1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 28. Bring Him to a favorite place

11th Day


Saking paglalakad, may nakita akong grupo ng mga tao na nakatalikod sakin. Parang may pinagkakaguluhan sila, at kahit hindi ako interesado, dinala parin ako ng mga paa ko sa kanila. May nakita ako, isang babae na walang mukha. Umiyak ako at lahat ng mga taong yun.. nakatingin sakin..

"Shet." sabi ko pagkabangon ko. Napahawak pa ako sa ulo ko, ang sakit na naman kasi.

Pagkatingin ko sa harap ko.. :o

"Anong ginagawa mo dito, agang aga?" nakatingin lang sya sakin. Malungkot ??? Ano na namang nasa isip nito.

Hindi ko na lang sya pinansin, magtataka pa ako e lagi naman syang sumusulpot bigla bigla. Atsaka binigyan ko sya ng susi kaya walang nakakapagtaka kung makapasok sya sa condo ko.

"Sa may bintana ka na naman dumaan?!" sigaw ko at eksakto naman niyang punta sa kusina.

"Nakalimutan ko kasing gamitin yung susi." lumabas ako para tingnan kung anung ginagamit niya para makalusot sa mataas na bintanang yun. "Ginagawa mong tuntungan ang bike? Nagbabike ka pala?" tumango siya. Yun parin ang expression ng mukha niya.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan.


Kumain ka na ba?" binuksan ko ang ref.

"Nakita kong lumuha ang mga mata mo kanina.. habang natutulog ka.." napatigil ako. Bigla naman akong napaisip. Pero wala akong maalala.

"Ewan ko. Siguro may napanaginipan lang ako." sabi ko habang naglalabas ng almusal.

Bigla naman niya akong niyakap sa likuran ko. "Hoy!" >:( :-[

"Ayokong nakikita at makikita kang umiiyak at iiyak. Ayokong masasaktan at nasasaktan ka.. Andi."

Kahit minsan di ko sya maintindihan, alam ko na mahal na mahal niya ako.

Pagkatapos naming kumain, bumalik naman sya sa dati. Ang Keli na masigla. Madaldal na uli siya. Nanood din kami ng movie. At may part dun sa movie na napatitig siya. Naisip ko na gusto niya yung part na yun, pero sabi niya gustong gusto daw niyang pumunta sa lugar na yun..


"Waaa.. Andi! Talagang nandito na nga tayo! Kanina lang.. pinapanood lang natin ang lugar na'to sa isa sa mga sikat na pelikula.. Hindi ko akalaing.. mas maganda 'to sa personal." titig na titig siya.

Nasa tabing dagat kami. Maganda ang view. At ang sariwa ng hangin. Hindi nakakapagtaka kung bakit gusto niya dito.


"Pagnamatay ako, gusto kong ipacrimate ang katawan ko. Tapos dito itatapon ang abo. Gusto ko sa tuwing may mga pumupunta ditong mga tao, ngingiti sila sa ganda ng view. At hindi nila maiisip na sa ganda ng lugar na'to.. may alaala pala dito ng taong namatay na.." lumapit ako sa kanya. At napakaemosyonal ng expression ng mukha niya.


*sob*

"Umiiyak ka?"

Tumingin siya sakin at pinunasan niya yung luha niya sa mata niya.

"Haha. Napuwing na pala ako, hindi ko pa napapansin." ngumiti na lang ako at tumingin sa kapaligiran.

Ang ganda nga ng view, "Sa ganda nga ng view na'to. Sinong makakaisip na may mga malulungkot na alala dito?"

"Tama ka.." malungkot na naman siya.

Naisip ko namang asarin siya, "Matagal ka pang mamamatay. Sa sobra mong kulit, sa tingin mo kukunin ka ni Lord. Hahaha. Matagal na panahon pa yun na mapaparimate mo ang bangkay mo.." tumalikod ako para bumalik na sa kotse ko.




"Sana nga matagal na panahon pa yun.." narinig ko naman yung bulong niya.

Nairita ako.




"Kung hindi ka patanga tanga, baka nga maaga kang mamatay." agh. Bakit naman kasi tungkol sa kamatayan ang pinag-uusapan namin. >:(
HTML Comment Box is loading comments...