyo di kalayuan sakin.

“Dun na nga lang tayo.”sabi pa nung lalaki habang hawak hawak ang syota niya sa baywang. Nikiss naman siya nung babae. At nagtawanan sila..

Ang sakit.. ang sakit sakit na makita yung ibang tao.. na kayang maging masaya. Na sa maliit na bagay lang.. naipapakita na nila yung pagmamahal nila sa isa’t isa.

Ang sakit.. na ang mga bagay na’to.. hindi ko kayang maramdaman. Hindi ko kayang maging masaya.. kung yung taong magpapasaya sakin.. mawawala rin pala.



“ha.ha.ha.ha. *pant* ANDI RIVAS!!!”



Lumingon ako sa tumawag sakin. Kasabay ng pagpatak ng luha sa mata ko, ay tumayo ako. Naging malungkot siya. napakunot naman ako ng noo.

“Bakit ka tumatakbo!!? At bakit mo ba ako sinundan dito!!” inayos ko buhok ko kunwari para lang mapawi yung luha sa mukha ko.


“Ikaw.. umii—“ bago pa niya matapos ang sasabihin niya. agad na akong lumapit sa kanya at niyakap siya.


Niyakap ko siya ng mahigpit bago ako magsalita.


“Ayokong isipin mo na naaawa ako. Ayokong isipin mo na responsibilidad ko ito. Bago ko pa nalaman ang kondisyon mo.. naramdaman ko na na mahal kita.


Mahal na mahal kita, Kelsey Cojuanco.” Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha niya sa balikat ko.

Humarap ako sa kanya at pinunasan ko ang mga luha niya.


“Kahit 6 na araw na lang yung natitira. Kahit 2 araw pa yan o isa. Kahit ilang Segundo pa.. ikaw pa rin ang mamahalin ko. Pagkakasyahin ko yun, maipakita ko lang na mahal kita. Ikaw ang una..



At ang huling taong mamahalin ko..” hinawakan ko ang mukha niya at dahan dahan na naglapat ang mga labi namin.



Nung hapong yun, bigla na lang umulan..



Kahit tirik pa ang araw.
HTML Comment Box is loading comments...