Nakatayo pa rin ako malayo kila Keli. Titig na titig ako at sigurado
ako sa mukhang yun, na yung mukhang yun ang Jared na mortal enemy ko
nung grade 6 ako. Tsk! Ngayon ko na lang ulit yun nakita. At talaga pa
lang..
Mas gwapo ako sa kanya ~(*-* ~)
Agh!
Hindi ito ang oras para dun. Ang ibig kong sabihin. Bakit magkasama
sila ni Keli? Anong kaugnayan niya sa babaeng ito? Sa nakikita ko mukha
namang masaya si Keli kasama itong si Jared. Hanggang sa umalis ito,
nakangiti pa rin siya.. :(
Tsk >:|
Calling..
“Eh?” sinagot ko naman yung tawag ni Keli. Hindi nga pala niya alam na nakikita ko siya ngayon.
“Andi!!” agh ang sakit talaga sa tainga ng boses niya. Bakit ba palagi siyang masaya pag tinatawag ang pangalan ko?!
“Oh bakit?”
“Punta
ako sa condo mo. Icelebrate natin ang birthday ko! Yung regalo ko ah!
Bye~”agh! Adik talaga ang babaeng ito. Ang lakas mang-utos!
Tiningnan
ko naman siya. Eh? Bakit hindi pa siya naalis? Agh! Ako pala dapat ang
unang umalis. Aalis na dapat ako pero hindi ko napigilang hindi siya
sulyapan. At nung makita ko siya.. napansin ko na malungkot siya. ??
Bakit
siya malungkot? Ah! biglang nagbago yung reaction ng mukha niya at
tumakbo siya. napatingin ako sa cellphone ko nagbabakasakali na tatawag
siya. pero hindi naman. May problema kaya?
Sa huli, naunahan pa niya ako sa condo ko. tinitingnan ko siya pero ang saya saya naman niyang tingnan. Ang weird lang talaga.
“Talaga bang kailangan na dito pa sa condo ko icelebrate ang birthday mo?” pinakita naman niya sakin yung mga dala niya.
“Magcecelebarte tayo ng walang sawa! :D Hanggang bukas.” Binigyan ko siya ng look na ‘hindi ako naniniwala’. Palagi kaya siyang nawawala pag gabi, tapos sasabihin niya..
“Ano ba yang mga dala mo?” tiningnan ko yung laman ng plastic. May mga beer at cali. Mga chichiria. At cake.
“Magluluto rin ako! Tara pasok na tayo.” Hinigit niya ang kamay ko.
Inabot
kami ng 9 bago kami matapos sa pagluluto. Ang dami niyang hinandang
pagkain tapos kinontact ko na rin yung mga kakilala ko kahit gabing gabi
na. dumating sila Albie, Kevin, at Niko. Kami lang lima ang
nagcelebrate ng birthday niya. Puro kwentuhan habang kumakain at
umiinom. Nagkaraoke rin kami. At sa nakikita ko naman kay Keli, mukhang
masayang Masaya siya.
Hanggang sa nagkatulugan na. at sabi
ni Keli, dito daw siya matutulog kahit sa totoo lang ay hindi ako
naniniwala. Hindi ko tuloy napansin na nakatulog din pala ako. Kahit
antok na antok na talaga, pinilit ko pa ring bumangon. Napansin ko na
tulog na tulog na sila Albie at Kevin sa may sahig. Kinuha ko yung
tuwalya para ipangkumot kay Albie. Hinanap pa ng mata ko kung nasaan si
Kevin. Pero since nakatayo na ako, naisip ko na rin na puntahan si Keli
sa kwarto niya— ( ??,o)
Kaso iba ang nakita ng mata ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat o magtaka lang. Si Keli.. at
Niko. Bakit gising pa sila? At bakit.. :\ Magkasama sila..?
“Hmm.”
Bigla na lang niyakap ni Albie ang paa ko. Na dahilan para hindi ko na
lang lapitan sila Keli at Niko. Bumalik ako sa pagkakahiga at
kinalimutan ang nangyari.
Day 17
*yawn*
Pang -lima ko ng hikab ngayong umaga pagkatapos kong bumangon para lang magpaalam sa pag-alis nila Niko.
"Bye bye!" habang itong si Keli gising na gising habang kumakaway pa kila Albie. 7am pa lang kasi..
Hanggang sa umalis na nga sila kaya naisip ko na humiga na ulit sa sofa. Antok na antok pa talaga ako..
"Andi..
Anong gusto mong break fast? Alam mo napakasaya ko talaga kagabi, yun
na ata ang pinakamasaya kong birthday sa tanang buhay ko. Yun ay dahil
kasama kita! Teehee." tumango na lang ako pero pikit pa rin.
Pero
sa totoo lang hindi ko mapigilang hindi mapaisip sa sinasabi niya.
Kahit hindi ko nakikita, ramdam na ramdam ko na masayang masaya nga
talaga siya. Weird talaga. XD Kung tutuusin madami pa namang
pagkakataon. Pero sa pinapakita at inaasta niya parang wala ng bukas ang
pag-eenjoy niya. Siya yung tipo ng tao na parang walang pahinga at ang
gusto lang ay ang maglaro buong araw..
