1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 42. Confusion

 “Heart Cancer.

Ang alam ko karaniwang heart disease lang, nagpatransplant pa nga siya noon. Nagulat na lang kami pagkatapos ng development ng kanyang puso, karaniwan ng kumalat ang cancerous cells sa katawan niya. Pero malabo pa rin ng dahilan. Siguro ang naging simula ng pagkakameron niya ng cancer ay dahil na rin sa heart failure.

Ang hospital na ang naging tirahan niya simula nung 14 years old pa lang siya. mas naging malala lang ngayon..”

Nag-uusap kami ngayon ni Niko. Kalalabas lang niya ng ER. At ngayon ay walang malay pa rin si Keli, pero tumitibok na ng normal ang puso niya. At gaya nga ng sinabi ni Niko.. may sakit pala sa puso si Keli.

“Patawad kong tinago ko sayo Andi na kilala ko si Keli at alam ko ang mga bagay na ito.”

Umayos ako ng upo. “Kailan mo siya nakilala? At maaari ko bang malaman kung paano nagsimula ang lahat ng ito?


Wala parin kasi akong maintindihan..” napatungo ako.


“Tanda mo ba noon.. nung unang beses kong sinabi sayo na may nagugustuhan akong isang babae. Crush na crush ko siya. kahit nerd siya.” parang biglang may nagflachback sa utak ko.

Ang mga alaalang yun.. nung unang beses na nakilala ko si Keli.

“Diba.. gustong gusto ko pa ngang ipakilala siya sayo. Kaya nung nagbago ka, nagpaturo ako sayo kung paano pumorma. Kasi seryoso talaga ako sa babaeng yun. Noon pa lang gusto ko ng maging doctor.. kasi gusto kong alagaan siya. Dahil alam ko kung anong kalagayan niya. Tapos isang araw.. dumating ako sa kwarto niya. Ang saya saya niya habang may hawak hawak siyang bulaklak. Sabi niya may nakasalubong siyang prinsipe. Ang gwapo daw. At ang prinsipeng yun.. ang nagbigay sa kanya nung mga red chrysanthemum na yun.”

Noong grade 6 kami, may nabanggit nga si Niko na may nameet siyang batang babae. Umiiyak ito pero oras na ngumiti ito, mahuhumaling ka daw sa ganda niya. 1 taon man ang lumipas. Natawa ako na parehas na iisang babae parin ang nagugustuhan niya. Tinuruan ko siyang pumorma. At akala ko hindi siya natuto. Sabi pa niya na imi-meet ko daw ang babaeng yun sa hospital na palagi niyang pinupuntahan.. kaya naisip kong magdala ng bulaklak. Yun lang naman kasing bulaklak na yun ang nasa bahay. Pero dahil makikipagkita ako kay Kristina, naisip ko na ibigay na lang kung sinong pasyente ang makasalubong ko. parang familiar ang babaeng yun.

Bigla akong natawa.. kaschoolmate ko nga pala si Keli nung grade school pa lang ako.

“Naalala mo nung time na iuwi ko si Terry sa bahay. Simula nung sabihin ko na pinsan kita, naisip niyang ibigay sayo si Terry. Pagpapasalamat daw. Kahit ang totoo, alam ko ng gusto ka na niya noon.”

May bigla na naman akong naalala. Tungkol kay Jared, nabanggit din niya ang tungkol kay Keli na may.. kinalaman sakin. Ang tagal na pala niyang nag-eexist sa buhay ko. Pero ngayon ko lang siya nakilala..


Tangna! Bakit ngayon ko lang nalaman na may isang tao dyan.. na totoong nagmamahal sakin!


“Andi, kung ako sayo.. hindi ko na lang sasayangin ang mga natitirang araw na makakasama ko pa ang taong mahal ko. Kung ipapangako mo na hindi mo siya sasaktan..


Ititigil ko na itong nararamdaman ko para kay Keli.” Napatingin naman ako kay Niko.


Mga 30 mins. after, pinuntahan ko naman si Keli sa kwarto niya. Wala pa rin siyang malay. Umupo ako sa tabi niya. Tinitigan ko siya. at dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya.. nakita ko yung bracelet na binigay ko sa kanya. As a sign that she’s really Andy Rivas’ girlfriend.

Bigla na lang nagflash back ang lahat sakin. At nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko.

*Sniff*


“Bakit.. bakit sa lahat kailangan ikaw pa..



Sa lahat ng pwedeng maging karma.. bakit ganito pa.” tinanggal ko naman yung bracelet sa kamay niya.

At umalis na ng kwarto.



