Hindi agad ako nakaimik.
"A magandang tanghali po!"
nagbow ako. Syet. Ito ang unang pagkakataon na ipinakilala ako ng
girlfriend ko sa mga magulang niya. Mali ito! Mali.. :-[
"Sayo din, hijo. Halika, kumain muna tayo." nauna naman sila. At nilapitan ako ni Keli.
"Don't
worry, hindi nila iniisip na boyfriend kita." tiningnan ko lang siya.
"Pero alam nila, na matagal na akong may gusto sayo." thump.thump.thump.
Bigla ko namang naramdaman ang pag iinit ng mga pisngi ko.
"Tara."
Madaming
nakahandang pagkain, parang talagang pinaghandaan. At medyo naiilang pa
ako dahil palagi akong nginingitian ng mga magulang ni Keli. Parang
lang din silang si Keli. Hindi ko matukoy kung mga fake ba ang mga
ngiting yun. At sa tuwing iniisip ko na natutuwa sila sakin, nagiguilty
ako. :-[
"Ah." bigla akong natigil sa pag inom ng tubig. Nasa balcony ako at mga bandang alas 3 na din.
"Salamat nga po pala sa tanghalian." ngumiti ako. Napapangiti ako sa mga ngiti niya. Asan na ba si Keli?
"Salamat
din. Nang dahil sayo kaya dumalaw samin si Keli." nagtaka naman ako sa
sinabi niya. "8 yrs na syang hindi tumitira dito. Dumadalaw na lang
sya."
"Bakit naman po? May problema po ba?" nginitian lang niya ako.
"May mga bagay na dapat nating tanggapin kung wala na tayong magagawa.
Si Keli, gusto ko syang maging masaya." hinawakan niya ang kamay ko.
"Sa ngayon, ikaw lang ang kukumpleto sa kasiyahan niya." bigla naman
akong kinabahan.
"Ma? Andi?" napatingin kami.
"Hija." kiniss sya ni Keli. "O sige maiwan ko na muna kayo."
Pinanood lang ni Keli ang mama niyang umalis habang ako naman e pinapanood sya.
"Mamimiss ko si mama." sabi niya.
"Bakit ba ayaw mo dito tumira." di parin sya lumilingon sakin.
"Nga
pala, Andi. Dito ka muna hanggang bukas. Di mo kasi mapapaayos ang
kotse mo dito." nagulat naman ako. Kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Hindi maaari yun!" nakangiti lang sya. Biglang pumasok sa isip ko 'to. "Pinlano mo 'to no!?"
"Waa maghahapunan na. Kaya ayaw ko sa farm e. Palagi na lang akong nabubusog." iniwan naman niya ako.
Agh.
Bakit ba di ko naisip yun? Una sa lahat. Hiningi niya na maging gf ko
sya for 30 days. Tapos aabcent sya for 2 days. Asa pa ako!? E ang
desperada ng babaeng yan. Agh.
"Ito ang magiging kwarto mo, Andi." namangha naman ako sa laki ng kwarto ko. Astig. 8)
"Punta na akong kwarto ko a."
Umalis
naman sya. Tiningnan ko ang kabuuan ng kwarto. Maganda. Kahit walang
aircon, malamig parin. Malaki din, gaya ng ineexpect mo sa kwarto ng
mayaman. Kung ganito pala kaganda dito, e bakit ayaw tumira ni Keli
dito ???
Hanggang sa di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
5th day
"Goodmorning
Andi!" nagulat naman ako kay Keli na nasa kama ko at sobra pa ang lapit
sakin. "Kain na!" inabot niya sakin ang breakfast.
"Thank you." sabi ko sabay takip ng bibig. Shet namumula pa ata ako! :-[
Tapos nakangiti pa sya. "Wag mo nga akong tingnan ng ganyan! >:("
"O
sige. Pagkatapos mo dyan, mag-ayos ka. May pupuntahan tayo para di ka
mainip. Maghihintay ako sa baba." tiningnan ko lang sya.
Napaisip naman ako dun sa sinabi niya ??? Sabi niya may pupuntahan kami? E saan naman kaya yun?
Matapos
ko ngang kumain, agad akong pumuntang banyo para magsipilyo. Paglabas
ko naman, may dalwang maid na sa kwarto ko. Yung isa para iligpit ang
tray at pinagkainan ko. At yung isa ang may dala ng mga kakailanganin
ko. Personal belongings at mga damit pang alis. ??? Parang..
pinaghandaan talaga.
