“Andi? Wow, it’s been a long time.. bakit napadito ka—“ agad kong sinarado ang pinto ng kwarto ko.
Nahiga ako sa kama.
Nandito
ako ngayon sa bahay namin ni Niko. Dito muna ako since nandun si Keli
sa condo ko. Bigla ko namang narinig na kumakalampag ang pinto ko.
“Terry wag dyan!!” hindi ko pa nga pala nababati si Terry. “Mukhang may problema si Andi e..”
Napaub-ob ako sa mga tuhod ko.
Hanggang
ngayon ramdam ko pa rin yung sakit., at galit. Galit na galit ako na
nagawa sakin ito ni Keli. Hindi ko matanggap na magagawa niya sakin ang
mga bagay na ito kaya sobra akong nagagalit at mas pinili kong lumayo sa
kanya. Lumayo sa kanya ang solusyon para makalimutan ko na lang ang
lahat.
Naiinis ako sa sarili ko. Dahil nagpauto ako at nagtiwala
na naman. Mahirap pala talagang ibigay ang tiwala sa iisang tao.. dahil
sa huli masasaktan ka lang. Ang tanga tanga ko talaga.
Ang tanga ko na nagmahal na naman ako..
Hindi
naman ako nagtagal sa bahay dahil back to school na ulit. Final exam
na. hindi ako nakapag-aral pero hindi naman yun naging problema sa
pagkuha ko sa exams. Yun nga lang medyo mahirap. Kaya kailangan kong
bumawi bukas.
“Ang gwapo niya!”
“Sino kaya siya? parang familiar ang mukha.”
“Estudyante ba siya dito?”
“Kyaaaa~”
“Anthony!!!” napalingon naman ako sa tumawag sakin. Papunta na dapat kasi akong parking lot.
“Jared?”
tapos makikita ko pa itong taong ito. Of all places bakit ang school
ko. kaya pala.. ang ingay ng mga babae sa part na yun.
“Magkakilala sila ni Andi?”
“Ika nga nila ‘birds with the same feather, flock together”
“Kyaaaa~”
“I guess hindi tayo makakapag-usap ng maayos dito.” Sabi niya habang nagpapacute. Ang gagong ito!
So in the end pumunta kami sa isang restaurant. Gutom na daw kasi siya. Kahit ayoko naman siyang makita pero kailangan.
“So anong gusto mong itanong.. tungkol ba it okay.. ahehm Keli.” Nakakairita talaga ang gagong ito. Uminom na lang ako ng tubig.
“O baka naman sa ex girlfriend mong si Katrina!—“ muntik ko ng mabuga sa kanya yung iniinom kong tubig. Todo ubo tuloy ako.
“Hahahha!
I can’t believe it. Ikaw pa rin yung Anthony na kilala ko—“ hindi na
ako nakapagpigil. Na-grab ko yung collar niya. Tiningnan ko siya ng
masama.
Nakangiti siya pero seryoso yung mukha.
“Easy ka lang, dude!” binitawan ko naman siya.
Narinig ko pa na tumawa siya.
"Ano ba talagang relasyon mo kay Keli?" napatigil siya sa pagkain niya. At bigla na lang tumawa.
"You really jump to conclusion!! Hahahaha." sa totoo lang. May tama ba sa ulo ang gagong ito!?
Tumigil din naman siya nung makaramdam siyang seryoso ako.
"To tell you the truth, KAMI!" napatayo naman ako sa galit. Sinundan naman niya ng tawa.
Nagets ko agad ang tawa niya. Naupo naman ako sa hiya ng mapansin na napapatingin na samin yung ibang tao.
"Hahaha!
You really are funny, Anthony. So naniwala ka talaga!" tawa siya ng
tawa. Natanto kong hindi pa rin siya nagbabago. Maloko pa rin.
"To be honest, you are his first and also.. will be the last boyfriend." bigla naman akong kinabahan.
Sumeryoso kasi siya bigla.
"Tss. Last? Really. Paano kung sabihin ko sayo na wala na kami."
Tumingin siya sa labas. "I'm really sure of that."
Kinwento naman sakin ni Jared ang lahat ng tungkol sa kanila ni Keli. Napag-alamanan ko na..
'Wala
kaming relasyon. But I really care for her. Nakilala ko siya after nung
gulong nangyari satin nung highschool pa tayo. Ang nerd pa niya noon..
Napatunayan ko na mahal ka talaga niya. Dahil noon pa lang pinaglalaban
ka na niya. Tapos ngayon.. na handa siyang magbago para sayo.'
Napatigil
ako sa paglalakad at tinitigang mabuti ang cellphone ko. Day 22 na
namin ngayon. Medyo galit pa rin ako sa kanya.. but I must saw her..
'Kung may isang tao man na totoong nagmamahal sayo.. napatunayan ko na si Keli yun.'
Bzzzt..
52 new message/s
From: Keli
Andi, maghihintay ako..
Agad naman akong tumakbo papunta sa kotse ko. Pumunta ako sa lugar na sinabi ni Keli sakin.
Hindi
ko alam kung tama ba na magtiwala ako sa kanya.. sa kanila. Na tamang
mahalin ko si Keli. Pero ngayon.. Gusto ko lang malaman ang totoo. After
this, saka ako magdedesisyon.
