Day 16
‘HELLO ANDI~’
Uggghh!
‘ANDII!~’
Kahit ayoko pa, pinilit ko pa ring imulat ang mga mata ko para lang i-answer yung call.
“hello?..” mahina kong sabi. *yawn*
“ANDI!!! Wah Gising ka na! Yay!” napahawak ako sa ulo ko.
“bakit ka ba napatawag? >:(” napapikit naman ako. Sa totoo lang kasi inaantok pa talaga ako.
“Andi! May secret ako.. shh~” agh ang weirdong babaeng ito! Diba niya naiintindihan na inaantok pa ako.
“Ano ba kasi yun!?” naiirita ko ng sabi.
“Teehee. Andi,
Hulaan mooooo~”
Agh! Sa inis ko, ni-end ko na yung call. At niyakap na lang ulit ang unan ko para matulog.
*yawn*
Nagising naman ako. Pagbangon ko..
“WAH!!!” mukha niya agad ang nakita ko. Nakapout siya. *blush* “a-Anong ginagawa mo..”
“Tawag
ako ng tawag pero hindi mo sinasagot.Tapos binabaan mo pa ako kanina,
ang sama mo talaga Andi!” tumalikod siya. Napahawak naman ako sa ulo ko.
Ang babaeng ito. Ginamit niya siguro yung susi para makapasok dito sa
condo. Tsk, gagawin niya talaga ang lahat para makita ako. Walang araw
na hindi ko ata makikita mukha niya e.
“Ano ba talagang pinunta mo?”
“birthhsfdfvdayvdbko.”
“Huh?”
hindi ko marinig sinasabi niya. Humarap naman siya ng nakasimangot.
Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa, ang cute niya kasi.
“Sabi ko,
BIRTHDAY
KO NGAYON!!!” bigla siyang namula, sobrang pula. Gusto ko na sanang
matawa—kaso bigla kong narealizde yung sinabi niya. (o.O )
“EH???!” hindi ko alam ang irereact ko!
Umiwas siya ng tingin. Mukhang malungkot siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya naisip ko na batiin na lang siya.
“Happy Birthday.”ngumiti ako. Lumingon naman siya.
Nang bigla naman siyang ngumiti ng ngiting ngiti. *strange* Mukhang alam ko na kung bakit. May binabalak na naman siya.
“Andi..~” lumapit siya sakin.
“a-Ano na naman ba?”
Nagpout siya. “Naman? Wala pa nga akong nasasabi e. :3 Pero!
Andi, gusto ko ng regalo!” nakangiti na naman siya. Pinitik ko yung noo niya.
“Aray?”
Umalis
ako sa kama at tumayo. Nilingon ko ulit siya at tiningnan ng masama.
Tsk! Palagi na lang siyang ganito. Kinuha ko na lang yung tuwalya at
dumiretso sa banyo.
“May usapan kami ng barkada. Hindi ako pwede ngayon.” Sabay sarado ko ng pinto at binuksan yung gripo.
Pero sa totoo lang, iniisip ko kung anong pwede kong iregalo sa kanya.
*BLAG*
Nagulat ako nung may biglang kumalampag.
“BASTA GUSTO KO NG REGALO~” at pagbukas ko ng pinto. Wala na siya sa kwarto ko..?
Pumunta
naman ako sa tambayan. At gaya pa rin ng dati, may mga chiks na naman
silang dala. May pinakilala din sila sakin at gaya pa rin ng dati,
syempre kailangan makipagfling ako. Pero iniisip ko rin kung anong pwede
kong iregalo sa makulit na babaeng yun. Nasa kanya pa yung bracelet at
hindi maganda kung necklace naman ang ibibigay ko sa kanya. Tsk..
“Eh?” bigla namang dumating si Darryl. Nagkatinginan kami kaya napangiti ako. “oi!” binati ko siya. tumango lang siya.
“Musta na? ngayon lang ulit tayo nagkita a.” ewan ko ba. Pero may feelings ako na dumidistansya siya sakin. May nagawa ba ako?
“Okay
naman. Oi Albie, may kadate ako mamaya kaya hindi pala ako pede.”
Pasigaw niyang sabi kay Albie. Napalingon tuloy ako para hanapin si
Albie. “Tsk. Nasaan ba yung abnoy na yun.”
“Mukhang umalis ata.” Hindi pa rin tumitingin si Darryl sakin. May katext din kasi ata siya sa cellphone.
“Andi,
tara magbilliard oh.” Anyaya naman sakin nung babaeng kanina pang
nakalink sa braso ko. hindi ko siya sinagot lalo na nung umalis si
Darryl. Kaya agad kong inalis yung kamay nung babae at hinabol si
Darryl.
“Kamusta na nga pala kayo ni Sab?” bigla siyang napatigil.
At saka lang siya tumingin, “Okay naman.” Binuksan niya yung can ng beer at ininom.
“Siya ba yung kadate mo?”
Tumalikod siya. “Hindi.
Ah! Pasabi na lang kay Albie, na hindi ako pwede mamaya. Sige alis na ako.” At umalis na siya pagkatapos nun.
Sigurado ako sa nararamdaman ko, may mali talaga samin ni Darryl. At mukhang tungkol ito kay Sabrina.
Umalis
naman ako pagkatapos kong masabi kay Albie yung pinahibilin ni Darryl
sakin. Pumunta ako sa mall para nga maghanap ng ireregalo ko kay Keli.
Halos lahat ng boutique tiningnan ko. Pero wala akong maisip na
ireregalo ko sa kanya na magfifit sa character niya.
Hanggang sa makalabas ako ng mall. At dun ko nakita yung ireregalo ko sa kanya..
”Thank You Sir.” Ngumiti ako at lumabas ng shop. “Eee ang gwapo niya! :D”
Kaso paglabas ko..
“Keli?”
may nakita akong isang babae na kamukhang kamukha niya. Kaso bigla na
lang itong tumalikod at umalis.. kasama ang isang lalaki.
At dahil feeling ko tama ako. Kaya sinundan ko sila.
Nakarating
kami sa Park. Nasundan ko sila ng hindi nila ako napapansin. At tama
ang hinala ko.. si Keli yun. Pero.. ang mas nakakagulat..
“Thanks talaga Jared dito sa regalo.”
Si Jared (0.O’ )