Pagbaba ko naman ng hagdan, parang
naman akong isang prinsesa na inaabangan ng mapapangasawa ko at ng mga
magulang nito. Napakamot ako ng batok sa naisip ko. Nakangiti silang
lahat sakin. Ang bading pati nung iniisip ko.. (T.T )
"Ahm, Keli, Saan ba talaga tayo pupun--"
"Pangako
po, iingatan ko ang sarili ko!" medyo nagulat ako sa biglaang paglink
niya sa braso ko. "..lalo na't kasama ko naman po si Andi." naramdaman
ko naman ang biglang pagtibok ng puso ko dahil sa mga malalagkit niyang
tingin.
"Sige po, mauna na po kami! Tara na, Andi." narinig ko pang tumawa si Keli.
Habang
may hinahanap siya ay malalim naman ang iniisip ko tungkol sa mga
nangyayari. May di talaga ako naiintindihan e. Tumitibok ng mabilis ang
puso ko na ang weird. Namumula ako kahit ilang beses na naman akong
nakipagtitigan sa iba't ibang babae. Isa na lang.. :-/ at iisipin ko ng
nahuhulog na talaga ako sa kanya.
"Dito tayo sasakay a! :)" mabuti na lang at di pa nararamdaman sa kanya yun.
"Waa!
Ang hangin!" baliw na talaga ang babaeng to. Ang bilis ko na ngang
magpatakbo pero di man lang sya natatakot. At natutuwa pa kamo! Tss..
"Ang saya, Andi!" medyo napahigpit ang yakap niya sakin kaya medyo hininaan ko ang pagpapatakbo ng bike. "Bakit?"
Nakaupo siya sa likod ko at nakayakap sakin. Biglang tumahimik ang paligid.
"Dinala
mo ba talaga ako dito para maipakilala sa mga magulang mo?" hindi agad
sya sumagot. Tapos.. lumuluwag pa ang pagkakayakap niya sakin. Nailang
ata sya sa tanong ko.
"Galit ka ba?" katahimikan.
Napatingin
ako sa paligid, nasa tabi kami ng sapa. Sabi niya diretsuhin ko lang
ang daan, at pagmay nakita daw akong puno ng acasia, saka daw ako
tumigil.
"Gustong gusto ko ang lugar na'to. Madami akong
nakaraan dito. Nakaraan na ang sarap balikan. Masaya ako kahit malimit
akong mag-isa. Magbike, mangisda, manghuli ng mga alitaptap.. lahat ng
yun hindi na pwedeng balikan."
"Bakit naman?" tanong ko ng walang kasiguraduhan kung gusto ko nga ba ng dahilan.
Yung lugar kasi..
"Madami kasing nangyari, dahil din dito kaya nasira ang paniniwala ko."
Di ko masyadong narinig ang sinabi niya, basta bigla na lang akong tumigil. Tulala ako sa puno ng acasia..
"I think we're here.." nakatingin parin ako sa punong yun habang bumaba ng bike. Pati si Keli nakatayo na..
"Madami
tayong alaala sa buhay, minsan gusto na nating kalimutan na lamang ang
mga 'to kesa ang masaktan, pero.. minsan gusto din nating bumalik. Dahil
hindi maitatanggi.. dahil sa alaalang yun.. nabuo kung sino ka ngayon." napatingin ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sakin pero para bang para sakin ang mga salitang binitawan niya.
"Ang punong yan..
maganda parin hanggang ngayon." parang hindi naman yun ang gusto niyang sabihin.
"Naghihintay na sila satin." ngumingiti na naman siya.
Habang naglalakad lakad kami, unti unti namang naiiba ang daan. Dumadami ang tao at..
"Nasa
bayan na tayo!" nakangiti siya. "Kaya mamimili muna tayo." kinindatan
pa niya ako. Mamaya pa e kinuha niya sakin ang bike at may dumating pang
van.
"Hi, Keli!" napalingon naman ako. At :o
"Namiss
kita ate Nea!" ang babaeng nasa harap ko. :o "Ah. Andi, meet Nea De
Guzman, ang pinsan ko." Siya!? Siya ang Student Pres. nung highschool
ako. Sabi na! Ang lugar na'to..
dito ako lumaki!







