“p-Paano mo nalaman ang bahay ko?” ang bilis ng tibok ng puso ko. Lalo na nung papalapit siya.
“Salamat sa pagligtas sakin kanina.” Naalala ko na naman ang nangyari .
“Pati
ba naman pangingialam sa buhay ko, ginagawa mo.” Inayos ko naman si
Terry. Ang likot niya kasi. :o Nagulat na lang ako ng biglang lumapit
si Terry sa babaeng yun. “Hoy! Lumayo ka! Kundi kakagatin—“ pinagmasdan
ko naman silang dalwa. Si Terry, bigla siyang nagbehave.
Pero.. ayaw niya sa mga babae?
“Ahh namiss kita!” niyakap niya si Terry. Kaya agad akong lumapit sa kanila at tinulak siya.
“Arf. Arf.” Medyo napalakas ata ang pagkakatulak ko sa kanya. Napaupo kasi siya,
“Pati ba naman ang aso ko, yayakapin mo din ng walang permiso!” aalis na sana ako. “Salamat nga pala. Kung hindi dahil sayo—“
“Hindi ako tumatanggap ng pasasalamat!” tiningnan ko siya. Nakahanda ang mga palad niya animo’y may hinihingi.
“May condition ako, please.”
“Ano ka ba talaga!?” napasigaw ako sa sobrang inis.
“Be
my boyfriend in 30 days. I’m asking you, just only for 30 days. Andi, I
need you.” Nagtiteary eyes na siya,. Tumitibok ng mabilis ang puso ko.
:(
“30 Days!? Ano ako hilo!!!?” tumalikod naman ako at
naglakad palayo. Kapal kasi talaga, at siya pa itong may ganang mamili
ng araw. Paano kung magsawa ako! Kapal.. grr~
“30 days lang ang hinihingi ko. Andi, please.. nauubos na ang araw ko.” Narinig ko pa na mas lalo siyang naiyak.
Kahit
pa ang likot likot ni Terry, pinilit ko pa rin siyang hilahin. Thump..
thump.. Agh! Nakokonsensya ang puso ko. Pero bakit naman kasi may mga
ganong tao. Kailangan pa ba talagang magmakaawa sila para mahalin din
sila ng ibang tao? Diba.. ang pag-ibig dumadating sa tamang araw. Pero..
bakit ako!? At first, ayoko ng relationship. Lalo na if it takes more
than 2 weeks..
“ARF! ARF!” nabitawan ko naman si Terry.
“TER—“ (0.O ) Yung babae!!!
BEEEEEPP!!!
“Ah!” agad akong tumakbo at.. hinila siya! Kaya napayakap na ako sa kanya at parehas kaming napahiga sa sahig.
“Arf! Arf!”
“Aray..”
“a-Andi..” pagmulat ko ng mata ko.
“WAAA~” ngumiti lang siya. :|
Agh! Bakit nasa ibabaw ko ang babaeng ito!?
“Umalis ka nga dyan!” sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
“Sabihin
mo muna na boyfriend na kita!” agh! Na naman! >:( “Sige na Andi.
Sige na..” papalapit siya ng papalapit sa mukha ko.. :o
“OO NA! BOYFRIEND MO NA AKO!!!” ewan ko ba! Pero bigla siyang namula at tumawa. Ang saya saya niyang tingnan.. (//.T )
“Yehey!” agh.. kailan pa ako natakot mahalikan ng babae?
Nung
gabing yun, hindi talaga ako nakatulog. Buong gabi ako nakadilat na
para bang hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Lahat ng yun,
first time kong maramdaman.First time na nangyari. Parang natatakot ako
sa pwedeng mangyari. Nagkagirlfriend ako ng isang stalker..
“Aray.. ang sakit ng ulo ko.” Pinukpok pukpok ko pa yung ulo ko.
“Ano ba talagang nangyari?”
“Mahabang storya. Tinatamad tuloy akong umattend ng klase.” Yawn..
“Andi..” tumingin ako kay Darryl at sa tinitingnan niya.
Si Sab?
