1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 4. His Rules


“Hi, Andi!” lumink na naman siya.

“Oh hey , Irene. “ naglakad lang kami. Hinayaan ko siyang nakalink sakin. Bigla namang may nagtext sakin. Sina Loraine at Trisha. Niyayaya nila akong magbar. Sa bagay 6 pa lang naman. Naisip ko rin.. na kung dalhin ko na lang kaya si Irene dun, since dun ko naman siya nakilala e.

Tapos, ipamumukha na nila Loraine at Trisha ang break-up. A’right!!

Pumunta nga kami dun. Nginingitian pa ako ni Irene. Tss..

“Andi here!” kumaway sila Loraine at Trisha sakin.

“Sila ba ang mga friends mo?” inalis ko ang pagkakalink ni Irene sakin. At lumapit ako kila Loraine at Trisha.

They kissed me on my cheeks tapos humawak na rin ako sa mga baywang nila. Takang taka naman si Irene.

“Anong ibig sabihin nito, Andi?” hinalkan ko sila Loraine at Trisha. Tapos lumapit ako kay Irene. Hinawakan ko ang kamay niya at bumulong ng: “Just enjoy the night, my girlfriend.” Binitawan ko naman agad ang kamay niya.

“Punta lang ako dun girls.” Iniwan ko naman si Irene. Sinulyapan ko pa siya. At mukhang susunod pa siya. Pero... syempre, pagdating sa bar na’to. Wala akong gf na hindi nabi-break pag dinala ko na sila dito. 8)

Umupo ako sa pinakamalayong table pero kita parin sila. I smirk. Mukha sinisimulan na nila Trisha at Loraine. Gaya ng ineexpect ko sa dalwang yun. Take note: they are my fling chiks also my friends. At okay lang naman sa kanila yun. They love boys, especially Andi Rivas.

Uminom ako ng tequila na nasa harap ko.

“Hey, Andi.” May tumabi sakin?  I look at her..                    cleavage. Perfect!


“And you are?” nilapit niya mukha niya sa mukha ko.

“Just call me, Honey.”




“Honey?”

BLAG!!!


Kahit malakas na ang sound dito sa bar. Narinig ko parin ang pagdadabog na yun. Napatingin kaming parehas ni Honey. Si Irene? ::)

"Irene." sabi ko w/ a calm tone of voice. Ang sama ng tingin niya samin nung Honey.

"Ano to!? So totoo ba lahat ng sinabi ng mga babaeng yun?" ngumiti lang ako. Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung anong sinasabi nila Loraine at Trisha.

"Pahoney-honey ka pa dyan. Hmf!" nagwalk-out naman si Irene.

"Who is she?" ngumiti ako kay Honey.




"My ex-girlfriend." 8)

"Oh really." she wrap her hands around my neck then start kissing me.

Pagkatapos ng mahaba habang halikan. Hindi ko officially'ng naging gf si Honey.. dahil.. may bf sya. Bumalik ako kila Loraine at Trisha. 8:00 na pala. "What's with that girl? Muntik na niya kaming awayin nung sinabi naming pang 36th ex girlfriend mo na sya." pumulupot si Trisha sakin.

"At talagang inis na inis sya ng sabihin naming ex girlfriend." binigay ni Loraine sakin yung beer na pinag inuman niya.

"Ayaw niya ng sinasabihan sya ng ex. Irene is a spoiled brat. At sa lahat ng ayaw niya, ay yung tinatapakan ang pride niya." Loraine kissed me torridly.

"So, for now, goodbye girls?" they both kissed me on my cheeks.

"See you soon, Andi." sabay nilang sabi. Bigla namang tumunog ang phone ko.

Lumabas ako ng Bar at agad na pinaandar ang sports car ko. 8:15 na. At malapit ng mag-9.

Ang sabi sa text, room 116. 2nd floor. Nagdoor bell ako. Mga 2 minuto, nagbukas ang pinto. At..
Tiningnan ko sya, ulo hanggang paa. 36-25-34. Pwede na. "Hi, Andi." ngumiti ako.





Hindi ko akalain na pati ang model student ay bibigay rin sa isang Andi Rivas.
HTML Comment Box is loading comments...