Day 20
Napahawak ako sa ulo ko pagkabangon na
pagkabangon ko. Bigla namang bumalik sa alaala ko yung panaginip ko. Sa
panaginip ko, nasa paraiso daw ako. Nakahiga sa duyan habang nakayakap
si Keli sakin at ginagawang unan ang kaliwang braso ko. Napakasaya ko..
at—
“Aray..” may nahawakan naman ako sa noo ko. Isang smiley??
Alam
ko.. na hindi yun ang unang pagkakataon na napanaginipan ko si Keli.
Tama!.. palagi ko siyang napapanaginipan.. dahil palagi sa panaginip ko,
sa huli may nangyayaring masama.
“Andi!!!” sinalubong niya ako sa kusina at binigyan ako ng sandwich.
Kakagat
pa lang ako, “Gising na ba si Andi!?” nang muntik na akong mabilaukan
nung marinig ko yung boses na naman nung dalwang magkatid na yun.
“Tara.” Bigla namang hinigit ni Keli ang kamay ko at tumakbo kami palabas.
Sumakay kami sa kotse ko at naisipan naming umalis muna ng bahay. Namili kami ng mga prutas. At dumaan sa isang flower shop.
“Goodmorning, Sir.” ngumiti naman ako habang si Keli ay agad agad na tumingin ng mga bulaklak. Sinundan ko siya.
“Waaah ang gaganda nila.”bawat bulaklak inaamoy niya.
“Ano
ka ba! Wala namang amoy ang mga yan. Kung gusto mo, sampaguita na lang
bilhin natin. Ayun amoy santo pa.!” ang mga babae talaga. Bakit ba
tuwang tuwa sila sa mga bulaklak.
Umalis na naman siya at parang may hinanap. Ako naman sunod ng sunod. Hanggang sa may bigla siyang tinigilan at umupo pa siya.
“Gustong gusto ko talaga ito..” tiningnan kong mabuti yung bulaklak na tinigilan niya.
“Ang bulaklak na yan..”
“Red
Chrysanthemum. Ang kaunaunahang bulaklak na natanggap ko sa lalaking
pinakamamahal ko.” napataas ako ng kilay. Ibig ba niyang sabihin yung
first boyfriend niya? Ang drama naman niya.
“Gusto mo bang bilhin natin yan?” umiling naman siya.
“Hindi na kailangan.”
Bumalik naman kami at napansin namin ni Keli na dumami ang tao.
“Waaaah
girls siya yung tinutukoy ko!” ( 0.0 ) sumulpot na lang bigla yung
magkapatid at may kasama pa silang madaming mga babae na mukhang mga
kaibigan nila.
“Ang cute niya.~”
Lumink
naman sa magkabilang braso ko sila Joana at Lian. At sunod sunod na
nagtanong ng kung anu ano yung mga kaibigan nila. Habang si Keli ay
sumunod naman kay Jared >:|
Sabi ni Jared pupunta daw
kami sa lawa para maglangoy. Ayos lang sana pero hindi ako tantanan ng
mga kaibigan nila Joana at Lian. Para silang linta.. tapos si Keli hindi
naman ako nilalapitan. Agggh!
“Waaah Andi
maghubad ka na!!!” hinigit higit nila ako dun sa may tubig. Pinipilit
nila akong paghubadin kasi lahat sila nakabikini na.
At
aaminin ko, okay naman ang mga highschool students na’to. Magaganda ang
katawan nila. Kaso wala ako sa mood makipagflirt sa mga bata sakin. At
si Keli naman ay kasama na naman nila Jared habang nagluluto dung
barbecue o kung anu man. Naiinis lang ako, kaya naisip ko na
makipag-go-with-the-flow sa mga batang ito.
Naglaro kami ng volleyball sa may lawa.
“Hahahaha.” Ngumingiti na lang ako habang nakikipaglaro sa mga batang ito.