Pumunta kami ni Sab sa lugar na pwedeng kami lang dalawa yung tao. Agad din naman siyang nagsalita pagkatapos.
“I just want to give it back to you.” Yung bracelet. Agad ko namang kinuha at nilagay sa bulsa ko.
Aalis na sana ako.
“Andi.. can you do me a favor?” tiningnan ko naman siya.
“Sab,
kahit na kelan hindi ka naging special sakin. Don’t ask me a favor as
if I treated you as one.” Umalis na ako at narinig ko pa siyang umiyak.
:(
Sa totoo lang, nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko.
Ayoko naman talagang gawin ‘to sa kanya. Ayokong makasakit. Pero masyado
na akong nasanay. Nagsasawa din ako, pero wala akong magawa. Ito ang
Andi na nakilala ng lahat.. :(
”Bad!” may nagpoke sa pisngi ko.
Hayy.. nandito na naman siya.
“Ikaw ba ay walang pasok? O lagi ka lang nagkacutting para sakin?” may bigla siyang inabot.
“Hindi ako nag-aaral.” At pagtingin ko sa inabot niya.. ?? Isang lunchbox.
“At talagang tinamad ka ng mag-aral para sakin—“
“Andi, please ask me to be your official girlfriend. Gusto kong maging
memorable ang mga araw ko na kasama ka. It’s only for.. 30 days.” Ayy!
Kaya pala nagbigay ng lunchbox >:(
Bigla namang tumunog yung bell.
“Nakuu time na. sige na paalam.” Tumalikod naman ako para umalis.
Kaso
pilit na tinutulak ng puso ko naintindihin ang mga kahilingan niya.
Bakit ganon.. sa tuwing nirereject ko siya.. bumibigat yung pakiramdam
ko..
“Pag-iisipan ko!” tumigil ako but still nakatalikod
parin sa kanya. “ This is the first day of 30 days contract.
Girlfriend?” nilingon ko siya with blank expression. Napansin ko pa ang
pamumula ng mga pisngi niya. Kaya umalis din ako..
Habang
kinakain ko yung home made lunch box na binigay niya, na aaminin ko ay
masarap, sobrang sarap talaga. Pero hindi pa rin ako mapakali.. agh! Ang
babaeng yun sakit sa ulo talaga! Di man lang ngumiti nung tawagin ko
siyang girlfriend! Magpasalamat nga siya na pumatol ako sa kanya kahit
hindi ko naman talaga siya type.! PSH!
Di naman kaya.. gusto niya talaga na magpropose ako sa kanya?? Agh!! Sumosobra naman na ata siya! >:(
“Hoy
Andi! Kung ayaw mo ng kainin yan. Ibigay mo na lang sakin! Mukhang
masarap e. Galing sa isa sa mga chiks mo na naman?” aakmang kunin naman
ni Kevin ang lunch ko.
“Tumigil ka nga!” sumubo uli ako.
“Ano bang problema, Andi?” tanong naman sakin ni Albie.
“May bago akong girlfriend. Pero masyadong paplease. Mas good girl pa kay Sab!” inakbayan naman ako ni Kevin.
“Just do what you always do. Just play and have fun.” Sabi niya sabay subo ng beef sa lunch ko. Gago! Haha
Kaya naman may naisip na ako. Tama si Kevin. Yung bracelet. Lahat naman ng babae natutuwa pagnakakatanggap ng regalo.
“Dumating ka Andi!!” nakangiti siya.
Lumapit ako sa kanya at nag-‘I love you’ sa mga tenga niya. Medyo nashock siya.
“Can you be my girlfriend?” kinuha ko ang kamay niya at sinoot dito yung bracelet.
Matagal
siyang sumagot. Kahit ganon sumagot pa rin siya gaya ng inaasahan ko.
“Yes.. Andi.” THUMP! Narinig ko naman yung hearbeat ko. I see.. she
faked it.
Mas lalo namang nasaktan yung puso ko nung makita ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
Agh hindi ko na talaga alam ang gagawin sa babaeng ito.. :((







