Day 18
“Hi, Andi!” ngumiti naman ako.
“Kyaaah~ nginitian niya ako.”
“Ako kaya!”
“Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago!” sabay hampas naman ni Kevin sakin. Napatawa naman ako.
“Eh kamusta naman kayo ni Keli? Talaga bang wala lang?” tanong naman ni Albie sakin.
“Oo
nga no. kung titingnan, diba si Keli lang ang unang babae na dinala mo
sa condo? Hehe. Anong meron a! Seryoso ka na ba?!” medyo nangilabot ako
sa mga sinasabi nila.
Napahawak naman ako sa batok ko,
“Girlfriend ko siya. natural lang na gawin ko ang mga bagay na yun..
bukod dun.. wala na. ang totoo, hindi ko iniisip na magseryoso. Para
kasing natural na lahat ng ginagawa namin.. ewan ko ba.
Pakiramdam
ko, responsable ako sa lahat.” Tiningnan ko sila. May bakas ng
pagkagulat ang mga mukha nila. Agh! (//.T ) Sabi ko na e, hindi nila
maiintindihan. After all, hindi ganito ang Andi Rivas na kilala nila.
“Ganon
pa man, Andi! Susuportahan ka namin sa lahat ng desisyon mo. Nandito
lang kami!” sabi ni Albie. Ganon din si Kevin kaya sabay sabay kaming
nagtawanan.
At sabay sabay din kaming napatingin kay Daison na kasalukuyang tinetext siguro ang mga kaflirts niya.
“Ganon ka din ba Daison?” ang flirt na’to.
“Huh?
Kung ano man yan, sige na lang!” at mas lalo pa kaming nagtawanan na
dahilan para makuha namin ang atensyon ng ibang tao lalo na ng mga
babae.
Maya maya din ay bumalik na kami sa mga klase
namin. Ganon pa rin, hindi pa rin nawawalan na may mga babaeng bumabati
sakin sa tuwing makakasalubong ko sila. Hindi ko akalaing.. darating
yung oras na mapapagod ako bilang si Andi Rivas.
Bzzt..
1 new message
From Keli: Free ka ba ngayon? Holiday diba ng dalwang araw.. gusto mo bang mag-out of town tayo? ^.^v
Totoo
kayang.. tapos na ako sa pagiging ako? Seryoso na ba ako sa isang
babae? Si Keli na ba yung babaeng dapat kong mahalin? Handa na ba ako?
Kaya ko na bang magtiwala..
Nung
matapos ang mga klase ko, saka ko nireplayan si Keli. Since tama naman
siya na 2 araw nga kaming holiday at pagkatapos nung holiday na yun ay
final exam na. sigh.
To Keli: Wag mong sabihin sa lugar niyo ulit tayo pupunta?
Pumunta akong parking lot at sumakay ng kotse since ngayong gabi din ata kami aalis ni Keli.
Bzzt..
From Keli: Hindi. May lugar akong gustong puntahan. Early vacation na rin :p
Early
vacation? Tsk! Ang dami niya talagang alam. Binuhay ko ang engine at
nagsimulang paandarin ito. Hindi ko pa nga pala alam kung saan siya
tatagpuin. Oo nga no, madami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya.
Yung pangalan lang niya ang alam ko, ‘Keli’. Bukod sa family niya at mga kamag-anak.. wala na?
To Keli: Bahala ka. Saan ba kita susunduin?
Nagvibrate uli yung phone ko. at naramdaman ko din yung tyan ko.. mukhang nagugutom na rin ako. :|
From Keli: Dun na lang ulit sa dati. Hihintayin kita.
Sinundo
ko naman agad siya gaya ng napag-usapan at nagdecide kami na kumain na
muna bago umalis. Sa isang fast food chain kami pumunta since gutom na
gutom na ako. Agad akong kumagat sa chicken ko pagkaupo namin sa table.
“Hahaha gutom na gutom ka ngang talaga, Andi!” natawa din naman ako sa sinabi niya pero.. bukod dun may iba pa akong napansin.
Nakita
ko sila Sab at Darryl na magkasama sa labas, at nung iwan ni Darryl si
Sab mag-isa..?? Anong nangyayari? Mukhang may problema sila. This past
few days, hindi pala, matagal na pala, si Darryl ibang iba yung
kinikilos niya simula nung maghiwalay kami ni Sab. Ang alam ko
nagkakabutihan na sila, pero bakit iba ata ang nakikita ko ngayon? At
anong—
“Andi, okay ka lang ba?” napatingin ako sa kanya. “Hindi mo na ginalaw pagkain mo.”
“Ah hahaha.” Sumubo naman ako ng kanin kaya ngumiti na siya. pero..