May
isang babae naman na lumapit sakin. “Bakit hindi ka maghubad? O alisin
mo na lang yung polo mo at magsando ka na lang. teehee.” (~,^ ) cute
naman ang isang ito. Pero gaya ng sinabi ko, wala ako sa mood
makipagflirt sa mga bata. Kaya laking tuwa ko na lang nung tumama sa
mukha niya yung bola.
“Waah si Angelie tinamaan.”
“oo
nga. Oo nga.” Sumulyap ulit ako kila Keli. Napansin ko naman na umaalis
kung saan si Keli. “Kukuha lang ako ng gamot.” Agad naman akong
tumakbo. May balak pa ngang sundan ako nung mga batang yun kaya
binilisan ko na lang ang takbo.
Takbo ako ng takbo habang hinahanap ko si Keli. Kaso hindi ko agad siya nahanap nung may bigla na lang akong nasagi.
“Oh Andi.” Ang laki ng ngiti ko na makitang siya yun.
“o-Oi!” pero bigla ko ding naisip na magkasama nga pala sila kanina ni Jared. Binalewala niya ako! >:| Tss..
*SPLASH*
“WOY!!!”
sinigawan ko siya dahil bigla na lang niya akong binasa gamit yung hos.
Tawa siya ng tawa. At dahil basa na ako kaya hinubad ko na yung polo
ko. at nagsando na lang ako. Gumanti ako at binuhos sa kanya yung isang
timba na puno ng tubig.
“waaaah!” napatingin siya sa sarili niya na basang basa.
“Hahahahahahaha!
Ikaw kasi e.” tumingin siya sakin ng nakapout at ngumiti sabay binasa
ulit ako nung hos. Kaya binuksan ko din yung gripo nung isang hos at
binasa siya.
Naghabulan kami habang nagbabasaan.
Kaso..
“WAAAAA SI ANDI NAKASANDO NA LANG!!!” nataranta ako ng marinig na naman ang mga boses nila.
May bigla bigla na lang humigit sakin.
“Tara maligo na tayo sa lawa.” Pinilit kong makawala.
“s-Sandali!
K-kasama ko si Keli!” tinuro ko si Keli. Na sa kasalukuyang basang basa
gaya ko. bigla naman akong namula na mapansin yung looks niya. (//.T )
Ang ganda niya..
“Hindi na. Okay lang ako.” Ang sweet ng ngiti niya atsaka umalis.
“Waaaaah tara na tara na!!!” tiningnan ko lang siya habang umaalis palayo samin. Kanina lang ang saya saya namin.
Pagkatapos
kong makipagswimming kasama yung mga bata na yun ay kumain na rin kami.
Napag-alaman ko rin na nagku-culinary pala itong si Jared kaya lagi
silang magkadikit ni Keli. Dahil parehas sila ng interest. TSK. Nung
nagkachance ay tumakas ulit ako at naglakad-lakad..
Ang dami kong napansin sa lugar na yun. Napakarefreshing.
Nagulat
na lang ako nung bigla na lang lumitaw si Keli kung saan. Nakangiti
siya habang papalapit sakin. Nasa likod ang mga kamay niya. “Tss.”
Nasabi ko na lang. ang pacute niya kasi.
“ANDI!!!” narinig ko na naman ang boses nung mga batang yun.
Lumingon naman ako para hanapin ang boses nila.
Pero nagulat ako nung higitin ni Keli ang kamay ko at dalhin ako dun sa may lawa. At nagtago kami dun sa malaking bato.
Tinago
niya ako. Hindi naman ganong kalalim yung pwesto namin. Pero hanggang
baywang ko yung tubig. Pinagmasdan ko siya.. at dahan dahan kong binawi
ang kamay ko sa pagkakahawak niya sakin.
“No need. Bumalik na tayo.”
