Day 19
Kagigising ko lang at katatapos ko lang
maghilamos kaya naisipan kong pumunta sa kusina. Nung makita ko naman
sila na magkasama at mukhang nagluluto para sa agahan. Hindi pa man ako
nagsasalita ng mapansin naman ako nung Jared.
“Hey. Anthony.” Tss.. tinatawag pa rin niya ako sa pangalan na yun. Hindi ba niya alam na sikat na ako.
“Goodmorning,
Andi!” ngingiti na sana ako dahil sa mga ngiting yun, kaso.. bakit ba
talaga kasama namin dito si Jared!? At magkaano ano ba talaga sila!?
Tss..
“Nagluluto kami pang-almusal. Maghanda ka na ng mga pinggan—“
“Hindi ako kakain.” malamig kong sabi na hindi tumitingin sa kanya.
“Pero
Andi. Umagahan ito. Breakfast ang pinakamahalagang—“ pinakita ko sa
kanila yung milk na kinuha ko sa ref. at kinuha ko din yung cereals na
binili ko kahapon sa convenience store.
Wala akong imik na
kumuha ng bowl para ilagay yung cereal at the same time yung milk.
Inaabangan kong magsalita si Keli pero nung tumingin ako sa kanila,
nakita ko na lang na hawak hawak ni Jared yung likod niya at masayang
masaya silang nagluluto. Kaya padabog akong kumain habang nakasimangot
na ngumunguya. Nakakainis talaga! Akala ko pa naman na maeenjoy ko itong
vacation na ito—
“Ah!” napatigil naman ako sa pagnguya
nung may dalwang babae na nasa may pintuan ng kusina na titig na titig
sakin. Ang weird ng mga tingin nila at parang silang hindi humihinga.
Nakikipagtitigan lang sila sakin.
Nung mapansin kong ang
weird na talaga, iniwas ko yung tingin ko at kumuha na lang ulit ng
isang kutsarang pagkain ko at kinain ko.
“WAAAAAAHHH!!!~”
Nagulat
naman ako sa biglang sigaw. napatingin ako dun sa may pintuan pero wala
na yung dalwang babae. Pagtingin ko naman sa kinakain ko, nasa harap ko
na si Keli.
“Tsk tsk, sila Joana at Lian talaga.” Sabi naman ni Jared habang nilalagay niya yung mga pagkain niluto niya dun sa mesa.
Si
Keli naman, nakangiting nakatingin sakin. Inirapan ko siya at napansin
ko naman yung pagpout niya. Nahalata na siguro niya na I’m being cold
with her. Well, it’s her fault anyway.
Naagaw naman ang
atensyon ko nung marinig na may nagtatakbuhan palapit samin. Yung
dalwang babae na naman, nakatingin ulit sila sakin. Hindi ko alam ang
irereact ko kaya ngumiti ako. My daily routine.
“KYAAAAAA~”
( O______0)
Bigla silang tumabi sakin na siyang kinagulat ko talaga matapos nilang sumigaw.
“o-OI JOANA AT LIAN—“
“HI --- HELLO!” sabay nilang sabi. Naiilang naman ako but I tried to smile.
“Anong name mo?”
“Ilan taon ka na? mas matanda ka ba samin?
“May girlfriend ka ba?”
“Anong cellphone number mo?”
“Taga saan ka---
*PLAK!*
Nagulat
naman ako sa sunod na nangyari. Hinampas lang naman ni Jared yung
dalwang babae na nasa tabi ko ng frying pan na hawak niya. Na obviously
ay pinaglutuan lang naman niya.
“Aray, Kuya naman e.” sabay na sabi ulit nila.
“Kuya??” pagtataka ko.
“haha
Andi, kapatid ni Jared sila Joana at Lian.” Napatingin naman ako sa
kanya. Kaso, hindi ako natuwa kahit narinig ko yun. Kaya tumayo ako at
umalis na lang.
“Magpapahangin muna ako.”
Tsk. Bakit ba ang dami niyang alam tungkol kay Jared.
Naglakad
lakad na lang ako sa labas kung saan kitang kita naman yung lawa. Ang
ganda ng view dito sa part ko. mayaman nga pala sila Jared. tsk
pagnaiisip ko ang lalaking iyo, hindi ko mapigilang hindi mainis. Pero
paano nga ba sila naging ganong kaclose ni Keli.. :\
“Hey.” Bigla na lang may tumabi sakin. At ang nakakagulat na nakakainis ay yung jared na yun pala yun.
FC talaga ang gagong ito!
“Kanina ka pang mainit ang ulo a! Hahahaha.” Tss. Ang sarap talagang bangasan ng mukha niya.
Aalis na sana ako.
“Tol, payo lang pahalagahan mo siya.” napatigil naman ako sa sinabi niya.
