1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 33. Dance with Him

Day 15





Bell ring..





“Ah.” Agad naman akong tumayo gaya ng iba.



“Andi, ano tara sa Bar?”



Lumingon naman ako kay Kevin, “Hindi ako pwede ngayon. Sige!” at agad naman akong umalis ng classroom.



Ang totoo niyan may usapan kami ni Keli. At ngayon nga ay magkikita kami. Since wala na naman akong problema kay Chelsea, at yung tungkol naman sa ibang babae binabalewala ko na lamang.



“Andi!”  nakita ko naman siya agad habang kinakaway kaway niya yung kamay niya. Tumayo siya sa pagkakaupo pagkalapit ko sa kanya.



“Let’s go.” Tumango naman siya.





Pinuntahan namin ni Keli yung napag-usapan naming puntahan. Kumain sa tabi tabi. At kung anu anong pinanood na iba’t ibang tinda.



“Waah tingnan mo Andi ang cute no.” may soot soot siyang headband na may bunny ears. Ang cute niya. Ngumiti na lang ako. May sinoot naman siyang bonnet sakin.



“Tara, picture tayo.” Hinigit ko naman siya.



“Ah sa-sanda—“ bigla na lang siyang lumayo. Nagtaka naman ako. ?? “L-look! Can you hear that!? That’s my favorite song!” hinigit naman niya ako.





I will stand by you forever
You can take my breath away






“Manong! Pwede po bang pakiulit nung kanta?” hinawakan naman niya yung kamay ko. Ngiting ngiti siya.



“Andi, can I have this dance?” bigla bigla na lang siyang naglahad ng kamay.



“o-Oy! Mahiya ka nga!” pero hindi niya ako pinakinggan at ngumiti lang siya. (//.<  )



Narinig ko na lang na nagsimula na yung kanta. Umikot siya sa likod ko. Habang hindi ko naman mapigilang hindi mapatingin sa paligid ko.





Would you dance, if I asked you to dance?





Hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa baywang niya habang nilalagay naman niya yung kamay niya sa balikat ko. Habang yung kanang kamay niya ay hinahawakan ang kaliwa kong kamay. (  o.0) For real sasayaw kami sa harap ng madaming tao?





Would you run, and never look back?





Aalisin ko sana yung kamay ko nung mapansin ko na may mga ibang tao na napapatingin samin. Kaso (o.O  ) Bigla na lang niyang hinawakan ang mukha ko papalapit sa mukha niya. Ipinatong niya yung noo niya sa noo ko. at hindi binitawan ang mukha ko.



“Kung nahihiya ka, ipikit mo na lang ang mga mata mo.” Pinikit naman niya ang mga mata niya.



Thump.thump.thump.





Ang puso ko. parang sasabog. Ang lapit naming sa isa’t isa. Hindi ko alam pero.. yung kaliwa kong kamay. Gustong hawakan siya.





Hold me in your arms, tonight





Unti-unti kong pinikit ang mga mata ko. at dahan dahan kong hinawakan ang kabilang baywang niya. I’m holding her.. Yung kanta. Yung sayaw. Ngayon ko lang naramdaman ito..





Ang sarap sa pakiramdam.







*Clap* *Clap* *Clap*





Natauhan na lang ako nung marinig ko yung palakpakan ng mga tao.



Nanlaki yung mata ko na makitang ang dami nila.



“hahaha Andi oh, napanood nila!” bago pa siya lumingon sakin ng may malaking ngiti sa mukha ay hinigit ko na siya palayo sa lugar na yun.





“a-Andi! *pant* s-Sandali!” higit higit ko yung kamay niya habang tumatakbo kami. Habang yung isa kong kamay ay pinantataklob ko sa mapula kong mukha. Agh! Nakakahiya kasi talaga!





“AH!!” napatigil naman ako ng bigla ko siyang marinig na sumigaw.



(0.O  ) Napaluhod si Keli habang hawak ko yung isa niyang kamay.



“k-KELI!?” agad naman akong umupo para pantayan siya.



“ha.ha.ha.ha. *pant* a-Andi! Mabuti tumigil ka—“ napabitaw naman siya sakin at umubo ng umubo.



Hindi ko alam ang gagawin ko at that time, kaya agad ko siyang binuhat at dinala sa pinakamalapit na clinic.



Nung matingnan na siya nung doctor at pinainom ng gamot, saka ako lumapit.



“o-Okay ka na ba?” tumango siya. pero natatakot pa rin ako. “Gusto kong malaman kung anong kalagayan m—“ pinigilan niya ako.



“Hmm.. *pant* o-Okay na a-akoo..” bumalik naman ako sa pagkakaupo ko.



“s-Sorry!” hinawakan ko yung kamay niya. “Sorry talaga!”



Ngumiti siya. pero alam ko nahihirapan siyang gawin yun.



Matagal na katahimikan. Nung maramdaman kong ipat niya ang ulo ko. napatingin ako sa kanya.



“Hm :) Wag kang mag-alala. Nagulat lang talaga ako sa pagtakbo. Ang totoo kasi niyang, yun ang first time na tumakbo ako ng ganong kabilis. At ganong katagal. Hahahahh.” Mukhang okay na siya. kaya agad ko siyang niyakap.



“Natakot ako! Akala ko! Akala ko..” shet! Ano ba itong nararamdaman ko.. :’(





Naramdaman ko na lang na niyayakap na rin niya ako. “Hindi lang kasi ako sanay. Pero don’t worry, hindi na ito mauulit.”






“Ayoko.. na makikitang nag-aalala ka ng ganyan.. Andi. Please..”
HTML Comment Box is loading comments...