Day 3
103 new messages
Dinelete ko lahat
yun. Nang bigla kong maalala si Keli. Bumangon ako ng kama at napaisip
ako kung bakit hindi pa niya ako tinetext. ??? Ito ang unang pagkakataon
na nagkagirlfriend ako ng hindi man lang nagpaparamdam ang gf ko sa
text. Kalimitan kasi gusto nilang 24-7 na may connection sakin. ???
Ibang
klase. Ang boring pala pagganito. Pero bakit ba ako tamad na tamad
makipagflirt. Pero di rin ibig sabihin nito e tumigil na ako. 8) Wala pa
lang talaga akong makitang interesting. Humiga na lang ulit ako.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang..
ring.. ring..
Sinagot ko ang phone ko.
"Hello?"
"ANDIIIIII~" napalayo ko ang phone sa sobrang lakas ng boses ng nagsalita sa phone.
"Sino to?" narinig ko pa na tumatawa sya ?
"Kahit sa phone ang pogi pogi ng boses mo! I love you, Andi!" medyo nairita ako. E gago ata tong nasa phone e.
"Huy bakla! Wala akong oras makipaglokohan sayo. Bahala ka--"
"Pero
girlfriend mo ako." mahinahon niyang sinabi. Sa sobra kong inis, muntik
ko pa syang masigawan. Mabuti na lang at bigla akong may naalala.
"Paano mo nalaman ang number ko?" bigla akong kinabahan. Ay antanga! Bakit nagtanong pa ako..
"Kung yung ngang mga bagay na hindi alam ng ibang tao e alam ko, panu pa kaya yung alam ng lahat." kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya.
"Nasaan ka ba?" narinig ko pa na tumawa sya. ??? Nang- aasar ata to e. >:(
"Pasensya
ka na huh. Di kasi kita mapupuntahan ngayon kaya tumawag na lang ako.
Kahit na ayaw talaga kitang tawagan." medyo nainis ako sa sinabi niya. "Gusto ko kasing mas nakikita kita." naiinis parin ako. Ewan ko ba. Parang kasing may mali sa sinabi niya na nakakatapak ng pride.
"Andi.." parang nakakaramdam ako ng pagkirot saking puso.
"Saka ka na lang ulit tumawag. Matutulog kasi ako dapat." may sinabi sya pero agad kong ni-end ang call.
Nahiga
at pinikit ko ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso
ko. At naiinis ako. Pinatong ko ang braso ko sa noo ko at nagmulat ng
mata. Paulit ulit sa utak ko ang mga sinabi at ginawa ni Keli. Nakakaiba
sya. Aaminin ko, sya pa lang ang kauna unahang babae na gumawa ng mga
bagay na yun sakin. Kaya hindi ko malaman kung nagpapanggap ba siya gaya
ng ginawa ni Chelsea o baka.. masyado lang siyang patay na patay sakin
gaya ni Sab. Haha kapal ko talaga! Pero.. wala talaga akong ideya.. :(
Hindi ko siya mabasa..
Natatakot ako. Naaalala ko lang ang
mga ginawa ko sa una kong nagging girlfriend. Alam kong mahal niya
ako.. dahil nagbago ako. Naging ganito ako.. nagtatago bilang ako
ngayon. Walang sinong magmamahal sa tunay na Anthony Dee, kahit.. ang
gaya ni Keli..
“Hi Andi!” hinalikan ako ni Loraine sa lips. Smack lang. wala naman si Trisha. “Let’s go there! Nandun si Danson.” ngumiti ako.
Pagdating ko naman dun, nakita ko si Danson na tinuturuang magbilliard ang bago niyang gf. Tss.. chansing lang e!
“Hi Andi!” may dalwang babaeng lumik sa braso ko.
“This is Elin and Trix. Enjoy them, but let me borrow your phone first.” Binigay ko naman kay Loraine yung phone ko.
Iniwan
namin si Loraine at naupo kami sa sofa. tinawag ako ni Loraine pero di
ko siya napansin. Masyadong maingay kaya dun sa dalwang babae na lang
ako nagfocus. Nagkwento sila tungkol sa mga sarili nila. At kung gaano
nila kakilala si Andi Rivas. Ang mga babae talaga.. tsk. Uminom lang ako
ng uminom habang nakikipagflirt sa kanila. Hanggang sa hindi ko na
napansin na maggagabi na.
“Agh. Mukhang malalasing pa ata ako.” Sinarado ko ang pinto ng kotse ko at sinimulang paandarin ito.
Pagdating
ko sa condo ko. Agad akong dumiretso sa kama ko. 10 na pala. Hinubad ko
ang jacket ko at.. ??? Nalaglag ang phone. Hihiga na sana ako nang..
'Nag-enjoy ka ba ngayon, Andi?' napindot ko ang phone ko at bigla na lang nagsalita to.
'Sana oo. Masaya naman ako at nag-eenjoy ka. But please, fling lang
huh. Please! Just for 30 days. Ako lang muna. Naka2days naman na tayo
e. Please..' may narinig akong humikbi. Umiiyak siya. Kahit na
gusto ko ng matulog, gising na gising naman yung puso ko dahil sa mga
naririnig ko ngayon..
'Tawag ako ng tawag sayo.
Alam ko kasi, hanggang 5 hrs lang ang tulog mo. Kaya kanina pang 2:00
kita tinatawagan. Pero pagdating ng 4, iba ang sumagot. Babae? *sob*
Alam ko naman na playboy ka. At chikboy.. but I still like you. Hindi
ako susuko.. I don't expect you to love me, just look at me and it's
enough. I love you, bukas nga pala. Pang 4 na araw na natin. Gusto na
kitang makita.' narinig ko pa na nagpigil syang humikbi bago niya iend ang call.
Nakarecord?
Pero.. bakit? Paano niya nalaman na may kasama akong mga babae? At 5
hrs. She's right. Hanggang dun lang ang tulog ko sa araw. Shet!
Ring.. Ring.. Ring..
10:30pm na. 1hr at 30 mins. pa bago mag4th day.
"h-Hello." may kumalampag.
"Miss, are you okay!?" biglang may kumalampag ulit.
"Ah a-Andi, ikaw ba yan?" kabado niyang sabi.
"Ano yun? Nasaktan ka ba?"
"Ah.
Hindi. Ano kasi.. tumakas lang ako. Masyado na kasing gabi. Tulog na
lahat." mahinahon niyang sinabi. Bakit naman kasi ako nag-aalala.
"Narinig ko yung message mo. Nasaktan ba kita? Alam mo kasi, walang patutunguhan ang--"
"Okay lang naman e. Basta fling lang huh." medyo nadisappoint ako sa sinabi niya.
"Oo nga naman, bakit ko ba iniisip na masasaktan ka. E gaya ka lang naman ng--"
"Masakit."
agad niyang sabi. "Umiyak ako, Andi. Kasi nasaktan ako. Pero kaya kong
magtiis, kasi ginusto ko 'to. Atsaka.. kailangan kong tapusin ang 30
days. Kahit 30 days, Andi. Kahit hindi mo ako magawang mahalin, hayaan
mo lang akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo." biglang
kumirot ang puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. :-[
"Oo na!" inend ko ang call. At talagang ang lakas ng kabog ng puso ko. SYET!
Ano na naman bang problema!?