Tumingin
ako sa kanya. Nakangiti siya. hindi ako sigurado kung ano yung ibig
sabihin niya, pero alam kong sakin niya sinasabi ito. “Sa lahat ng
nangyari satin, ngayon lang ako humanga sayo.” Lumapit siya sakin at
sinuntok ako ng mahina sa dibdib. Nagtaka ako at napakunot ang noo.
Tiningnan lang niya ako ng maangas na tingin.
“Don’t you
dare think.. of leaving her. Kung hindi mo kaya, maaga pa lang iwan mo
na siya. Ibigay mo na siya sa iba.. at hayaan mong ang iba ang
magpasaya sa kanya.
She’s deserves a million
happiness than those million girls you flirt.” Hindi ko alam kung anong
irereact ko sa bawat salitang binibitawan niya. Nabalik lang ako sa
sarili ko nung tinapik niya yung balikat ko at umalis.
Hindi
naman ako nagkameron ng pagkakataong tanungin si Jared dahil pagkatapik
na pagkatapik niya sa balikat ko ay bigla namang sumulpot itong dalwang
kapatid niya na sobrang laki ang pagkacrush sakin. (--,-- )
Buong
araw na pabundot bundot sakin yung dalwang magkapatid. Yung Jared na
yun naman ay tinatawanan lang ang lahat ng nangyayari, habang si Keli
walang pakealam at nagagawa pang ngumiti.
Hanggang sa
maghapunan, sila pa rin ni Jared ang magkasama sa kusina at nagluto.
Close na close sila. Habang ako.. close na close dun sa magkapatid..
“AH!! *bump*”
“Andi!—Eh? Bakit hingal na hingal ka?”
Hinabol ko naman ang hininga ko habang lumingon lingon sa likod ko.
“i-Itago mo ako!”
“Huh?”
“ANDII!!!~” nangilabot naman ako nung marinig na naman yung boses nung dalwa. Kaya agad akong tumakbo.
“Asan na kaya yun?”
“Baka natakot sayo!?”
“Ano namang nakakatakot kung magkatabi kaming matulog!”
“Baka kasi rape-in mo siya!”
“Ano ka ba! Wag ka nga!! <3”
Mas lalo akong kinilabutan sa mga pinagsasabi nila. Minsan talaga nakakatakot na ang mga babae..
Napatingin naman ako kay Keli na bigla na lang hinawakan ang laylayan ng damit ko.
"Aggh
nasaan na kaya si Andiii!?" naririnig ko pa din ang boses nung
magkapatid na mukhang lumalayo na sa kinatatayuan ko. Pero mas nakatuon
ang atensyon ko kay Keli na nakakapit parin sa laylayan ng damit ko ng
hindi tumitingin sakin. At medyo.. parang nahihiya siya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako nagsasalita.. Napansin naman na niya yun.
"Uhm.."
bago pa siya makapagsalita, napansin ko na agad kung nasaan kami. Nasa
kwarto niya kami. Ang weird na bigla pumasok sa isip ko ang bagay
na’to..
“Gusto mo ba na dito na lang akong matulog?”
napatingin naman siya sakin. Kaya agad naman akong umiwas ng tingin.
Binitawan naman niya ako at naglakad lakad naman ako.
“Kaso
paano yan, walang sofa.. ayoko namang sa sahig matulog.” kung tama ang
hinala ko, gusto niyang.. yayain akong matulog sa kwarto niya. *lunok*
Wala
akong iniisip bukod sa matulog. Mas mabuti rin yun kesa yung dalwang
babae na yun ang makasama ko sa pagtulog. Tsk yung Jared na yun naman
kasi, walang pakealam.
Hindi pa rin siya nagsasalita at
nung tingnan ko naman siya, nakatingin lang siya sakin. Pero agad ding
umiwas. *Ahehm* Ang awkward..
“Ok lang sakin..” ngumiti naman siya.
Magkatabi
nga kami sa kama. Hindi ko na rin narinig na hinahanap ako nung dalwang
magkapatid. Mukhang napagod na sila. Ang tahimik. Habang si Keli
nakatalikod naman sakin.. mukhang naiilang siya. Hindi ako makatulog.
Iniisip ko na parang napakawalang kwenta ng araw na’to.. This should be
our vacation, just the two of us. Akala ko.. ito rin yung time na mas
makikilala ko si Keli..
We’re close.. but still not. Umayos
ako ng higa at tiningnan siya kahit nakatalikod. Ni-poke ko yung likod
niya. Bakit ganon.. sa tuwing kasama ko siya, nararamdaman ko yung
saya.. at the same time lungkot. Para bang may doubt sa bawat oras na
kasama ko siya. natatakot ako.. kahit hindi naman dapat.
Ang misteryosa niya..
( __ _) Zzzz..
At that time, I was so happy. Finally, I’m holding the girl I love.