At
dahil pagabi na. Naisip namin na umuwi na. Pero hindi pa dun natatapos
ang celebration dahil nagpa-barbecue party sila Joana at Lian. Kasama ko
pa rin yung mga highschool students na yun. At kasama pa rin ni Keli si
Jared.
Hindi ko maiwasang hindi paulit ulit na sumulyap
sa kanila. Ngayon lang.. ako nagkaganito ulit. Ngayon lang ako ulit
nagselos pagkatapos kay Katrina. At masama.. nagseselos ako.. sa iisang
tao.
“Andi! Inom ka oh!” natauhan naman ako nung bigla na lang ako kausapin nung mga highschool students na yun.
Ginawa ko na lang yung inuutos nila.
“Kyaaa!” nagulantang ako sa bigla nilang pagsigaw. “Ang galing galing mo talaga Andi!!!”
“Isa pa! Isa pa!”
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga babaeng ito..
“Andi!!.. isa pa. isa pa!” agh! Lasing na yung iba sa kanila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. mga highschool girls talaga..
“Tama
na! tama na! di niyo na kaya e.” pinilit naman niyang uminom kaya
inagaw ko yung baso sa kaniya. “Igagawa ko na lang kayo ng kape. Dyan
lang kayo a.” pagtayo ko. hinanap naman ng mga mata ko sila Keli. Pero
hindi ko sila nakita.
Pumunta akong kusina at gumawa nga ng kape. Naaasar ako sa mga nangyayari. Naaasar talaga ako!
“Ah Andi!!” lumingon naman ako sa tumawag sakin. Si Joana. Isa pa itong problema e.
“Yo!” sabi ko habang itinuloy ko na lang ang pagtitimpla ng kape.
Nabigla na lang ako nung bigla siyang yumakap sakin. “Wah! Hey!?” tumingin ako sa kanya. At naamoy ko na amoy alak siya. Tss?!
“Andi..
ang pogi pogi mo talaga. Kahanga hanga. Ngayon lang ako nakakita ng
kagaya mo.. “ hinawakan niya ang mukha ko at palapit siya ng palapit
sakin.
Alam ko ang gusto niyang mangyari.. pero huli na ang lahat bago ko pa siya maitulak. Nakita na kasi kami ni Keli.
“Keli!!!” tumakbo siya. kaya agad ko naman siyang hinabol. Pero nawala siya sa paningin ko.
“Andiii..”
nataranta ako nung marinig ang boses ni Joana. Kaya the next thing I do
is magtago. Hingal na hingal akong pumasok sa isang kwarto. *pant*
Napansin ko naman yung kwarto.. ay kay Keli.
“Tss.
Lagi na lang akong napupunta sa lugar na’to.” Napakamot naman ako sa
batok ko. At di ko maiwasang mangiti na makita ang mga gamit niya.
Nahiga
ako sa kama niya. Kahit na naiinis ako sa ginawa niyang ito.. alam ko.
Sigurado ako na may dahilan siya sa lahat ng ito. May tiwala ako sa
kanya. Alam kong wala lang sa kanya si Jared. Hindi siya gaya ni
Katrina..
Naisip ko naman na umalis na. Pagtayo ko. bigla kong
nasagi yung bag ni Keli. Inayos ko naman agad yun. Baka kasi magtaka si
Keli pag nakita niyang magulo ang mga ito. At habang inaayos ko yun..
isang cute na notebook ang umagaw ng atensyon ko.
“30 Days
with Mr. Rivas? Tss.” Alam kong ako yun. Baliw talaga siya. so gumawa
pa talaga siya ng diary para lang ma-details niya lahat ng mangyayari sa
loob ng 30 days. Pero hindi naman niya kailangang gawin ito.. dahil
hindi ako papayag na hanggang 30 days lang kami.
At sa totoo lang.. masaya ako.
“Day 1?” tiningnan kong mabuti ang mga nakasulat. Binuklat ko ng binuklat ang mga sumunod. Hindi ko alam ang irereact ko..
“Ano ito..”







