1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 23. Meet His Parents

"Andi, kakain na." sabi ni Keli habang inoobserbahan ko parin ang lugar.

Ang tagal ko ng di nakakapunta uli dito. Highschool pa ako noon. Ngayon ko lang nalamang madami pala akong alaala sa lugar na'to. Mga alaalang iniwan ko, :-\ Okay lang kaya kung magstay ako dito?

Sa hapagkainan, ang daming tao. Madaming mga kasing edad ko at yung iba may mga asawa na. May mga bata at nandun din ang lola ni Keli. Lahat sila mga kamag anak ni Keli na nakatira sa lugar na yun. Salo salo kaming lahat. Nagkukwentuhan habang kumakain. Ang saya. Lahat kami tumatawa. Hindi ka mao-OP. Parang barkada lang. Tiningnan ko kung paano tumawa si Keli, ang saya saya niya. Pero.. bakit di niya ako pinakilala bilang boyfriend niya?..

"Nag-enjoy ka ba?" lumingon naman ako sa nagsalita.

"Bigla ka na lang umalis kanina. Iniwan mo ako, tuloy ininterview nila ako. Ang daming tanong pero.. masaya." nakangiti lang siya.

Ang mga ngiting yun. Maganda talaga ang mga ngiti niya. Noon pa man, kahit di pa siya nagbabago, maganda na talaga siyang ngumiti. :) Gustong gusto ko na nakikita siyang ngumingiti.

"Gusto mong magcomputer? Baka kasi nabobored ka na."

Bigla na lang tong pumasok sa isip ko.

"Gusto mo gawin natin yung mga ginagawa mo noon? Gaya ng.. mangisda." nakangiti kong sabi.

Nang bigla naman niya akong yakapin. "Tapos manghuhuli tayo ng mga alitaptap!" ang laki ng ngiti niya. :-[  Sobrang saya niya.

"Oo" hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng saya ngayon. Siguro masyado na akong masaya sa mga nangyayari.

Kinuha niya ang bike at pumunta kami dun sa may sapa. Natatawa nga ako kasi sa tuwing makakahuli kami, pinapakawalan din niya. Nakakaawa daw kasi ang mga isda.

"E diba kumakain ka naman ng isda?"

"Oo. Pero.. hayaan na natin ang mga tunay na mangingisda ang magkasala. :D"

At dahil katuwaan lang naman to, hinahayaan ko na lang siya. Cute nga e.

Tumingin ako sa orasan. 6 na. Medyo madilim na. Hinanap ko si Keli. Naglalakad lakad siya. Agad naman ako lumapit sa kanya. Nang bigla syang tumalon papunta dun sa may damuhan. Nawala sya sa paningin ko. Kaya bumaba din ako. Nakaupo si Keli ???

"Ano yan?" lalapit pa lang ako nang tumayo sya at naglahad ng kamay niya na nakatiklop ???
"Magwish ka." nakangiti sya.

 Tiningnan ko lang sya. Tapos tumawa ako. Tawa na nang aasar.

"Hahaha! Naniniwala ka dyan?! Ano ba!" tawa lang ako ng tawa. Nakakatawa kasi parang syang bata. E 19 yrs old na sya!

Pero unti unting napawi ang mga ngiti niya. Tumahimik ako. Umupo uli sya habang nakatalikod sakin. Pinaglalaruan na naman niya yung mga alitaptap.
"Tama ka. Mga bata lang ang naniniwala sa mga wish thingy. Hindi naman talaga nagkakatotoo ang wish e. When I was in grade 6, I kept wishing one thing na alam ko na imposibleng magkatotoo." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Hindi ko naman sinabing masamang magwish. I'm sorry kung tinawanan kita." tumingin ako sa kanya. Ang lungkot niya :-\

"Haha! Ang gaganda ng mga alitaptap!" tumayo sya at inabot abot yung mga nagliliparang alitaptap.

