1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 29. Teach Him how to Cook

12th Day


Sa condo ko siya muna nagstay matapos ng araw na yun. Sa kwarto ko siya natulog, habang sa sofa naman ako. Yun ang pagkakaalam ko, pero nung madaling araw na magising ako. Wala siya sa kama. Akala ko nasa baba siya pero nung hanapin ko siya sa buong condo, wala siya. Nainis naman ako.

"Goodmorning, Andi!" sabi niya pagkagising ko. Pero di ko siya pinansin.

"Gutom ka na ba?" dirediretso naman akong lumabas ng kwarto.

Pumunta akong kusina at sinundan naman niya ako.

"Cereals and milk na naman!?" sabi niya habang naglalagay ako ng cereals sa may bowl.

"Magluto ka na lang kaya." inagaw niya yung cereals sakin. Sinubukan kong agawin pero nilagay niya sa likod niya kaya kaysa makipag agawan sa kanya, hindi na lang ako kumain.


"Galit ka ba?" umupo sya sa tabi ko. Hindi ako umimik.

"Nagugutom na ako, Andi! Sige na magluto ka na." binuhay ko na lang ang tv. Pero inagaw niya ang remote at niturn off yun. Tiningnan ko siya ng masama. Nakapout naman siya.

Nakita ko ang ipod ko sa table, kinuha ko yun at sinoot ko ang earphone para di siya marinig. Sinusubukan kong sumulyap pero titig na titig siya. Nang mapansin kong nagsasalita siya, hininaan ko ang volume ng music para marinig..

"..ko alam kung bakit di ka namamansin." napatingin ako sa kanya at agad ding umiwas.

"Hahalikan na talaga kita pagdi mo pa ako kinausap!" kinilabutan ako ng hawakan niya ako sa braso ko at sa mukha ko.. papalapit sa kanya-- Agad ko syang tinulak.

"Ano bang ginagawa mo!? :-[ " agh! Ito na naman ang weird na heartbeat!

"Nagugutom na ako!" hinampas niya ako. "Gutom na ako! Gutom na ako! Gutom na ako! Gutom na ako! Gutom na--"

"MAGLUTO KA!" tiningnan niya ako, agad naman akong umiwas. "..hindi ako marunong magluto." :-[ bulong ko. Pero dahil bigla syang tumahimik, sigurado ako na narinig niya ang sinabi ko.

Tumayo ako. Nakakainis--

"Kaya nga ako nandito e, para turuan ka." nagulat ako sa sinabi niya. "Alam ko na yun! Kaya nga.. magluto na tayo." yan na na naman ang mga ngiti niya.

Wala din akong nagawa at agad ko ring nakalimutan ang galit ko sa kanya. Pumunta kaming kusina, tuturuan daw niya akong magluto ng pinakafavorite kong seafoods. Shrimp! Medyo natawa nga ako e, pati kasi yun alam niya. E si Niko lang ata ang nakakaalam nun. ::)

Pumunta kami ng supermarket para mamili ng mga kulang na recipe.

Agad naman niyang hinanda ang mga kakailanganin sa pagluluto. Tinuruan niya akong magbalat ng hipon at maggayat ng mga gulay. Tinuruan din niya akong gumawa ng soup, ang pinakamadali. Nagprito naman sya ng ng hipon na madaming sauce. At ang sobrang bango. Gumawa kami ng sinigang na hipon, pati tempura. At nung matapos ang mga pang-ulam. Inutusan niya akong magluto ng kanin..  na di gumagamit ng rice cooker.

"Oh diba, nagawa natin! :)" umupo siya.

"Ang tagal namang magluto. Papatay na yung kakain oh." sabi ko ng padabog. Kinuha ko yung kutsara, susubo na sana ako--

"Magdasal muna tayo." hayys..

Pagkatapos naming magdasal, kumain na kami. At.. ang sarap ng mga niluto niya—namin. (//.--‘  )

Tiningnan ko sya. Ang saya niyang tingnan. ::) Natutuwa talaga ako sa kanya. Kahit na minsan may na gagawa syang nakakainis. Gusto kong itanong kung bakit nawala na naman sya kagabi, kaso nawala na ako sa mood.
HTML Comment Box is loading comments...