Ring.. ring.. ring..
“Keli?”
“Hmm?”
“Yung
phone ko nagriring.” Wala naman talaga akong pakealam kung nagriring
yung phone ko. Kaso, kanina pa itong nagriring. Baka isa kila Albie ang
may kailangan sakin. Kaya kahit hindi ko naman gusto, bumaba pa rin si
Keli.
Tiningnan lang niya ako habang sinasagot ko yung call. Unknown number?
“Hello?” tumingin din ako kay Keli. Napangiti naman siya.
Kaso habang nakikinig ako, agad akong napatalikod kay Keli nung marinig ko yung sinasabi nung nasa kabilang linya.
“Ganon ba.. ah sige. Pupunta na ako.
Salamat ulit.” Ni-end ko naman yung call. Pero hindi ako tumingin kay Keli.
“May problema ba?”
Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Agad ko namang nilagay yung phone ko sa bulsa ko.
“Kailangan ko ng umalis.”
Hindi siya nagsalita. Kaya naisip ko na umalis na—
“Andi..” hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi
ko alam pero bigla akong nainis. “Nagawa ko naman yung gusto mo diba?!
Kaya pwede ba..” huminahon ako. “..umuwi ka na.” tapos iniwan ko na
siya.
Agad akong pumara ng taxi at pumunta sa isang Bar.
Sa
totoo lang, ayoko naman talaga iwan si Keli. Kaso.. naiinis ako. Si
Chelsea, lasing na lasing at hindi ko alam kung bakit ako pa ang
tinawagan para sunduin siya. Pero mukhang may alam ako sa nangyayari.
This past few days din kasi, may mga naririnig ako rumors na masyado daw
pinahihirapan si Chelsea ng mga kaklase niya. Pinagwalang bahala ko
lang yun. Pero ang malaman na wala siyang kasama sa Bar. Agh! Kung isa
man itong trap, hindi ko siya uurongan!
Pagdating ko naman
dun, agad ko siyang hinanap. At nung makita ko siya, nakaub-ob ito
habang may isang lalaki na nasa tabi nito. Mukhang yung lalaking yun ang
tumawag sakin. Nagtatrabaho siguro siya sa Bar na’to. Kaya nilapitan ko
na sila.
“Excue me.” Sabi ko. Napatingin naman yung lalaki.
“ah kayo po ba si Andi Rivas?” ngiting ngiting sabi nung lalaki.
“Ako na ang bahala sa kanya.” Nagbow naman siya at umalis.
Nilapitan
ko naman si Chelsea at hinawakan ang braso nito. “Chelsea! Si Andi
ito!” tumingin siya sakin. Namumula mula siya, halatang lasing na
lasing. Tsk! Ano na naman bang drama ng babaeng ito!? >:(
“Andi?.. Andi Rivas? Hahah oi Andi!” hinawakan ko naman siya sa magkabilang braso. Naa-out of balance na kasi siya.
“Ikaw
Andi! Hic* a-ano bang kamalasan ang meron ka a! Hah!” tinulak niya ako.
Pero parang wala namang nangyari. Tsk lasing na nga talaga siya.
tiningnan ko kung nakailang bote siya. :o Nakawalo siya?!
“Oi kailan ka pa dito?”
“Ikaw!” hinawakan niya ang mukha ko. Ang makabila kong pisngi.
“Andi Rivas.. hic* NAPAKASAMA MO! *sob*” bigla siyang napatungo sabay hawak sa damit ko. Nasa dibdib ko yung ulo niya.
“o-Oi!” napansin ko yung iba na napapatingin samin. Tsk! Nakakahiya ito. Kung ano pang isipin ng iba! Pahamak talaga!. (//,-- )
Pero
ang mas kumuha ng atensyon ko at ang maramdamang umiiyak siya. “Napaka
mo.. ang gusto ko lang naman.. *sob* marealize mo na mali ang ginagawa
mo saming mga babae! *sob*”
Lasing ba talaga siya? :(
“..gwapo
ka! Pero bakit kailangan mo kaming lokohin. Bakit kailangan mo kaming
paglaruan.. bakit mo ako ginaganito.. *sob* ang sa-ma.. mo..” nawalan
naman siya ng malay.
Day 14
Tiningnan
ko yung phone ko, pero wala akong natanggap na message galling kay
Chelsea. *sigh* Pagkatapos kasi ng gabing yun, hindi na ako mapalagay.
Sigurado ako na may problema si Chelsea..
