NAVIGATION
Chapter 14. Tears
"Sab." sabi ko. Lumayo naman ako kay Chelsea.
"Stop all of this. Ang sakit sakit na, Andi.." umiiyak sya. Bakit naman kasi nandito sya?
Tumingin ako kay Chelsea. Sigurado ako na may kinalaman sya. Biglang tumakbo si Sab. Sinundan ko naman sya. At hinayaan lang ako ni Chelsea. Tama ako, sya ang may pakana nito. Matalino talaga sya.
"Sab! Open this!" sigaw ko sa labas ng kotse niya. Pero agad din naman nyang napatakbo ang kotse.
Kaya agad akong pumunta sa kotse ko at sinundan sya. Kaso, agad din naman syang nawala sa paningin ko. Kaya pumunta na lang ako sa bahay nila.
Pagdating ko dun, bukas ang gate at ang pinto. Agad akong pumasok. Sinarado ko ang gate. Sa bahay nila. Pero wala sya sa salas. Pumunta akong kwarto. Lock?
"Sab! Sab! Nandito na ako! Sab, si Andi to! Buksan mo to! Sabrina!"
"Bakit Andi!" bigla akong natahimik. Naririnig ko ang pag-iyak ni Sab.
"Hindi mo ba ako kayang mahalin? Hindi ba pwedeng sakin mo na lang gawin ang mga ginagawa mo kay Chelsea." naramdaman ko naman na nasa may pinto na sya.
"Just open this door." sabi ko ng mahinahon.
Narinig ko naman ang pagpigil niya sa pag iyak.
"Sab.." unti unti niyang binuksan ang pinto.
Umiiyak talaga sya. Pero maganda parin sya.
Nagulat naman ako ng higitin niya bigla ang collar ko at halikan ako. :o Hindi agad ako nakagalaw sa mga halik niya. Pero nung maramdaman ko na mali yung ginagawa niya, agad ko syang nilayo.
"*sob* Just let me do this Andi." lumapit uli sya.
"No!" nilayo ko naman sya.
Tapos bigla syang umiyak. "Diba sinabi ko na sayo. Break na tayo. Itigil mo na'to Sab. Alam ko sa simula palang alam mo na na hindi ako nagseseryoso. Pero bakit hinayaan mong mahulog ang sarili mo sakin.
Hindi ako ang may kasalanan. Sab, be okay. Kalimutan mo na lahat."
Sa pag-alis ko, narinig ko pa na umiyak talaga sya. Nasaktan ko talaga si Sab.
HTML Comment Box is loading comments...







