9th Day
Buong gabi kong pinag isipan ang
tungkol sa mga sinabi ni Keli. Ang mukha niya. Nung umiyak sya. Lahat ng
yun, totoo. At yun ang masakit. Ayokong magtiwala kahit kitang kita ko
na ang ebidensya. Dapat diba na magustuhan ko na talaga sya, pero bakit
pakiramdam ko may hindi pa ako alam. May kulang pa kahit alam kong mahal
na mahal niya ako.
"Uy Dee! Gimik tayo mamaya!" sabi ni Kevin pagkadating na pagkadating ko.
"Wala ako sa mood." sabi ko ng wala sa mood habang umuupo. Nagulat naman ako ng bigla silang nagkaapiran sa isa't isa.
"Galing mo, Kevin. Paano mo nalamang tatanggi si Andi?" tanong ni Albie. Habang si Kevin naman ay bilib na bilib sa sarili niya.
"So
totoo ba yung rumor sa Bar na may gf kang stalker? Na mas madikit kay
Irene? At mas malupit?" tumataas taas pa ang kilay ni Danson.
Sinimangutan ko na lang. I'm sure type niya yun.
"Pero,
sino yung babae sa condo mo!?" bigla akong kinabahan. "Naghintay sayo
buong gabi. Bakit alam niya ang condo unit mo. Mukha naman syang
inosente. Sino siya, Andi?" nakatingin silang tatlo sakin na para bang
hinihintay ang isasagot ko.
"Siya.. si..--"
Calling..
Napatigil
kami ng marinig ang phone ko na nagring. "Wait lang." pagkasagot ko. Si
Keli pala ang nasa kabilang linya. Kinakabahan na naman ako. Malumanay
syang magsalita. Gusto kong itanong kung okay na ba sya?
"O
sige, punta na ako." tumayo naman ako. Ni-end ko na ang call. At
nakatingin parin sila sakin. "Saka ko na lang ieexplain lahat." aalis na
sana ako.
"Nagdedate ba talaga sila Sab at Daryl?" tanong ko.
"Hmm.. hindi sila pwedeng magdate diba. Si Daryl yun tol!"
"Pero alam ko, sobrang close nila ngayon."
Tumango na lang ako at umalis. Agad kong pinuntahan si Keli sa carnival.
"Two tickets! Tara!" nakangiti na siya :-\ Pero di ko alam kung totoo ba ang mga ngiting yun.
Pinagtataka ko lang, bakit mas gusto pa niya akong makasama.. pagkatapos ko syang saktan.
"Tara kumain muna tayo! Anong gusto mong kainin?" ang saya niyang tingnan.
"Burger na lang sakin."
Kahit wala ako sa mood pagkaharap sya, still nakakangiti parin sya. Ang saya niyang tingnan :-\
"Ferris
wheel daw ang pinakaromantic ride na tampok sa mga couple. Haha. Buti
na lang naisipan nating sumakay dito." napansin ko naman ang kamay niya.
Hinawakan ko to gaya ng isang normal na couple--
"Yan na, bababa na pala tayo." binawi niya ang kamay niya. At mabilis syang naglakad.
"Kuya.
Sure kayo na hindi niyo tatapusin ng gf niyo ang ride?" sabi nung
lalaki. Hindi ko na lang sya pinansin at pinuntahan ko na lang si Keli.
"Andi, ang sarap oh!" kumakain na maman sya.
Lumapit
naman ako sa kanya at napansin ko yung sauce na malapit sa lips niya.
Sinubukan kong tanggalin yun gamit ang kamay ko. Namula naman sya at
halatang kinabahan. Hindi ko naman napansing, papalapit na yung mukha ko
sa kanya. At nahalikan ko sya sa part na yun..
Bakas sa mukha niya ang gulat at inis. Napapaluha na siya. Medyo naguilty ako.
"It's not a kiss.
I try to wipe the sauce with my hand--"
"But you kissed me!" tumulo ang luha niya. Tumalikod sya at agad na tinapon yung pagkain.
Nainis ako. >:(
Lumapit ako sa kanya at hinigit ang braso niya.
"Galit
ka dahil ginawa ko yun." pinunasan niya ang luha niya. "Girlfriend kita
at may karapatan akong gawin yun." binawi niya ang pagkakahawak ko sa
braso niya.
"So hindi mo pala ako pinakinggan kagabi--"
"You
don't love me! Hindi mo talaga ako minamahal! Bawal mag-I love you.
Bawal ang kiss at bawal magholding hands! You're just playing! Ikaw ang
nakikipaglaro--" bigla nyang hinigit ang kamay ko.
At dinala.. sa isang couple booth.
"Patutunayan ko sayo na mali ka. Sa loob niyan..
pwede tayong magsex." :o







