“Bye bye!!!”
“Andi.. kailan ka babalik?” pinalibutan na naman ako ng mga highschool students na’to.
“At least man lang ibigay mo samin ang number mo oh.”
“Oo nga! Andi!”
Ang kulit talaga nila.
“Hahaha. Don’t worry. Bibisita ulit ako dito!”
“Kyaaaaa~” ngayon lang ako nainis ng ganito sa mga bata. TSK!
Tumingin
naman ako kila Keli at Jared. Ang saya nilang nag-uusap. May pahawak
hawak pa si Jared sa ulo ni Keli. Mukhang close talaga sila.
“Ah!
Andi!” ngumiti siya. lumapit naman ako sa kanila. “Alis na kami Jared,
let’s go Andi.” Hindi ko pinakinggan si Keli at tiningnan ko ng diretso
si Jared.
“Hey! Hey! What’s with those eyes? May sama ng loob ka pa rin ba sakin.” Nakita ko naman si Keli na nakatingin samin.
“Go ahead Keli. Magpapaalam lang ako ng maayos sa taong ‘to.” Nung makaalis naman si Keli.
“So
goodbye!? Hahahah tol ang bakla mo!” agad kong nigrab ang damit niya.
Nagulat siya pero agad na sumeryoso ang mukha niya. Mukhang alam na niya
ang ibig kong sabihin.
“Kailangan nating mag-usap gago!” tinulak ko siya.
“Tss! Ano ba talagang—“ tumigil siya sa pagsasalita nung tingnan ko siya ng masama.
Umalis naman ako at iniwan siyang balisa.
Tahimik
lang kami ni Keli sa loob ng kotse at sa buong byahe. Natulog din kasi
siya. At wala din naman akong sasabihin.. at wala na rin akong pakealam.
“Andi! Magkita na lang tayo mamaya a!” tumango naman ako habang may tinitingnan ako sa cellphone ko.
Nagulat na lang ako nung hawakan niya ang mukha ko at halikan ang kanang pisngi ko.
“I love you.” Nakangiti siya.
Tinulak ko naman siya ng mahina. THUMP. Yung puso ko.. ang bilis ng tibok.
“Sige na. magkita na lang tayo mamaya.”
“Okay!”
Nung makalayo siya. Inis akong nagdabog. Tiningnan ko ulit ang cellphone ko.
“Day 21..”
Naisip kong dumiretso muna sa Bar.
Nakita
ko naman sila Loraine at Trisha. Kaya nagpasama na rin akong uminom sa
kanila. Pero hindi lang sa kanila. Kung kani kaninong babae rin.
Napansin ko rin ang pagbabago sa Bar at kung gaano na pala ako katagal
hindi pumupunta dito. Namiss ko lang..
“Dee!!” napatingin naman ako sa tumawag sakin. Si Kevin.
“Tss. Buti dumating na kayo, sinabi ko na sainyo nababaliw na ang gagong yan!”
“Hahaha!
Kayo pala Kevin. Tara samahan niyo ako, pwede rin kayong magsama ng mga
babae niyo. Este! Hindi nga pala pwede si Darryl dahil may Sabrina na
siya! Hahaha *hic.” Uminom naman ako ng alak at nakipaghalikan sa
babaeng nakaupo sa lap ko.
Ang pula ng mga labi niya. Totoong
mahaba ang buhok. Maganda ang katawan. Ganito ang mga babaeng gustong
gusto ni Andi Rivas. Yung pangit na Keli’ng yun na gumanda lang. Letche!
Bakit kailangan pa niyang dumating sa buhay ko!
“Ah! Andi masakit—“ biglang sumigaw yung magandang babae na hinahalikan ko lang naman sa leeg.
“Tama na Andi!!”
Lumayo
sakin yung babaeng pokpok na yun. At hawak-hawak niya ang namumula
niyang braso. Mukhang.. *hic sa sobrang galit ay nahawakan ko ng
mahigpit ang mga braso niya. TSS wala akong pakealam. Nandito sila para
pasayahin ako!—
“Bitawan mo nga ako Kevin.”
