Day 4
'..hayaan mo lang akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo.'
"Waaaa!" hingal na hingal ako pagkagising ko. Napahawak ako sa buhok ko.
Syet! Napanaginipan ko yung babaeng yun. Agh. 7 na pala. Kaya bumangon na ako at naghanda para pumasok.
At pagkalabas ko ng condo, agad ko ding pinaandar ang kotse ko para umalis na.
BEEEPPPP!!!
"Anu ba." asar talaga. Sino bang baliw ang bigla bigla na lang manghahara ng sasakyan?!
At pagkatingin ko..
"ANDI!!!" :o pumunta sya sa left ko at binuksan ang pinto ng pasenger’s seat. Pumasok sya.
"Anong ginagawa mo? Wag mong sabihing sasama ka sakin paschool." umiling sya sabay ngiti.
"Diba
sabi ko sayo gusto kitang makita. Kaya heto, pero.. mukhang mawawala
ako for 2 days. Kaya please, ihatid mo muna ako sa bahay namin! Bago..
tayo magkalayo.." papuppy eyes pa! >:( wrong timing talaga ang
babaeng to.
"Oo na! Tss.. Hmm. 2 days a? Hehe. Pwede yun! Saan ba?" gaya ko, nakangiti rin sya. Baliw nga talaga.
Habang nasa byahe kami. Di ko napansing late na ako ng 1 hr. Pero di ako nag-alala dahil 2 days namang mawawala ang babaeng to.
"Andi!
Nagdala nga pala ako ng makakain. Heto oh!?" di ko sya pinansin. "Andi,
inom ka nitong lemon juice na ginawa ko. Gawa ko talaga!" inuga uga
niya ang braso ko. Ang kulit talaga!
"O sige na. O sige na!" ngiting ngiti naman sya. At pagkatikim ko, nasarapan naman ako. ::)
"Masarap nga." ibabalik ko na sa kanya nang sinubuan niya ako ng.."Waa ang hang-hang!"
"Inom! Inom!" dinamihan ko naman pag-inom nung lemon juice niya. At infernes. Masarap talaga.
"Agh. Anu ba yung pinakain mo sakin?"
"Masarap naman diba? Parang pizza." tumango ako at uminom uli ng juice.
Di
ko naman ineexpect na sa kalagitnaan ng byahe bigla akong nakaramdam ng
pag-pee. Syet wrong timing. Ayoko namang umihi kung saan kasi aso lang
ang gumagawa nun. Pero ihing ihi na talaga ako. 3 bottles pala ng juice
na yun ang nainom ko. Maiihi talaga ako. Xet!
"Malayo pa ba tayo?" nakakaloko talaga ang babaeng to. Nakangiti kasi syang humarap sakin.
"Huh? Bakit ba?" ayoko namang sabihin sa kanya na naiihi ako. :-[
"Don't
tell me, you need to pee!" muntik ko namang mapreno ang sasakyan.
"Haha! Kasi naman, 3 bote ang nainom mo! Gusto mo pa?" nainis naman ako.
"I can't take it!" nipreno ko naman ang sasakyan at agad akong lumabas.
Kahit na masamang tingnan, ginawa ko parin. Since.. Wala namang tao ??? As in wala talagang tao. Parang nasa looban kami a?
"Huy! Nasaan na ba ang inyo? Ang pangit na ng view dito e!" kinuha ko yung alcohol sa bag ko at siyang niligo sa kamay ko.
"Malapit na!" ngiting ngiti sya. ??? Tiningnan ko ang oras, 2 hrs na ang nakakalipas.
Ni-start ko ang engine. Pero..
"Sandali lang a." lumabas ako ng kotse. At.. :o
"Flat ang gulong ng kotse ko!!" agad na lumabas si Keli.
"Hala. Anong nangyari!?" ngiting ngiti niyang sabi sakin. ??? Ang babaeng to, painosente!
"Aayusin ko na lang." pinigilan naman niya ako.
"Malapit na dito ang amin. Tara lakarin na lang natin!" tiningnan ko lang sya. Bakit ba ang saya saya niya ???
Naglakad
nga kami. Iniwan ko na yung sasakyan ko since sabi niya, wala daw
talagang napunta sa lugar na'to. At habang naglalakad lakad kami
napansin kong paganda ng paganda ang kapaligiran. Hanggang sa..
nakarating din kami..
"Hi, Ma'am!"
"Hello manong. Nga pala si Andi." tinaas ko naman ang kilay ko.
"Ahehm. So siya pala yun. Gwapo siya." napatawa si Keli. Ngumiti sya sakin. Ako naman.. No Reaction.
Maya maya, pumasok na kami. At.. Isang mansion ang bumungad samin. Nagulat ako. Parang wala kami sa probinsya.
"Tara. Pumasok na tayo, Andi." gulat parin ako sa mga nangyayari. So mayaman pala ang angkan nila. Hindi ko inexpect.
"Andi, please meet my parents." nakangiti sila sakin. Habang tumitibok ng mabilis ang puso ko.