Ang saya saya niyang tingnan pero kumikirot ang puso ko. Ang weirdo. Naiinis ako. May mali sa sinabi ko pero di man lang sya nagcomplain.

"Bakit di mo nga pala ako pinakilala sa kanila bilang nobyo mo?" bigla syang tumigil. Napakamot ako ng batok.

Ano ba tong tanong ko!? :-[ Noon, hindi ko talaga hinahayaang maipakilala ako ng mga girlfriends ko sa mga magulang nila, kapatid, at kaibigan. Pero ngayon.. bumaligtad ba ang mundo? Agh! Hindi sa gusto ko. Pero.. okay naman ang pamilya niya. Hindi ako naiba sa kanila. Hindi ko kailangang maging Andi Rivas. Kaya kong magpakatotoo. :-\


Kaya okay lang..




AGH!!!

Shet! Kanina pa akong nakahiga pero di ako makatulog! Kinamot ko ulo ko. Tiningnan ang phone. Daming message. Tinry kong magreply sa isa sa mga message. Tama! Ang text nila Kevin, Danson, at Albie! Bakit walang text si Daryl?

"Agh!" binato ko ang phone ko sa kama. Bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa kwarto ni Keli. Medyo malayo. Yung pinto lang ang kita ko.

Asar talaga! Alam niyo ba kung anong sagot niya sa tanong ko?


'..ayoko kasing malaman nila na nagkabf ako ng playboy! He.He.'


"Tss." tumalikod ako. Oo yun ang sinabi niya. Kapal talaga! >:(

Galit ako pero papunta ako sa kwarto niya. Hmm.. tama! Padalwang araw na'to. Dapat kong malaman kung kelan niya ako pauuwiin at kung kelan niya ibabalik ang kotse ko!


BLAGGG!!!


"Ahh!" :o


Pagkadinig ko nun. Agad akong tumakbo sa kwarto niya. Bubuksan ko na ang pinto nang—

"Bakit?" lumabas si Nea. Agad niyang sinarado ang pinto.

"Si.. Keli." sabi ko ng nag-aalala.

"Tulog!" tiningnan ko sya ng pinaka unconvince na reaction ko. "Tulog na sya. Kaya kung ako sayo tumulog ka na rin." ngumiti sya ng papilit.

Tumango na lang ako. Syet so di ko pala matatanong si Keli tungkol sa nangyari sa kotse ko.


6th day


"Uuwi narin tayo, Andi!" sabi niya matapos naming magpaalam sa mga kamag-anak niya. Tumawag na din sya sa mga magulang niya na uuwi na kami.

Tss. Parang wala lang sa kanya ang nangyari kahapon. Ang inosente, pero nakakainis.

"Sige. Bye na, Andi! Pahinga ka a! Tapos pasok ka na uli ng 2!" ngumiti sya habang umaalis.

Pagdating ko naman sa bahay, agad din akong nagpahinga at nakatulog. Nagising ako ng 2. Naalala ko naman si Keli. Alam na alam niya pati sched ko. Tss. Scary Stalker!

Dismissal naman pagka 5:30. Naisip ko na dumaan ng Bar. Miss ko narin ang mga girls dun..
0905+ Calling..

 Dinedma ko yung call. Binuhay ko yung engine at pinaandar ko na yung kotse ko. Napatingin uli ako sa phone ko. 5 received calls. At.. new message. ??? Dahil parang ang weird, tiningnan ko ang inbox. At yung 0905+ ang nagtext. At pagkabukas ko ng message.. :o


Agad kong niliko ang kotse ko patungong park.

Pagdating ko sa park, agad akong tumakbo at pinuntahan yung lugar na pinangyarihan. Pero pagdating ko.. >:(


'Andi, si Nea to. Si Keli kasi, nahimatay! Punta ka dito sa park na pinakamalapit sa school niyo. Nasa may tabi kami ng fish pond.'


"Hi, Andi!” nakaupo sya sa bench at walang kasama. >:(

Tumalikod ako at naglakad palayo.