Pagkatapos ng
dalwa kong klase, napag-usapan namin ni Keli na magkita sa pinakamalapit
na café. Since 2 oras naman yung vacant ko.
“Ah sorry!”
“Andi!!!” ngumiti na lang ako sa dalwang babae na nasagi ko. Pero agad din akong umalis—
“Si Andi nga yung tinutukoy nila diba?”
Kaso napatigil ako nung marinig yung bulungan ng dalwang babaeng yun.
“Oo. Yung Chelsea kasi, may masamang ginawa daw kay Andi. Tsk tingnan mo na lang ang nangyayari sa kanya.”
“Hmf!
Ano bang problema ng babaeng yun? Maswerte nga siya dahil sa dami dami
ng babae na pwedeng maging girlfriend ni Andi Rivas, isa siya sa mga
napili.”
“Tama.”
Napalingon ako sa dalwang yun na ngayo’y naglalakad na palayo sakin.
Hindi
ko alam kung bakit, pero naisip ko bigla na puntahan si Chelsea sa room
niya. Mabuti na nga lang at nasa phone ko pa yung schedule niya.
“Hahaha.”
Malayo pa lang ako naririnig ko na yung tawanan sa loob. Napatingin ako
sa wrist watch ko, may 5 minutes pa bago dumating yung prof.
“Ay
oo nga ano! Let’s go guys!” di pa man ako nakakalapit sa may pintuan,
napansin ko may mga nagsilabasan. Nagtago naman ako. At mabuti na lang
walang nakapansin na ako si Andi Rivas.
Kakaunti na yung
tao sa loob ng classroom. At yung iba pa dun ay may balak pa atang
umalis. Sinubukan kong tingnan kung nandun ba si Chelsea. Nakaupo lang
siya dun at parang walang balak umalis. Nagvibrate yung phone ko.
Pagtingin ko, nagtext pala si Keli, mukhang nandun na siya sa usapan
namin.
Kaso hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Chelsea. Bakit hindi siya kasama ng mga kaklase niya? Bakit hindi pa siya umaalis.
*sob* :o
Papasok na sana ako nung marinig ko yun sa kanya—
“Andi!?”
napalingon ako sa tumawag sakin. “Andi, may kailangan ka ba? Bakit ka
nandito! Waa” siya yung kasa kasama dati ni Chelsea. Yung kaibigan ni
Chelsea na nagkulong kay Keli dun sa old room.
Tatanungin ko sana siya ng mapansin ko naman na lumabas na si Chelsea. Nakatingin lang siya samin.
“Uhm..”
“May nakalimutan kasi akong notes, Andi! Hintayin mo ako a.” hindi niya pinansin si Chelsea.
“Chel..—“ sabi ko kaso biglang dumating yung isang babae at agad siyang lumink sa braso ko. At hinigit ako palayo.
“Yanie..”
narinig kong nagsalita si Chelsea. Pero hindi siya pinansin nung
babaeng nakalink sakin. Nung lingunin ko si Chelsea. Nakita ko naman na
umaalis na siya.
“Sandali.” Tumigil naman ako at inalis ang kamay niya.
“Huh? :D” ngiting ngiti siya.
“Hindi
ako nandito dahil sayo.” Nagpout naman siya. “Gusto kong malaman kung
anong meron kay Chelsea.” Umiwas siya ng tingin sakin.
“Naku!
Malelate na ako, sige nanga Andi next time na lang.” hinigit ko yung
braso niya bago siya umalis. Bigla naman siyang nainis.
“Ano
ba! Bakit ba nag-aalala ka sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sayo!
Unforgivable! Tapos.. pati kami binabalewala mo e hindi naman talaga
namin gustong saktan yung babaeng yun kung hindi lang sinabi ni Chelsea
na stalker mo daw yun. Mahalaga ka kaya samin! Pero ano.. iniwasan mo
kami dahil sa ginawa ni Chelsea!
Hindi namin mapapatawad si Chelsea!”
Mukhang naiintindihan ko na ang mga nangyayari.. >:(
“Pero alam mo Andi, hindi mo naman talaga kailangang mag-alala sa kanya—“
“Anong mga klase kayong kaibigan!” naiinis ako.
Ang mga babae.. pareparehas talaga sila! Mas mahalaga sa kanila ang image ng isang tao! >:(
“Ayoko ng makikitang binubully ninyo si Chelsea.” Agad naman akong umalis pagkatapos.
Naisip kong sundan si Chelsea.