Ano nga kayang ginagawa nila dito? Gabi na? at.. ano ng nangyayari sa kanila?
“Bibili lang ako ng pwede nating makain.” Iniwan ko naman siya sa may kotse.
Di
pa man ako nakakarating sa pinakamalapit na convenience store nang
makatanggap ako ng text message galling kay Keli. Nagpapabili siya ng
ice cream cake. Medyo natawa ako. Masyado akong nakatingin sa cellphone
ko kaya hindi ko napansin na may nasagi ako—
“Ah sorry!”
sabi ko sa babae sabay upo ko para tulungan siya sa mga nalaglag niyang
gamit. Agad kong inabot yung mga gamit niya at nagulat naman ako nung
makita kung sino ang babaeng yun.
“Ikaw pala, Andi.” Nagulat din siya na makita ako.
Pinagtataka ko lang, bakit nandito pa siya?
“Salamat
ulit.” Umalis na siya pagkatapos. Hindi man lang siya nagpaalam? Pero
bakit nga ba nandito pa siya? may nakalimutan kaya siya? o di naman
kaya.. nandito pa si Darryl?
Binili ko naman lahat ng mga
pwede naming kailanganin. Medyo excited ako sa mga mangyayari dito sa
pag-a-out of town namin. Kami lang na dalwa?.. kung ano anu tuloy ang
naiisip ko na pwede naming gawin. Napainom ako ng drinks nung mapansin
ko na naman..
“Darryl? Sab?” tama nga ang hinala ko. hinihintay nga ni Sab si Darryl? Pero ano ba talagang nangyayari?..
Ayoko
mang mangialam pero sa huli nagawa ko pa ring makinig sa pamamagitan ng
pagtago ng hindi nila napapansin. Parang nakikiusyoso na rin..:\
“Darryl—“
“Ilang
beses ko ba talagang dapat sabihin sayo—“ nagulat naman ako nung
makitang humihikbi na si Sab. Agh cry baby talaga. At mukhang pinapaiyak
din siya ni Darryl? Akala ko pa naman nice guy itong lokong ito..
Uminom
ako at muntik ko ng madura yung iniinom ko nung makita ang expression
ng mukha ni Darryl. Hindi na siya galit. Pinat naman niya yung ulo ni
Sab, “Sinabi ko na sayo. Tigilan mo na ako. Kahit gusto kita, kahit
gusto natin ang isa’t isa.. hindi pwede. Hindi ko kayang gamitin ka para
lang sa kagustuhan ng mga magulang ko. I prefer doing this than to make
you suffer.
Let’s go. Ihahatid na kita.”
*pant*
parang tumigil yung paghinga ko dahil sa nangyari. Just now, hindi ko
pa nakikitang naging ganon si Darryl.. he admits that he loves her.
Shet! Ano ba itong ginagawa ko!
Bumalik naman agad ako kay
Keli. At pagdating ko nginitian niya ako. Tuloy hindi ko rin maiwasang
hindi mapangiti. Pumasok ako sa loob at binuhay na ang engine.
“Hindi ka ba nabored?”
“Hmm
hindi. Katext ko rin kasi yung maggaguide satin dun sa lugar na
pupuntahan natin.” Napatingin ako sa kanya gamit lang yung mga mata ko.
“So madami ka pa lang katext.” Binaleng ko ulit ang atensyon ko sa daan.
“Oo! Hehehe.” Bigla naman akong napapreno. >:|
“Eh! May problema ba Andi?” napatingin ako sa kaniya pati dun sa nagawa ako.
“Hahaha. May nakita kasi akong pusa. Hehehe.” Agh!
“Pusa? E nasa highway tayo a.” ngumiti na lang ako.
Hindi
na ako nagsalita at nagtanong pa pagkatapos nun. Tinuro lang niya yung
mga daan papunta sa pupuntahan namin. Kahit nakakairita na naririnig ko
yung mga tawa niya sa tuwing.. may katext siya.
“Finally, nandito na tayo Andi!” binaba ko naman yung mga gamit namin.
“Keliii!”
“Waaah~ nandito ka talaga!”
Narinig kong may kausap siya. Lalaki? Mukhang yun yung taong maggaguide samin. Kaya agad akong lumapit sa kanila.
“Keli, ito na yung mga gamit na..tin..
(O,O )
Thump.thump.thump..
Tae. Tama ba itong nakikita ko!?
“Andi!
Si Jared nga pala, remember!?” remember? Anong sinasabi mo dyan Keli.
Sinong makakalimot sa pagmumukha niya! At higit sa lahat..
BAKIT NANDITO SIYA!?
“Kamusta pare?”
(~.^ ) mukhang hindi ko maeenjoy ang out of town na ‘to. >:|







