Nakita ko siyang nakaupo sa isang bench. Lakas loob naman akong
tumabi sa kanya. Nagulat naman siya nung tingnan ko siya, kaya agad
akong umiwas ng tingin. Sa totoo lang, hindi ako comfortable sa ginagawa
ko.
“May klase ka pa diba? Cutting?” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
“Hindi
ko naman kasi alam kung saan yung sunod kong klase. Ang alam ko may
sinabi si sir sa kanila.. pero hindi nila sinasabi sakin.” Napansin ko
ang paniniklob ng mga kamay niya. Alam kong nasasaktan siya.
Hindi ako nagsalita.
“Ang
nangyari kagabi. Gusto ko sanang magpasalamat sa paghatid mo sakin sa
bahay namin.” Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang
nararamdaman ko.. pero para bang hindi ko magawang iwan siya. Ayokong
iwan siya.
Tumingin naman siya sakin. Medyo nagulat siya
na makitang nakatingin pala ako sa kanya. Umiwas siya at medyo tumungo..
dun ko napansing.. umiiyak na pala siya.
Hahawakan ko
sana siya-- ,”Galit na galit ako sayo. *sob* Galit na galit ako na
nagmahal ako ng kagaya mo.. akala ko okay lang kasi parehas lang naman
tayo noon. Simple ka lang naman noon e. Akala ko kahit nagbago ka sa
panlabas, ang panloob na kaanyuan mo ay mananatili..Hindi pala! *sob*
Anong dahilan? Bakit kailangan mo akong saktan? Kailangang gawin mo
ito..
Hindi na ikaw si Anthony.. bakit..” iyak siya ng iyak. At hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa sinasabi niya.
Hindi
ko siya magawang tingnan. Hindi ko magawang sumagot sa mga sinabi niya.
Nakinig lang ako at pinanood siya. siguro nga.. ang sama sama ko..
6:00 na ng gabi at hindi pa rin ako umuuwi. Nandito ako sa Bar. *sigh*
Hindi
ko iniwan si Chelsea kanina. Ang totoo ako ang iniwan niya.. wala akong
sinabi. Hinayaan ko lang siya. At mukhang tapos na talaga siya sakin..
tiningnan ko naman yung cellphone ko na kanina ko pa hindi
pinapakealaman. May 52 messaged ako, at may 10 messages dun na sunod
sunod. Galling kay Keli? :o
Bigla kong naalala ang usapan
namin. Ang alam ko naghihintay sakin si Keli.. Aggh! Hindi ko man lang
siya nagawang itext. Ano na kayang ginagawa ng babaeng yun sa mga oras
na ito?
Calling..
Lumabas
ako ng Bar at tinawagan ko siya. 5 rings.. hindi pa rin niya sinasagot.
10 rings.. ni-end ko na. Ano kayang problema ng babaeng yun? Nagalit
kaya siya? tsk. Tumawag ulit ako. At this time, 3 rings lang ay sinagot
na niya..
“*cough* h-Hello?” medyo natakot ako sa ginawa niyang pagsagot.
“Oi! May sakit ka ba? Nagkasakit ka ba kakahintay sakin!?” matagal siyang sumagot.
“Hmm..
hahaha Andi! Ikaw pala!” napakunot ako ng noo. May hindi tama. Bakit
ganyan siya magsalita? Kanina pa akong natawag pero bakit hindi man lang
niya alam na ako ito? At.. parang pinipilit lang niya maging okay.
Yaan na. mukhang hindi ito ang time para pag-usapan kung okay nga siya. dahil hindi okay yung ginawa kong paghintayin siya.
“Sorry
kanina. Sorry talaga..” magsasalita sana siya ng ituloy ko yung
sasabihin ko, “..nakalimutan ko.” At dahil sa huli kong sinabi. Bigla
siyang nanahimik.
Akala ko nga nawala na lang siya, ”o-Oi?”
“Hmm.. okay lang. “ hindi naman talaga siya okay.
“s-Sandali!
Bakit nga ba kailangan pa nating magkita kanina? Mahalaga ba yung
sasabihin mo? May sasabihin ka ba?” tsk. Natataranta tuloy ako. Hindi
kasi ako sanay na nagkakaganito siya.
“Wala yun. Hindi na yun mahalaga. Hm—“ ewan ko. Pero parang narinig ko siyang humikbi. Hindi ako sure.. pero parang..
“a-Andi. Pwede bang next time na lang tayo mag-usap.” Bigla na lang.. tuuuuuuuut.. ang narinig ko.
Binaba niya. :( I think nasaktan ko siya. Kaya agad akong pumunta sa kotse ko at kinontact ulit siya.
10 rings.. 15.. Hindi ko siya titigilan.
Calling..
“Tangna! Please naman oh sumagot ka!”
Ni-end
ko ulit yung call at tinawagan siya. alam ko, sigurado ako, umiiyak
siya. kasalanan ko naman talaga e. sigurado ako naghintay siya.
Pinagmukha ko siguro siyang tanga habang naghihintay! AGH! Tanga ko
talaga!
“h-Hello?”
“Ano ba! BAKIT HINDI MO AGAD SINASAGOT!” naiinis na talaga ako. “Sabihin mo sakin kung nasaan ka, pupuntahan kita.”
“Imposible na yun, Andi. Sa mga oras na ito nasa—“
“KAILANGAN NATING MAGKITA! Kung ano man yung dapat gagawin mo kanina, GAGAWIN MO NGAYON dahil pupuntahan kita!”
“Andi..” nag-over take naman ako sa sasakyang nasa unahan ko.
“Ano!?”
“Wait..
Magkita tayo sa Park malapit sa may Jollibee.”
“Okay.” Sabay ni-end ko naman yung call.
Agad
akong pumunta sa napag-usapan namin since medyo malapit naman na ako.
Pagdating ko dun, wala pa siya kaya umupo ako sa bakanteng upuan. Hindi
pa ganon katagal, nung mapansin ko agad siya di kalayuan sakin. Agad
akong tumakbo papunta sa kanya.
“Ah Andi?—“ hawak hawak ko siya sa magkabila niyang braso, nung tingnan ko siya.
“SORRY!” medyo napalakas yung boses ko kaya medyo nakuha ko yung atensyon ng ibang taong napapadaan samin.
“eh?” nagulat naman siya. at biglang natawa.
“Ikaw
talaga!” hindi ko alam kung tama ba yung nakita ko, pero parang
napaluha siya sa ginawa ko. Tsk mga babae talaga ang babaw. *blush*
“So ano, ano ba yung ibibigay mo?”
May binigay siyang box. At pagtingin ko naman, “Chocolate?”
“Yep!” ang cute niyang ngumiti. Tss (//.-- )
Medyo naweirduhan ako pero hindi ako galit, “So ito ba talaga ang dahilan ng lahat ng pagkikita natin kanina?”
Nagpout siya. “Ano ka ba! 14 kaya ngayon! (~3~ )”
“Valentines? Haha tagal pa nun a!” pero sa totoo lang masaya ako kahit ang weird lang talaga.
“Gusto
ko kasing maexperience ang mga ganitong bagay.” Tumingin ako sa kanya.
Gusto kong magtaka sa mga sinabi niya. Pero nakangiti kasi siya,
siguro..
Wala naman siyang ibang ibig sabihin dun diba?