Lumayo ako sa kanila at naghanap ng sexy’ng babae.
“Hayaan niyo na lang kasi siya. Kanina pa siyang ganyan e.”
“Kanina
pa pala siyang ganyan! Pero bakit hindi mo man lang siya pigilan
Daison!!” dumaan ako sa gitna nila Daison at Kevin na mukhang nag-aaway
dahil sakin. Habang may hila hila akong sexy’ng babae. Sabi ko naman
diba na maghahanap ako.
“Halika dito sexy! *hic” sabi ko dun sa babae pero pinigilan siya ni Darryl.”
“Oh
Darryl? Bakit mo pinipigilan ang chiks ko.! dun ka na nga lang kay
Sab!” tinulak ko siya. “*hic Haha maswerte ka nga at seryoso sayo yung
tao. Magpasalamat ka rin sakin! Kung hindi ko siya iniwan.. hindi siya
mapupunta say—“ bigla naman niya akong sinuntok.
Hindi ko na kaya
ang sarili ko kaya napahiga ako sa sahig. Nakikita ko na tumitingin
samin ang mga tao. Saka lang ako natauhan sa pinaggagagawa ko. ang
sakit.. ang sakit ng puso ko *sob*
“Nasaan na ang girlfriend mong si Keli, huh Andi!?” lalo na nung marinig ko ang pangalan na yun.
Nanggigigil ako. Gusto kong tumayo at ilabas ang galit na ito.. pero hindi ko magawa. *hic
Bigla naman niyang nigrab ang damit ko.
“Nagloloko ka na naman ngayon, Andi. Ganyan ka talaga—“ hindi na ako nakapagpigil at nasuntok ko na rin si Darryl.
“Ano ba! Tama na! KAYONG DALWA!!!”
Lumapit
ako sa kanya at hinila ang collar niya. Wala pa siyang kamalay malay
nung suntukin ko siya ng magkabila sa mukha niya. Parang nandilim ang
paningin ko at hindi ko na alam ang ginagawa ko.
“Ano ba! ANTHONY!!!” may dalwang humihigit ng braso ko. pero hindi ako nagpapigil.
Masyado akong naiinis to the point na gusto kong pumatay ng tao.
“TAMA NA!!!
ANDIIII!!!~” natauhan na lang ako..
Nung may sumampal sakin at tumulo ang mga luha ko.
Napatungo ako at napahawak sa ulo ko.
“Hey you people! Sarado na kami!!!” naririnig ko ang boses nila Loraine at Trisha.
Unti –unting naubos ang mga tao. Hanggang sa kami na lang ang natira.
“Darryl? Darryl!? Darryl.. *sob*” ang boses ni Sabrina. Si Sabrina ang sumampal sakin. Agh!
Nasaktan ko si Darryl. Binugbog ko ang kaibigan ko.
“Andi, saan ka pupunta!?” pipigilan sana ako ni Kevin pero agad akong kumawala. Gusto ko lang umalis—
“NAPAKASAMA MO TALAGA ANDI!!!” biglang sumigaw si Sabrina. Napatigil ako..
“Pati
ang kaibigan mo.. *sob* handa mong saktan dahil lang sa mga babae.
Ganyan ka ba talaga! HINDI KA NA BA MAGBABAGO!” tiningnan ko siya. iyak
na iyak si Sabrina.
“Si Darryl.. ayaw niya akong pansinin
dahil gusto niya na makita kang maging masaya at maging seryoso sa
iisang babae. Gusto niya na bago siya magseryoso.. makita man lang niya
na yung taong nanakit sakin ay seryoso na sa iba. *sob* Akala namin.. si
Keli na yun.
Hindi pala..
Ikaw pa rin si Andi Rivas.
Kailan
ka ba magseseryoso. Pati mga kaibigan mo.. pinag-aalala mo..” ang
marinig ang mga bagay na’to. Mas lalo lang akong naiinis..
