‘I’m dying..’
Paulit ulit na tumatakbo sa
isipan ko ang mga katagang yun na binitawan ni Keli. Napahawak ako sa
ulo ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.
‘Be my boyfriend in 30 days. I’m asking you, just only for 30 days. Andi, I need you.’
Ngayon..
naaalala ko na ang lahat. Nasagot na lahat ng tanong ko. Kung bakit
napakadesperada niya. At kung bakit parang responsibilidad ko ang lahat.
,’Matagal na kitang gusto. Simula nung highschool ka pa lang.
Matagal na kitang pinapanood. Hinahangaan. Malaki ang nagawa mo sa buhay
ko. Dahil sayo nasabi kong masayang mabuhay. Ikaw ang inspirasyon ko,
Andi. Matagal na kitang gustong malapitan, gustong gusto kita.. kaya
naglakas loob akong harapin ka. Andi, I really like you’. Pero bakit kailangang mangyari pa itong lahat..
Tumayo ako, pero pagtayo ko may nasagi ako. Pagtingin ko sa paper bag na yun.. ‘Look at me, Andi. Maganda? Pinasadya ko ito! Here, isoot mo yung iyo..’
Everything was according to her plan. Ngayong araw na’to.. 23rd Day.. Agh.
Naisip
ko na umalis muna sa condo ko at mag-stay muna sa bahay namin ni Niko.
Patuloy pa rin akong iiwas kay Keli. Iisipin ko na lang na isa itong
malaking bangungot.. na dapat kalimutan. Wala akong pakealam..wala akong
narinig.
“Terry!” masayang masaya naman akong sinalubong ni Terry.
Nakita ko naman si Niko, at napatayo ako nung makita ang porma niya.
“Niko?”
hindi ko alam kung anong irereact ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ko
maiwasang hindi mabigla sa pagtingin sa kanya ulo hanggang paa.
“a-Andi? K-kanina ka pa ba dito? Bakit..” mukhang nailang siya sa ginawa kong pagtingin sa kanya.
“Ah.”
Napahawak naman ako sa may batok ko. “Hindi ko alam kung gaano na ba
katagal tayo hindi nagkikita Niko at.. may nabago na pala sayo.” Hindi
kasi nakasalamin si Niko. Bukod pa dun ang porma porma niya. Malayong
malayo siya sa Niko na pinsan ko.
At ngayong natitigan ko siya.. parang may naalala ako.
“Hehe. Hindi ka na rin kasi nakakauwi. S-sige aalis na ako. Nagmamadali kasi ako—“
“Niko,
matagal ka na bang nagsosoot ng ganyan? Nagkasalubong na ba tayo noon
sa school namin?” bigla bigla na lang lumabas ang mga katanungan na ito
sa bibig ko. Tama ako, itong pagkatao ni Niko ngayon.. nakita ko na ito
noon sa school. Sa may old room kung saan..
Naaksidente si Keli.
“a-Ano
bang pinagsasasabi mo? Ako? Sa school niyo? Ano namang gagawin ko dun?
At.. ano naman.. kung marunong na akong pumorma noon pa.
Masama bang maglihim ng sikreto.” Parang akong tinamaan sa mga sinabi niya.
Medyo naguilty ako, “Kung ganon—“
“Sige na aalis na ako!!” agad naman siyang lumabas.
Lumapit
naman si Terry sakin. Kaya imbes na masyado kong isipin ang mga
nangyayari, ngumiti na lang ako habang hinahawakan si Terry. Hindi ko
kailangan pagkaisipan yun. Wala naman sigurong kinalaman si Niko.. samin
ni Keli.
Cellphone’s ringing..
Napalingon
ako kung saan at hinanap ang cellphone na tumutunog. Hindi ko cellphone
yun dahil iba naman ang ringtone ko. sumunod si Terry sakin sa
paghahanap. Hanggang sa matagpuan ko yung nagriring na phone sa kwarto
ni.. Niko.
At ang laking gulat ko nung makita ang screen name sa
cellphone niya. Hindi lang yun.. Ang picture na nasa table niya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahawakan ang picture frame na
yun. ang bilis ng tibok ng puso ko..
“Hindi ito pwede..” tiningnan
kong mabuti ang kwarto ni Niko. Tama, hindi ako pumapasok sa kwarto
niya. Pero bakit.. of all people si Niko pa. bakit ang pinsan ko pa ang
magtatago ng ganitong sikreto sakin.
Nag-end naman yung call. Kinuha ko ang cellphone at agad na nagpunta sa messages.
At mas lalo akong nainis sa mga nabasa ko..
-Hintayin mo ako. Pupunta ako dyan..
-Alam na niya ang lahat. Wag ka ng umasa na itutuloy pa ni Andi ang 30 days contract.
-Gusto kong pumunta si Andi, Niko. Niko.. tulungan mo ako.
-Itutuloy mo pa rin ba ang mga bagay na yun!?
-23rd day na ngayon Niko.. anong gagawin ko :’(
From: Keli
Nanginginig
ang mga kamay ko. Ang pinsan ko.. matagal na niyang kilala si Keli.