"Sandali, Andi!" hinawakan niya ang braso ko. "Galit ka?"

Di ako umimik.

"Sori. :(" nainis ako.

"Sabi sa text, nahimatay ka. Sa tingin mo sinong di mag-aalala! Tapos nanloloko ka lang pala!" hinarap ko sya. Nakatingin lang sya sakin. Titig na titig.

Ngumiti sya. >:(

"ANO!?"

Bigla niya akong niyakap. :o "Ang pula pula mo Andi nung nagagalit ka! Laykit!" ang higpit ng pagkakayakap niya kaya medyo nakiliti ako at nawala ako sa mood magalit.

"Ano ba. Ilang beses ko bang sasabihin sayo.." nag ahehm ako. Syet namumula na nga ako. :-[

"Sori na kasi. Tara, sa condo mo na lang tayo since dismissal mo na." ??? sabi niya ng may seryosong ngiti.

Hindi naman ako makatanggi at ang seryoso nga niya. Pero pinagtataka ko kung bakit kailangan pa niyang manloko para lang makapunta sa condo ko. Dahil kaya alam niyang di ko naman sya papayagan? Agh. Hindi na naman natuloy ang plano ko dahil sa kanya.

"Ang ganda pala ng condo mo. Ang linis linis." nagpasikot sikot sya sa loob ng condo ko kaya pumunta muna ako sa cr ng kwarto ko para magshower.

Matapos kong magshower, agad akong lumabas ng cr habang soot ang headphone ko. At pagkalabas ko--

 (//.O’  ) --> Keli





 (  ~.^) --> Andi.

"Ah-/-Ano!?" :-[



Tumungo sya. >:( Mahihiya hiya sya dahil nakita niya akong nakatopless?! E bakit ba sya nandito sa kwarto ko!? :-[

"Ahehm." nakahubad ako pero ang init init. Katatapos ko lang magshower a.

"A-ano. May gusto kasi akong makilala." tiningnan ko sya. Kami lang dalwa sa kwarto. :-\

"Lumabas ka na nga sa kwarto ko!" tumalikod ako. Agad kong binuksan ang kurtina.

"Gusto kong makilala ang pamilya mo."


"Huh?--"


 :o Nasa harap ko na siya. Ang lapit niya sakin. thump thump thump. Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ang katawan mo, Andi." napatingin ako sa katawan ko. Titig na titig naman sya. :-[ Ang pula ng mukha niya.

"Nakatopless ka nga pala!" nakatingin sya sakin.

Hindi ko napansing papalapit na ng papalapit ang mukha ko sa kanya. As in nakapikit na sya at inch na lang. Pero ng makita ko na nanginginig siya, tumigil ako. :-\ Ngayon ko lang nakita na natakot siya sakin. Halik? Anong nakakatakot sa paghalik. Yah right, umiyak nga pala sya nung nag-I love you ako. >:(

"My real parents died after my birth." sabi ko matapos magmadaling magsoot ng damit at naupo na sa kama. Siya naman e biglang namula dahil sa nangyari. "Ang lola ko ang nag alaga sakin. Inampon naman ako ng Tita at Tito ko matapos mamatay ni lola. Kung anu ako ngayon, sila ang may gawa." ngumiti ako. Nakatingin lang sya.

"This is my real parents. And my Auntie and my Uncle." tiningnan niya yun.

Ang tagal niyang nakatitig. "My grandparent. Si lola, ginawa niya lahat para mapalaki ako ng maayos." tumawa ako. "Stalker ka pero yung mga pinakamahahalagang bagay hindi mo alam." hindi siya umiimik.






"Gusto ko sa susunod, dalawin natin ang puntod nila. Gusto kong makilala sila. At sana mameet ko ang Auntie at Uncle mo." (??.-- ) Sa lahat ng gf's ko, siya pa lang nakaalam ng tungkol sa family background ko.


Bakit ko ba sinabi?
HTML Comment Box is loading comments...