Hindi nila ako naiintindihan. Wala silang naiintindihan.
“Andi!”
Umalis ako sa lugar na yun at naisip na umuwi na lang sa condo ko.
Ang
sakit ng ulo ko.. at mas lalo lang nanakit nung makita ko siya. Tumayo
siya, at ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Tumitibok na naman ang puso
ko.. alam kong gusto ko siya. Pero nagagalit ako sa kanya. Of all
people.. bakit ikaw pa Keli.
“Andi!”
Pumasok ako at nagdiretso sa kusina. Sinundan niya ako. Iinom sana ako ng kape pero hindi ko magawa. Nanginginig ang kamay ko.
“Gusto mo ba nito? Ako na!” lumayo naman ako sa kanya. “Andi!?”
Umakyat ako sa kwarto at pumuntang banyo. Nag-shower ako.
Habang nag-iisip ako. Bigla na lang pumasok sa isipan ko lahat ng nasa notebook na yun. Nasuntok ko ang pader sa sobrang galit!
“Bakit!.. akala ko iba ka.. *sob*”
Pinatay ko ang shower at half naked na lumabas ng banyo.
“Andi!--” nakita ko naman siya na nakaupo sa kama ko. Nag-iba ang soot niya. Namumula pa yung mukha niya.
Kumuha
na lang ako ng damit kaysa pansinin siya. Papansin talaga siya. pupunta
punta siya sa kwarto ko tapos mamumula ang mukha niya pagnakita akong
ganito.
“Look at me, Andi. Maganda? Pinasadya ko ito!” nilagpasan
ko siya at kinuha ang nagriring na cellphone ko. “Andi?..” naging
malungkot ang tono ng boses niya.
“Couple shirt? Nice.” Tiningnan ko ulit ang cp ko. tumatawag sakin si Kevin.
“Hehe.
Paano mo—Tama ka! Here, isoot mo yung iyo.” Inabot niya sakin yung
paper bag niya. Siguro nandun yung shirt na ibibigsay niya sakin.
“Loraine?” nilagpasan ko ulit si Keli.
‘What’s the matter Andi?’
“Sorry nga pala kanina.”
‘It’s fine. Okay ka na ba?’
“Medyo
masakit pa yung ulo ko. Pero I’m sorry talaga. Mali yung inasal ko.
Nagcause pa tuloy ako ng trouble. I really am sorry..” napatingin naman
ako kay Keli. Nakaupo siya at parang malungkot. Naramdaman niya siguro
na nakatingin ako kaya napatingin siya sakin. Ngumiti siya pero agad
naman akong umiwas ng tingin.
“I’ll make it up to you, Loraine. Bye.” Ni-end ko yung call.
Naramdaman ko naman na lumapit si Keli sakin kaya lumingon ako sa kanya.
Inabot
niya sakin yung kape na siguro tinimpla niya kanina, “Drink this. Hindi
ko alam kung bakit ka nag-inom pero sana.. okay ka lang.”
Tiningnan
ko siya sa mga mata. Nakangiti lang siyang nakatingin sakin. Hinawakan
niya ang kamay ko at nabigla ako ng bigla kong nasampal ang kamay niya—
*BLAG*
Nabasag ang tasa.
Nagulat siya..
“a-Andi?”
Ayoko na..
“Tama na. Itigil na natin ito.. STOP DOING THIS!!!” natakot siya sa bigla kong pagsigaw.
Naramdaman ko na lang na may dumaloy na luha sa mata ko.. Umiwas ako ng tingin sa kanya..
“Umalis ka na dito. Iwan mo na ako.”
1.. 2.. 10 seconds na katahimikan. Hindi pa rin siya umaalis. Nung tingnan ko siya.. nakatingin lang din siya sakin.
“Kung ayaw mo, ako na lang ang aalis.” Iniwan ko siya.
At umalis na ako sa condo ko..







