7th Day
Paggising ko,
wala sa kama si Keli. Maayos ang kama parang walang humiga. Agad akong
bumangon sa pagkakahiga sa sofa at pumuntang salas. May naaamoy naman
ako kaya pumunta akong kusina--
"Ikaw?" humarap sya.
"Pinagluto na kita. Alam ko kasing hindi ka marunong magluto." sinubuan naman niya ako, sabay nguya ko naman.
"Wag
kang mag-alala. Kahit di ako marunong magluto, hindi ibig sabihin nun
na hindi na ako mabubuhay." tinikman ko naman yung soup niya. ::) Ang
sarap niya talagang magluto.
"Ang talitalino mo, pero ang pagluluto hindi mo kaya?" bigla akong tumigil sa pagkain.
Napatingin ako dun sa may bintana. Tiningnan ko ang oras. Sabado pala ngayon. Mamaya may pasok parin ako.
"Hindi ka dito natulog kagabi no?" kumain uli ako.
"Nandito ako no! Pinanood pa nga kitang matulog--"
"Kasya
ka nga naman sa bintana e. Masyadong malaki yun. Kaso nakalimutan mong
linisin yung ebidensya." nagpout sya. "Saulo mo na agad ang condo ko a."
"Lilinisin ko yan. Kailangan ko lang kasi umuwi kaya di ako nakapagstay."
"Bakit ka nag eexplain!? Porke may nangyari kagabi akala mo na--" biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi.
Kumain na lang ako.
"Bakit
nga pala hindi mo tinuloy yun.." nainis ako. Muntik ko ng masabi ang
dahilan kaso nakita ko yung expression ng mukha niya. Guilty? :-\
"Sige
na! Papasok pa ako. Umuwi ka na, bibigyan na lang kita ng susi para
kahit anong oras maaari ka dito." sabi ko habang papunta sa kwarto ko.
Napatigil
naman ako sa sinabi ko. Agh! Sabi ko bibigyan ko sya ng susi!? Ano bang
naiisip mo, Andi!? >:( Bakit masyado kang mabait sa kanya!? Agh..
Sa
klase, si Keli parin ang naiisip ko. Ang lahat sa kaniya. At nung una
ko syang nakilala. Bakit parang nagbago ako.. at feeling ko ng dahil sa
kanya. Ang dami kong ginawa sa kanya na di dapat gawin ni Andi Rivas.
Mali lahat! Mali to.. parang.. nahuhulog na naman ako..
"Hi, Andi!" may dalwang babae na nilagpasan ko lang.
Pumunta akong canteen para bumili ng tubig, pero iba ang nakita ko.
"Hi Andi! May gagawin ka ba mamaya? Baka gusto mong sumama sakin-"
"Baliw! Sakin kaya siya sasama! Andi, pwede bang makuha ang num. mo?"
"Sinabi na e, mang aagaw ka! Akala ko pa naman kaibigan kita."
Lumapit naman ako kay Sab.
"Andi." tumingin ako kay Daryl na kaaalis lang.
"Iba
talaga ang appeal mo. Di mo lang ba sila papansinin? Kung pagbigyan mo
kaya sila." tumingin naman ako sa tinitingnan ni Sab. Yung dalwang
magkaibigan na kinakausap ako kanina na ngayon nagpapatayan na.
"Kaya mo silang pag-ayusin." mukhang ayos na siya.
"Anong meron sainyo ni Daryl?" halatang nagulat sya sa sinabi ko.
"Mabait siya. Magkaiba kayo ng intensyon sakin."
"May gusto ka ba sa kanya?" tiningnan niya ako ng masama.
"Masaya
sya pagkasama niya ako.. Naiiba siya sa lahat. Minsan hindi ko na
napapansin na may nagagawa na pala ako sa kanya na hindi ko pa nagagawa
sa iba.
siguro nga nagugustuhan ko na siya. Minsan kasi
nag aalala ako sa kanya. Nagseselos. At higit sa lahat, masaya ako
pagkasama ko siya." naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko.
"So dahil lang sa nararamdaman mo nasabi mo ng my gusto ka sa kanya?" kabado kong tanong.
Hindi
agad siya sumagot. Nakatingin lang siya sa malayo. Mas lalo naman
akong kinabahan. Tumingin naman siya sakin at nginitian ako.
"Sana maramdaman mo rin yun. See ya, Andi."
Habang pinapanood kong umalis si Sab, naalala ko naman ang tungkol kay Keli.
thump.thump.thump.
I think.. I like, Keli..