Nakarating ako sa isang restaurant. Pinark ko ang kotse ko. Sa may pinto may isang note. Kinuha ko ito, ‘You’re finally here’ ang nakasulat. Pumasok ako at may nabasa ako sa sahig.
‘You’re finally taking your first step’
Naglakad pa ulit ako. Kinuha ko naman yung note sa may pader, ‘Just follow the petals’
nakita ko di kalayuan sakin ang mga petals sa sahig. Sinundan ko yun.
Hanggang sa makarating ako sa may hagdan. Pero may dalwang kahon akong
nakita at may nakalagay ulit na note.
‘Do you hate me?’
sa isang kahon may nakasulat na ‘yes’ at dun sa isa ‘no’. Syempre ang
kinuha ko ay yung no. Binuksan ko yung box at may nakalagay ditong isang
red rose at isa pa ulit na note.
‘If you love me, go upstairs.’
Tiningnan
ko yung hagdan. Sa taas nito, nandun siya at naghihintay. Kapag umakyat
ako ibig sabihin parang sinabi ko na rin na mahal ko siya. Na parang
umamin na rin ako. Na kapag nandun na ako, makikita ko siya.. at
masasaktan na naman ako. Minahal ko naman talaga siya.
Thump.thump..
Pero.. paano kung malaman ko ang katotohanan. Matatanggap ko ba? Mas masasaktan ba ako.
Nakarating
na ako sa taas. Nakita ko naman siya, lumingon naman siya sakin. Unti
unting lumabas ang mga ngiti niya. Ito naman talaga ang gusto ko. ito
naman talaga ang pinunta ko.. Kahit ano pa man ang katotohanan.
Kailangan ko yun tanggapin. Nasa akin na lang ang desisyon.. kung
ipagpapatuloy ko pa ang kalokohang ito.
“Andi.”
Tiningnan
ko ang paligid. As expected, ganito nga ang nakasulat sa notebook niya.
Everything was according to plan. Lumapit naman siya sakin.
“Akala ko hindi ka na darating..” paiyak niyang sabi pero mukha parin siyang masaya.
Inabot ko naman sa kanya yung red rose. Ang saya saya niyang tingnan.
“Halika
kumain muna tayo!” hinila niya ang kamay ko at dinala ako dun sa may
table. Mukhang nagluto siya. Talagang pinaghandaan niya ang dinner date
na’to.
Nagkwento siya ng kung anu-ano. Nakikinig naman ako. Pero
hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha ko. Ayokong ipakita sa
kanya na nag-eenjoy ako dahil ang totoo ay hindi.
Habang
tinititigan ko siya, hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga nakasulat
sa notebook na yun. Kaya umiwas na lang ako ng tingin at umaktong wala
sa mood.
“Andi?.” Nakaramdam siguro siya. Saglit na katahimikan.
“Ha-ha.
Hmm..” hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Napapansin ko naman yung mga
effort na ginawa niya sa dinner date na’to. Nakakatuwang tingnan.. at
the same time. Nakakadisappointed.
Bigla namang may tumunog na kanta. Napatingin tuloy ako sa kanya. Na dahilan para mapangiti siya.
Tumayo siya at lumapit sakin.
“Sayaw tayo.” Ang laki ng mga ngiti niya habang nakatayo sa harap ko.
Tinitigan
ko lang siya. nakangiti siya habang kagat kagat ang mga labi niya.
Siguro pansin niya na may mali sa kinikilos ko. Napansin ko naman ang
pag-o-offer niya ng kamay. Tiningnan ko ito.. at naitanong sa sarili
kung dapat ko bang kunin ang offer na yun.
Hinawakan ko ang kamay niya. Pero napatungo ako.. Hindi ko pala kaya.
“Andi?” saglit na katahimikan.
Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya.. o kahit sa kanya. Nanatili akong nakatungo habang hawak ang mga kamay niya.
“Andi,
may problema ba?” nagtataka na siya sa pinagkikikilos ko. pero hindi ko
binitawan ang kamay niya. “Andi..” narinig ko na lang na paghikbi niya.
“Galit ka ba sakin, Andi? *sob*” tiningnan ko siya. Umiiyak si Keli..
Hinawakan
ko ng mahigpit ang mga kamay niya, “Gusto kong malaman ang katotohanan
sa lahat ng ito.” Naiinis ako. At nasasaktan.. Hindi pa ako handa.
“Please, sabihin mo sakin ang totoo. Bakit mo ito ginagawa sakin? Ano ba
talaga itong.. 30 days.” Binitawan niya ang kamay ko.
Na aking kinabigla.
Umiwas
siya ng tingin. At binalot kami ng sobrang katahimikan. Tanging yung
music lang ang naging sounds. I guess, ayaw niyang aminin ang
katotohanan. Tama nga siguro ako, pinaglalaruan lang niya ako. Hindi
totoong inlove siya sakin, dahil isa akong Playboy. Gaya lang siya ng
ibang mga babae.
Tumayo ako at pinat ang ulo ni Keli. Nagdecide na rin akong umalis.
“I’m
sick.” Napatigil ako nung marinig na magsalita siya. pero hindi ko
narinig ang sinabi niya. Lilingon pa lang ako nung marinig ko ang sunod
niyang sinabi.
“Andi, I’m dying..”







