1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 15. Real Facts


"Hindi ka ba nagsasawa dyan sa pinaggagagawa mo, Andi?" natigil kami nila Kevin sa paglalaro ng psp.

"Naglalaro lang ng tekken, minasama mo pa!" nagpatuloy na uli kami.

"Wag kang mag-alala, Daryl. Papasok tong si Andi. Hindi pwedeng hindi!" sabat pa ni Kevin.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Yung tungkol sa pambababae mo."

"Waaaa! Talo ako! Nasaan ba si Danson?" inabot ko naman kay Albie ang psp. "Yung tungkol dun. Diba napag-usapan na natin ang tungkol dito, Darryl.” ngumiti ako.

"Ah Andi, si Danson, umattend sya ng klase gawa nung bagong chiks." tinaasan ako ng kilay ni Albie. Tumawa naman ako. Si Danson talaga.

"Si Sab. Hindi daw sya pumasok." bigla ko namang naalala ang mga nangyari.

"Sige. Alis na ako. Maya na lang uli." iniwasan ko ang sinabi ni Daryl. Kasi naman, tuwing naaalala ko si Sab. Naaalala ko yung mahinang ako dati.




Ang pag-ibig, oras na seryosohin mo. Masasaktan ka lang.


Naglakad lakad ako. Hindi na ako umattend ng klase. Mamaya maya. May narinig akong nag-aaway dun sa room na medyo malapit sakin. May kumalampag. Lalapit na sana ako ng may dalwang babae na lumabas ???

"Ah. a-Andi!!" sabay nilang sabi. Nakita ko pang nilock nung isa yung pinto. Under construction pa yung room a.

"Anong meron?"

"w-Wala! May nag-utos lang samin na gumawa ng maliit na pabor.



Tara kumain naman tayo!" lumink sila sa magkabilang braso ko.

Kahit nacurious ako kung ano ba talagang meron. Wala din akong nagawa dahil sa kapit nung isa. Lumalapat na yung braso ko sa dibdib niya ng hindi man lang niya napapansin.


Kumain nga kami sa canteen. Sagot nila ang pagkain ko. At masaya din naman silang kasama. Mga Junior narin pala silang kagaya ko, at parehas silang BSBA ang course. Tawa ako ng tawa sa kwento nila. Hanggang sa 2 klase na pala ang hindi ko naattendan.

"Tss. Ibang klase." sabi ko habang tinitingnan ang number nung dalwang yun. Kasalukuyang papunta ako sa klase ko. Nang mapansin ko, na may sugat pala ako. ???

Pumunta akong infirmary. Pagtingin ko dun sa salamin ng pinto, nakita kong may babae. May kausap sa phone. Aalis na sana ako dahil ayokong makaabala-- pero.. nung balikan ko at tingnan kung sino ang babaeng yun.

"Chelsea?"


Binuksan ko ang pinto ng konti lang, para.. marinig ang mga pinag uusapan nila.

"Oo. Buti na lang talaga ligtas itong flash drive ko. Kundi, mawawalan ako ng evidence." tumawa naman sya. "Baliw kasi talaga ang babaeng yun. Alam mo yun, kahit sinabi ko na kung gaano kasama ang Andi Rivas na yun, sinira parin niya ang laptop ko!" tungkol sakin >:( Sinabi na e, may masama syang binabalak sakin.

"Kailangang makita ng lahat ang mga video ng Andi na yun with different girls. Hindi naman talaga sya friendly at playboy lang. He's a USER! A fake! Dapat sa kanya, sinisira. " sa sobra kong inis. Pumasok na ako sa loob.

"No way! Simula ng magbago sya at manggamit ng mga babae, hindi ko na sya nagustuhan. Nandidiri ako sa kanya! Masyado syang FAKE-- Ah!"




"E ano naman." agad naman syang lumingon. Gulat na gulat at nanginginig pa.







"Andi.."
HTML Comment Box is loading comments...