Hindi na naman ako makatulog. Bumangon ako sa kama at tiningnan ang
mga messages sa cellphone ko. Rereplayan ko sana pero.. nawalan na naman
ako ng gana.
Humiga ulit ako at pumikit. Pero yung mga
mukhang yun na naman ang nakikita ko. Agad naman akong bumangon. Agh!
Hindi ko talaga maintindihan yung babaeng yun. Umiyak siya kahit ginawa
ko naman yung gusto niya. Masaya ba siya!? Pero bakit bigla bigla na
lang siyang umaalis! Agggh! Kapal talaga! >:(
Day 2:
Maaga
ang uwian namin ngayon kaya pagkadismissal namin, hindi ko tuloy alam
kung saan ako pupunta. Tinatamad naman akong sumama sa mga nagtetext
sakin. Ang dami kong pwedeng puntahan pero tamad na tamad talaga ako..
sigh.
“Hi Andi!” may lumapit sakin. “Diba wala ka ng
klase? Gusto mo bang..” hindi ko siya pinakikinggan. Basta tingin lang
ako ng tingin sa paligid.. at—
“ah Andi?” pumunta naman ako dun.
“Uhm ano kasi.. may hinihintay ako.”
“Sige na bigay mo na ang phone number mo!” may nakita akong dalwang lalaking kinukulit naman yung babaeng yun.
“Anong nangyayari?” sabi ko naman pagkalapit na pagkalapit ko sa kanila. Napatingin naman sila sakin. Pati siya..
“a-Andi Rivas!? Tss.” Umalis din naman agad sila.
Tiningnan ko siya.
“Nandito ka na naman.” Ngumiti siya. Mas maganda talaga siya pag ngumingiti.
“Dismissal
niyo na diba? Gusto ko sanang sumama sayo.” Ngumiti siya at nagpeace
sign. “Be close to your boyfriend.” Kinagat niya ang labi niya habang
ngumingiti.
“Psh. Wala ako sa mood makipagdate—“
“Hindi naman date e. sasama lang ako sayo.” Tumingin ako sa kanya.
“E kung sabihin ko sayo na gusto kong matulog—“ nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sakin at lumink sa braso ko.
Hinila
naman na niya ako. At pumunta kami sa pinakamalapit na fast food chain.
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakaupo kaming parehas. Ngiting
ngiti siya na parang wala ng bukas. Ang saya niyang tingnan. :||
“Waah.” Kagat kagat niya hintuturo niya habang ngumingiti at tumitingin sa mga pagkain. Parang bata!
“Here’s your order ma’am.”
“Wah
ang sarap ng fries! Kumain ka Andi!” kumuha naman ako ng burger at
kumagat. ?? Ang dami niyang inorder. Mukhang gutom na gutom siya a.
“Heto oh juice!” inabot ko naman sa kanya.
“Ihihm. Pasensya na a. hindi kasi ako nakakain. Nagmadali ako para makita ka.” Ngumiti siya sabay subo ng pasta.
“Heto
oh.”inabot niya sakin yung tinidor niyang may nakapalupot na pasta.
Gusto niya sigurong kainin ko yun >:( Pero in the end.. kinain ko pa
rin.
Pagkatapos naming kumain dun. Naglakad lakad kami.
Yung mga ginawa namin, nagawa ko na rin sa iba sa mga naging girlfriends
ko kaya natural na sakin yun. Pero pinagtataka ko.. parang natural lang
din sa kanya ang lahat. Kung anong pagkakakilala ko sa kanya, siya pa
rin yun hanggang ngayon. Ang masayahin nya na—Sandali!
“Hoy babae wala ka bang balak magpakilala sakin!”
Biglang siyang tumigil at humarap sakin. Nakangiti sya.
"Keli ang pangalan ko." wala akong nireact.
Naglakad
lang ako at sinundan sya. Lakad lang sya ng lakad. Mukha naman syang
nag eenjoy. Tinitigan ko sya sa likod. Ang laki nga ng pinagbago niya.
Ulo hanggang paa. Dati rati iba pa sya manamit. Yung tipong aayawan mo
agad. Tapos yung buhok niya na maikli, pinahaba niya. Nagbago siya dahil
sabi ko ayoko sa mga pangit. Pero hindi naman talaga niya kailangang
magbago. Nagtataka ako kung bakit pinili parin niya akong maging
boyfriend kahit alam niyang manloloko ako at walang sineseryoso.
..pinili parin niya ako kahit alam naman niya ang masasama kong gawain.
"Andi, dito tayo!" hinila niya ang kamay ko. Medyo dumadami narin ang mga taong sumasakay sa mrt.
Napatingin
ako sa kanya, hindi naman siya ganong kalapit sakin. Hanggang sa nadala
na siya ng ibang tao papalayo sakin. Nung una nagwalang pake ako. Pero
nung napatingin ako sa kanya.. ??? Takot na takot ang expression ng
mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang
akong nakipagsiksikan at lumapit sa kanya. Hinila ko pa sya papalapit
sakin. :-[ Kinabahan ako sa ginawa ko, dahil masyado syang nakatitig
sakin. Titig na titig sya habang namumula mula ang pisngi niya. Ang cute
niya. Di tuloy ako makatingin sa kanya.
"Ahehm. Baka matunaw ako." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya. :-[
nang...
"Uy! Anu ba! Madaming tao di--"
"So close talaga Andi!" ngiting ngiti sya. :-[
Nang maalala ko na sobrang sikip pala. Kaya wala ding nakapansing nakayakap si Keli sakin.