"Nakikinig ka ba? Hehehe Andi. Matulog ka lang a, gigisingin kita mamaya." naramdaman ko naman ang pag-alis niya.
'Andi..'
Minulat
ko ang mga mata ko at nakita ko siya. Ngumiti siya, gaya pa rin ng
dati. Palagi siyang masaya. Masayang masaya. Hindi ko tuloy mapigilan na
hindi mapangiti.
Palagi siyang masaya pagkasama ako.
Palagi siyang nag-eenjoy pagnandyan ako. Siya yung babae na kahit wala
pa akong ginagawa, masaya na agad siya. Palagi siyang ngumingiti at
tinatawag ang pangalan ko..
Tinaas ko ang kamay ko at inabot siya..
'Ah' bigla akong napuwing kaya napapikit ako at napahawak sa mata ko. Pagmulat ko..
:o
Wala na siya..
"Andi!!!
Ahhhnndddiiii~"
napahawak naman ako sa ulo ko nung marinig ang boses na yun. Pagmulat
ko ng mata ko, nakita ko na lang na nakahalumbaba siya sa sofa kaharap
ng ulo ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya napabangon ako ng wala
sa oras.
"b-Bakit?" aray, ang sakit ng ulo ko dahil sa posisyon ko.
:o Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang tabi ng kanang mata ko.
"Umiiyak
ka Andi.." naging malungkot siya. "Malungkot ba ang napanaginipan mo?"
hindi ko alam kung bakit.. :'c pero biglang kumirot ang puso ko.
Natawa na lang ako. "Hahaha. Ano bang pinagsasabi mo?!" pinunasan ko yung tabi ng mata ko at meyo basa nga.? Napaisip tuloy ako, 'ano nga ba ang napanaginipan ko?'
"Tss!
Panaginip? Di ko na maalala! Atsaka wag ka ngang nagpapaniwala dun.
Imahinasyon lang yun ng tao :)." ngumiti na lang ako para baguhin yung
mood.
Pero sa totoo lang. Napapaisip ako. This past few days
palagi ata akong gumigising na may luha sa mga mata ko. At alam ko.. na
may napanaginipan ako. Pero bakit hindi ko nga ba maalala?
Kumain
naman kami ng breakfast pagkatapos. At gaya nga ng sabi niya, nagluto
siya. Pagkatapos nun, nagcomputer ako habang siya naman ay naggagala sa
buong parte ng condo. Para nga siyang di mapalagay. Kaya.. bigla kong
naisip na umalis ng bahay kasama siya.
"Gusto mo bang mamasyal?" parang date? Haha
"Huh. Ayaw!"
*TOINK*
Aray!
Sapol sa puso yun a. Diba niya naisip na parang niyayaya ko na rin
siyang makipagdate. Tsk kung kelan ko naiisip ang mga ganitong bagay..
saka naman siya nagpapakainosente. Saming dalwa, dapat siya pa nga
nakakaisip ng mga ganitong bagay. Tsk!
"Mamaya kasi aalis na ako. Ah!--" so kaya pala. Agh bakit parang naasar ata ako..
"Andi! Naggigitara ka?" tsk ngayon naman iniiba niya ang usapan!
"Waaah Andi pwede bang kantahan mo ako!?" napakunot naman ang noo ko lalo na nung sumulpot siya sa harap ko.
"May kachat ako." wala talaga akong kachat pero may mga nagchachat sakin.
"Pero wala ka pang regalo sakin."
"Anong
wala! Binili kaya kita--" agh nakalimutan ko nga palang ibigay sa kanya
kahapon. Tsk kasi naman nandito sila Niko.. nahiya ako.
"Talaga!? Yun ba yung nasa kwato? Waaah tama nga ang hinala ko. Para sakin nga yun." napalingon naman ako sa kanya.
"Alam mo pa lang iyo yun e bakit kinakasuhan mo pa ako na wala akong regalo sayo!?" she never fails to irritate me!
"Ehehe.
Hm sige na kantahan mo na ako. Last favor. Pretty please?" nagblink
blink pa yung eyes niya. Shet! *blush* ang cute niya!
Agad akong tumalikod at inasikaso yung ginagawa ko sa computer. Pero nung ni-stram na niya yung gitara, bigla akong nadistract.
"Will
you cut that fucking sound!" nagulat siya sa sinabi ko. Pero mas
nagulat ako nung ngumiti siya at nagbeautiful eyes na naman. *blush*
TAKTE! Bakit ba umiinit yung mukha ko. Agh.. Ang bading!
Sa huli wala din akong nagawa. Pagdinededma ko kasi siya, gumagawa naman siya ng mga nakakairitang tunog sabay kanta ng 'ohh maawaing Andiii kantahan mo ako. Woaaah please ooooh~'
kaya mas lalo akong naiinis. XD Kaya eto hawak ko na yung gitara para
ipakita sa kanya ang tamang pagtugtog at sinabayan ko na rin ng kanta..
"Andi, hindi ko alam na kumakanta ka." napatawa naman ako.
"So kahit papaano pala.. may mga bagay rin na hindi ka alam tungkol kay Andi Rivas."







