Day 13
'anong gawa mo?'
*message sent*
'diba may klase ka?'
Napatingin
naman ako sa una, sa prof ko na kasalukuyang naglelecture. Natawa naman
ako bigla ng maalala na saulo nga pala ni Keli ang sched ko.
'naggreet lang ako ng goodmorning e. Kaw a mag-aral ka!'
Nagtext agad siya. Napangiti naman ako nang bigla akong tawagin ng prof. para ituloy yung binabasa niya sa textbook.
'mamaya punta ako dyan a! v^.^'
"Wuy! Ano yan? Bagong chiks!?" sabi ni Kevin pagkatapik sakin. Dumating na din sila Danson at Albie.
Napatawa
naman ako. Pagkatingin ko sa kanila, nakatingin silang lahat sakin.
Napaubo na lang ako. Kaya natawa sila sabay akbay ni Kevin sakin. Tinago
ko naman yung cp ko.
Gusto ko na sanang sabihin sa kanila
ang tungkol kay Keli pero bigla ko namang napansin si Darryl, “Nasaan
si Darryl?” madalas na siyang hindi sumama sa barkada.
Umiwas sila ng mga tingin sa akin.
“Wag ninyong sabihing.. puro Sab na lang yun!?”
“Ah
ha.ha.ha. o-Oo! G-ganon na nga!” parang baliw si Kevin at Albie.
Sasagot lang naman ng oo e. napatingin tuloy ako kay Danson, umiwas din
siya ng tingin sakin sabay tingin sa cellphone niya. Hmm..
Pumunta
naman ako sa sunod kong klase. Sa pagmamadali ko dahil late na ako,
hindi ko tuloy sinasadyang masagi yung taong nakasalubong ko. Nalaglag
yung mga gamit niya, kaya tinulungan ko agad.
“p-Pasensya na.” inayos ko ang mga gamit niya.
Napatingin ako dun sa babae nung mapansing kong parang nakatingin ito, ”Oh Sab.” Ngumiti ako.
Ngumiti din naman siya.
“Naku! Late na ako! Sige alis na ako a.” sabi naman niya. Nagkibit balikat na lang ako at pinuntahan si Keli.
"Andi!!!" ngiting ngiti siya. Tuloy di ko maiwasang hindi rin mangiti.
Ang
babaeng ito, palagi siyang masaya pagnakikita ako. (//.-- ) Kumakaway
pa siya. Mukhang siyang tanga.. Ganon pa man. Hindi ko makitaan ng
masama ang babaeng ito.. Napakapure niya.
Toink!
"Aray! Bakit?" pinitik ko ang noo niya. Nakakahiya kasi siya.
Pansin ko pa na may ibang tao na hindi maiwasang mapatingin samin. At may iba pang nagbubulungan.
"Andi!" ang babaeng ito, hindi niya alam ang pinasok niyang gulo. Kung seryoso siya sakin.. bakit ako pa.. :'c
"Ano? Tara na nga." hinigit ko yung kamay niya pero agad ding binitawan.
Naglalakad lang ako. Medyo malayo layo na rin ang nalalakad ko nang maalala ko na di ko alam kung saan nga pala kami pupunta.
"Oi--" paglingon ko sa likod. Hindi ko siya nakita. Dalwang babaeng nagbubulungan ang nakita ko.
"Uhm Hi!" biglang sabi sakin nung babae na medyo mga 2 taon ang tanda sakin.
"Ang gwapo mo naman. Nag-iisa ka ba?" napakunot ang noo ko. Nasaan na ba kasi ang babaeng yun!
"You know what, you look familiar!"
"Nagmeet na ba tayo?"
Biglang
pumasok sa isip ko na baka iniwan na ako ng babaeng yun. Kaya naisip ko
na lang na makipagflirt. Magsasalita pa lang ako nang..
mapansin ko yung babaeng naglalakad di kalayuan samin. Tumigil siya..
"Uhm gusto mo sumama samin? Hehe."
"Ang gwapo niya.."