Parehas nila akong pinaglalaruan. Agh! Ngayong malinaw na ang lahat
sakin.. naalala ko ang araw na yun.. tama si Keli yung babaeng kasama
niya na muntik na naming mabangga nila Kevin. Si Keli ang pasyente na
inaalagaan ni Niko. Tinago ng pinsan ko ang sakit ni Keli sakin.
At ang masakit!!! Parehas kami ng pinsan ko na nagmamahal sa iisang babae!!
Sa inis ko naitapon ko ang mga gamit ni Niko.. kasama na ang mga picture frame na yun na magkasama sila.
Unti-unting
nagflashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Simula nung araw na
makilala ko si Keli. Ang mga ngiting yun. Ang mga salitang binitawan
niya.. lahat.. Lahat ay may dahilan. Lahat ay may kahulugan.
Nagmahal ako.. ng taong mawawala na balang araw..
Naiinis
ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ito nangyayari sakin.!? Bakit
kung kailan ako nagmahal.. sa kagaya pa niya! Sa taong hindi ko pa
makakasama habang buhay. Bakit ko hinayaan ang sarili ko na mafall sa
kanya.. bakit hindi ko agad napansin ang lahat ng ito?.. ang tanga tanga
ko..
Gulong gulo na yung isip ko sa mga nangyayari.
Buong araw akong nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa kisame at
nakalagay ang kamay ko sa noo ko. Iniisip ko ang lahat lahat ng
nangyari. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Gusto kong tumawa at the
same time gusto kong mainis. Pero mas nananaig ang sakit. Ang sakit na
malaman na sa kabila ng lahat ng ito, ang katotohanan na.. nahulog ang
loob ko sa taong iiwan pala ako.
For the nth time, pumatak ang mga luha ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nung magising ako., naisip kong puntahan ang beach resort na yun. Kung saan dapat kami magkikita.
Napansin
ko ang kagandahan ng lugar. Napakapresko. Napakapayapa. Hindi ko naman
inaasahan na sa paglalakad ko, makakasalubong ko siya. Gaya ko, gulat
siya na makita ako. At the same time malungkot. Pero mas napansin ko na
hindi niya kasama si Niko.
"Andi.." malumanay niyang sabi na may malungkot na ngiti sa mukha.
"Nandito ka pa pala..”
Katahimikan ang bumalot samin. Hindi rin nagtagal at gumalaw din ako para umalis.
“Andi! *sob*” nakatalikod na ako nung tawagan niya ako. Narinig ko pa ang paghikbi niya. Ang pagpigil niyang umiyak..
Wala na siyang sinabi pagkatapos. Naiinis akong humarap sa kanya. Nakita kong iyak na iyak siya.
“Bakit!? Bakit mo ba talaga pinlano ito!? BAKIT SINASAKTAN MO AKO!!!” mas lalo siyang umiyak.
Pinilit naman niyang huminahon.
“Oo.
Pinlano ko ang lahat ng i-*sob*-to! Pinlano ko na maging boyfriend ka.
Pinlano ko ang lahat ng ito para wala kang malaman sa sakit ko. *sob*
Dahil
ayokong kaawaan mo ako! At ayokong maging boyfriend kita dahil ayokong
isipin mo na responsibilidad ka sa sakit ko!!!” napatungo siya.
“Ayoko.. ayoko..” nakita ko na lang na nanginginig siya. sa sobrang takot ko agad akong lumapit sa kanya.
“Keli!?” napahawak siya ng mahigpit sa braso ko habang nakahawak sa dibdib niya ang kanang kamay niya. Ubo siy ng ubo.
“Andi..
pinlano ko ang lahat ng ito.. *ubo* d-dahil mahal kita! *ubo* *ubo*”
ngumiti siya. pawis na pawis siya. “Mahal na mahal kita, Andi. Noon at
hanggang ngayon.” Unti unti namang lumuwag ang pagkakahawak niya sakin.
“..masaya ako na kahit papaano na natupad mo ang 23rd day wish ko..” nahimatay siya. agad ko naman siyang inalalayan.
“Keli? Keli! KELIII!!” binuhat ko siya at dali dali akong nagtatakbo papunta sa kotse ko.
Agad
naman akong pumunta sa hospital ni Niko. At agad nilang dinala si Keli
sa emergency room. Tinawag na rin nila ang doctors ni Keli.. na si Niko
nga. Dumating si Niko.. at nagulat siya na makita ako. Pero agad din
naman niyang pinuntahan si Keli at ginawa ang responsibilidad ng isang
doctor.
Nung mga oras na yun, ang bilis ng tibok ng puso
ko. hindi ko na talaga malaman kung anong mangyayari.. ang gusto ko lang
ay sana wag agad NIYANG kunin si Keli. Gusto kong at least tumagal pa
si Keli at matapos namin ang 30 days na contract. Mahalaga siya sakin.
Minahal ko na si Keli. Mahal na mahal ko na siya..
Hindi ko pala dapat sayangin ang oras na magagalit lang ako sa kanya..