Day 24

Nung mag-alarm ang cellphone ko, agad akong bumangon sa kama at binuksan ang kurtina sa kwarto ko. at nakakabadtrip na sobrang tirik ng araw. Napatingin naman ako sa cellphone ko.

“Agh!” napahawak ako sa buhok ko. Hindi ko makocontrol ang panahon? Pero..

PAANO??


Pumunta naman akong hospital. Pero pagdating ko sa kwarto ni Keli, wala siya dun. Agad kong tinanong siya sa mga nurses, pero umalis na daw ito. Mabuti na lang nakasalubong ko si Niko.

“n-Niks!!!” hingal na hingal akong tumigil. Agad din naman siyang napalingon.

“Andi?”

“ha.ha. *pant* n-Nasaan siya?” nagtaka naman siya. pero agad din niyang nagets. Tumingin siya sa relo niya.

“Hindi pa siya nakakalayo.” Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad na tumakbo ulit.

“Salamat!!!”


Takbo ako ng takbo. Kahit na nagagalit na yung ibang mga nurses at guards. Pero sinisigurado ko naman na maingat ako at walang mapapahamak sa pagtakbo ko. tinodo ko na lang lalo na nung nakalabas na ako ng building. Akala ko hindi ko na siya maaabutan. Mabuti na lang napadpad ako sa bus stop. Nakita ko siyang sumakay ng bus kaya agad naman din akong sumakay sa bus na sinakyan niya. Hinanap ko yung seats niya. Sa kasamaang palad, may katabi na siya.

“Hijo, uupo ka ba!?” nawala na pala ako sa sarili. Kaya agad akong tumabi at nilingon ulit ang part ni Keli. Nakatayo siya at para bang lumapit ng seats. Sa sobrang tuwa ko, agad ko siyang hinabol at siniguradong mapupunta sakin yung katabing seats niya.

“s-Sorry po!” sabi ko sa mga nasasagi ko. at sa wakas nasa harap ko na siya.

Nakatitig ako sa kanya nung muntik ng may magtangkang umupo dun sa tabi ni Keli.

“Sorry bro, dito ako!!” sabi ko dun sa lalaki.

“Tss! Ayaw agad uupo!” muntik pa akong matawa. Paglingon ko kay Keli.

“Ah! :o” nagulat din ako sa expression ng mukha niya na nagulat din. pero agad naman akong natawa.

“a-Andi?!” bigla siyang namula. “Anong.. ginagawa mo?” nagtataka yung mukha niya pero may kasamang lungkot.

Ayokong magpa-affected kaya ngumingiti na lang ako.

“Hah? Ginagawa? May ginagawa ba ako? Masama na bang sumakay ng bus?” nagcrossed arms naman ako.

Nagbayad kaming dalwa at bumaba ng bus. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, basta sinusundan ko na lang siya. nagtataka siya pero nginingitian ko na lang siya. may pinupuntahan siyang shop kaya minsan hinihintay ko na lang siyang lumabas.


“Ginagawa mo ba ito dahil ika-24 na araw na natin ngayon?” bigla na lang siyang nagsalita habang naglalakad kami.

“Hindi uulan.” Napawi naman ang ngiti ko sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil bigla akong nawalan ng confident sa plano ko. sinusubukan kong maging matapang para sa kanya. Sinusubukan kong kalimutan.. ang tungkol sa sakit niya. Pero.. pilit.. pilit niyang dinidiin na hindi ko kaya.

Tumigil siya at humarap sakin nung maramdaman niya sigurong hindi ko na siya sinusundan.

Tinaas niya ang kamay niya, “Hindi mo na ako girlfriend.”

I smirked.

Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko yung leeg niya at lalapit palang ako sa mukha niya—nung mapaatras agad siya. tumingin ako sa mga mata niya. Bakas sa mukha niya ang takot. Hinawakan pa niya dibdib ko para magbigay space saming dalwa.

“Natatakot ka na mahalikan kita?” gusto kong matakot na baka atakihin siya bigla sa ginagawa ko. pero ito lang talaga yung way ko para mapaniwala ko siya na hindi ako naaawa sa kanya kaya ko ginagawa ang mga bagay na’to.

“Eh ano kung hindi umulan. Pwede naman nating pekein e, imaginin mo na lang na umuulan tapos hahalikan na lang kita—“


*SPLASH!!!*


Napalayo kami sa isa’t isa.



“MAGHANAP KAYO NG KWARTO A! WAG DITO SA HARAP NG BAHAY NAMIN!!!”



HTML Comment Box is loading comments...