"What's up, Andi?" pumulupot si Loraine sakin habang nililikot niya ang pisngi ko.
"May mga nanggugulo na naman ba sayo.?." binigyan naman ako ni Trisha ng beer. Uminom lang ako ng konti.
"Hindi ko maintindihan." sabi ko ng may pinakawalang kabuhay buhay kong expression.
"Then
let's just enjoy the party!" hinila nila Trisha at Loraine ang kamay ko
at dinala sa dance floor. Nung una wala talaga ako sa mood pero dahil
ginusto kong maging maayos ang lahat at bumalik sa pagiging Andi Rivas.
Uminom ako ng uminom hanggang sa nawala na ako sa sarili.
8th Day
*Click*
"Ano ba!?" :o nagulat naman ako ng makita sya sa kama ko at sobrang lapit pa namin sa isa't isa.
*click* "Goodmorning, Andi!"
Napahawak
naman ako sa ulo ko. "Heto oh, kape." ininom ko naman yun. Habang
patuloy naman sya sa pagpipicture, bigla naman akong naubo.
"Pinipicturan mo ako ng nakahubad?" Bigla syang namula pero nakangiti parin.
"Kagabi
kasi, dinala ka ng kaibigan mo dito. At dahil nandito naman ako, ako na
ang nag-ayos sayo. Nagsuka ka pa kasi kaya hinubad ko yung damit mo.
Yung damit lang naman." ang pula pula niya.
Agad akong bumangon. At nakapantalon pa nga ako. Pero ang sakit parin ng ulo ko.
"Andi!" bigla nya akong inalalayan. Pagmulat ko ng mata ko.. :-[
"Andi?" agad ko syang tinulak. thump. thump. thump. Heto na naman yung weird na thump sa puso ko >:(
"Magshower ka na dali. Magpipicturan tayo!" nasampal ko naman ang kamay niya.
"Wag mo akong hawakan." agh ang ulo ko. Pati na.. ang puso ko. :-\
"May problema ba, Andi?" tiningnan ko sya.
Agad akong kumuha ng damit pang alis.
"Tara!" hinila ko ang kamay niya.
"Sandali! Saan ba tayo pupunta!?"
Agad ko syang isinakay sa kotse. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan.
"Andi, san ba tayo pupunta?" di ko sya sinagot. "*Click* Kahit di ka nagshower, ampogi mo parin! *click*
Alam
mo ba.. :-[ Ang ganda ng hubog ng katawan mo. Hahaha. Ang sexy mo! May
abs pa! Kahit medyo payat ka, ang hot mo parin. You're perfect, Andi :D
--"
BEEEP!!
"Ah?"
Naiinis
ako. Syet ang puso ko. Naiinis ako at tumitibok na naman to ng mabilis,
gusto ko syang halikan. Gusto ko syang halikan hindi dahil gusto ko
lang.. it's because.. I like her. :-[
"Tumigil ka na!" nagkatitigan kami. Pero bigla syang ngumiti.
*Click*
"Haha. Ang cute mo dun, Andi--" hinigit ko ang kamay niya at hinila sya papalapit sakin. "Andi, nasasaktan--" pumikit ako at--
"Hmm!" tinakpan niya ng kamay ang bibig niya. Nakapikit sya at takot na takot.
Binitawan ko sya at nagdabog ako.
"Girlfriend kita pero bakit bawal kitang halikan! Bakit bawal mag-I love you!" inis na inis kong sigaw.
"Sori. Hindi naman sa ayaw ko.. pero kasi.. ayokong itulad mo ako sa mga babae mo."
"I love you, Andi. :-[" agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko. Binuksan ko din yung kanya at sapilitan syang inilabas.
"Andi, bakit?" dinala ko sya sa loob ng bar kung saan ko dinadala ang mga nagiging gf ko na gusto kong ibreak.
"So ito ang favorite tambayan mo?"
"Gusto
ko ng tapusin ang larong to." sabi ko ng pabulong habang iniiwan ko
sya. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko sya nilingon.
"You want us to handle this?" tanong nila Loraine at Trisha.
"Alam na namin ang gagawin." sabi ni Trisha.
"Mag-enjoy ka na lang muna." sabi naman ni Loraine.
Parehas
nila akong hinalkan sa magkabilang pisngi. At nung umalis sila. Pumunta
na lang akong 2nd floor at nanood ng live band habang umiinom.
Mga
1 oras din yun. Kaya agad akong bumaba pagkatapos. Hindi ko na
kinamusta sina Loraine at Trisha. Alam ko naman na magtatagumpay sila.
Kaya lumabas na lang ako para umuwi.
"Agh." sabi ko pagkalabas.
Papunta
pa lang ako sa kotse nang mapansin ko ang isang taong nakatingin di
kalayuan sakin. Napahawak ako sa ulo. Heto na naman yung weird na thump.
Ang sakit. Naninikip ang dibdib ko.
"Bakit di ka pa umalis?" tanong ko sa kanya sa kabila ng katahimikan. Gabing gabi na.
"Sabi
nila wala daw akong mapapala sayo. Yung dalwang babae, friendly sila at
madami akong nalaman tungkol sayo." napatingin ako sa kanya. "Nobody
owns you daw. Pero kahit sino pwede mong iflirt at halikan.
Nagpapakatanga lang daw ako kung naghahanap daw ako ng seryosong
relationship. *sob*
Ang galing nga e,
nagawa nga nila akong saktan. Pero nagkakamali sila sa paghusga sakin.
Kasi in the first place di ko hiniling na magustuhan ako at seryosohin
ako ni Andi Rivas. E ano kung playboy ka at hobbies mo ang makipagflirt
sa iba't ibang babae. E ano kung lahat ng to e pampalipas oras lang
sayo. Okay lang sakin, basta kasama kita Anthony. Basta ako lang muna gf
mo in 30 days! *sob*" umiiyak sya.
" Mahal nga kasi kita, Andi. So please, I'm begging you.. just please let me finish this 30 days. Okay lang kahit masaktan ako."
Umalis naman sya matapos niyang sabihin yun.