Ang lungkot nung mukha niya. At nung magtagpo ang mga mata namin.. bigla na lang siyang..
ngumiti?
“So ano, let’s—“
Nilapitan ko siya.
Naiinis
talaga ako sa babaeng ito. Minsan hindi ko siya maintindihan. Ngayon
kaharap ko siya.. hindi ko maintindihan kung iiyak ba siya sa kabila ng
mga pekeng ngiting yan.
"Hey!" tinawag naman ako nung dalwang babae. Si Keli naman.. nawala ang ngiti.
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Kaya dahan dahan kong ni-poke ang noo niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.
"Pasensya na, pero kasama ko siya." ngumiti naman yung dalwang babae at nagpaalam.
"Andi.."
At sa wakas nagsalita na siya. Tiningnan ko siya ng masama. Pero mas napansin ko na.. di niya soot yung sapatos niya.
"Ano ba talagang ginawa mo?" tumingin siya sa tinutukoy ko.
"Ahh.. masakit kasi yung paa ko sa soot kong heels na'to." pinakita niya sakin. At alam niyo kung anong iniisip ko?
Ang weird niya.
"Yung dalwang babae.." napatingin ako sa kanya. "Kung hindi ba ako dumating.. sasama ka ba sa kanila?"
Bigla
akong napaisip sa sinabi niya. Tama, sasama nga ba ako dun sa dalwang
babaeng yun kung hindi ko siya nakita? Agh bigla akong nainis bakit ko
ba kasi iniisip ang mga ganitong bagay! Sa totoo lang ang lahat ng ito’y
kasalanan niya! >:(
“Eh ano naman sayo..” tiningnan ko siya ng masama. Hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha niya. “Tara na nga.”
Naglakad naman ako habang sumusunod naman siya. Kahit pa hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.
Ring.. Ring..
Napatingin ako sa phone ko. Di ko pa man nasasagot—nang mapansin kong hindi pa rin soot nung babaeng yun yung sandals niya.
“What’s with you!? (~,^ )” ngumiti lang siya pagkatapos ay kumapit saking likod.
“Andi, pwede ba akong sumakay sa likod mo?”
Bigla
akong nainis sa sinabi niya. As in nagkasalubong yung mga kilay ko.
Kaya agad naman siyang napatungo. Wala pa man siyang sinasabi pero alam
ko na nasaktan siya sa reaction ko. Pero sino bang hindi maiinis, ano
bang klaseng utak ang meron siya at naiisip niya ang mga ganitong bagay?
Sumakay sa likod ko? Pinagsoot ko ba siya ng high heels? >:(
“Haha.. isoot ko na nga lang ito.” Hindi pa rin siya tumitingin habang sinosoot naman niya yung sapatos niya.
Tapos bigla bigla na lang siyang naglalakad. Obvious na nagtatampo siya.
Kaya sa huli hindi ko rin siya natiis at hinigit ko yung kamay niya.
“Weee piggyback ride :D” psh ang ingay niya!
“Oi
ano ba!” tumawa naman siya. tss bigla bigla niya kasing hinihigpitan
ang pagyakap sa leeg ko. Hindi naman masakit.. nakakailang lang :||
Sobrang
lapit niya. Mas mabuti pa yung niyayakap niya ako. Kesa dito.. >:(
nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Tss! Naaamoy ko siya!
“Andi?” nagulat naman ako nung magsalita siya.
“Mabigat ba ako?” Hinawakan naman niya yung kilay ko.”Naiinis ka kasi?”
“Ano ba!?” inalog alog ko yung ulo ko para maalis yung kamay niya. Tss! Kainis talaga siya!
“Wag ka na nga lang magtanong ng kung ano! Gusto mo ibaba kita!”
“Hahahaha! Mahal na mahal talaga kita Andi!” mas hinigpitan niya yung kapit.
Agggh! Sasabog na ata yung puso ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Tae talaga ang babaeng ito! >:(
Naiinis ako sa kanya dahil pinapatibok niya ang puso ko..







