NAVIGATION
Chapter 12. Bad Intention
"Chelsea?" tinawag ko sya nang bigla naman syang napaupo.
"Aray!" agad naman akong lumapit kay Chelsea.
"Chelsea! Okay ka lang!" hawak niya ang paa niya.
"Ikaw pala, Andi. Kasi..
kasi yang babaeng yan!" tinuro niya yung babae sa harap namin. :o Nagulat naman ako nang muli syang makita. >:( Nandito na naman sya sa school ko.
Inalalayan ko naman sya sa pagtayo.
"Andi.." sabi niya ng malumanay.
"Iwan na natin sya Andi." hinigit ni Chelsea ang kamay ko. Pero.. hinigit din ng babaeng yun ang damit ko.
Napatigil ako.
"Wag. Wag kang sumama sa kanya, may masama syang binabalak sayo." ??? Di ko talaga sya maintindihan.
"Tinulak mo na nga ako, tapos ako pa ang may masamang ginagawa!" umiling lang yung babaeng yun. Hindi ko sya mabasa. "Let's go." nagulat naman ako ng higitin niya ang bag ni Chelsea.
"Anu ba!!!" napahiyaw si Chelsea sa sobrang galit. At pati ako naiinis na.
Kaya tinulak ko sya. "Bakit ka ba nanggugulo!? Tigilan mo na nga ang kasusunod sakin!" hindi ako naiinis dahil ginaganito niya si Chelsea. Naiinis ako dahil palagi na niya akong ginugulo at pati na ang mga ginagawa ko.Tutulungan ko na sanang limutin ang mga gamit ni Chelsea pero agad niyang nalimot lahat. Kaasar talaga yung stranger na yun.
Pumunta kami sa pinakamalapit na cafe at dun nag usap. Nagsori sya.
"Sabi mo sinusundan ka niya? Hayy.. kaya siguro niya ako sinisiraan sayo. Gusto ka niya no." malungkot ang mukha ni Chelsea.
"Don't worry. Hindi ko siya type." tumingin sakin si Chelsea.
"Hindi ko naman hinihiling na wag mo silang patulan. Alam kong mabait ka talaga sa mga babae. Pero.. nagiging makasarili na ako Andi. Gusto ko kasi na sa akin ka lang." nagkatitigan kami. Hanggang sa halikan niya ako.
Mamaya maya. Uwian na. Nakasalubong ko naman si Darryl.
"Umiiyak si Sab. Puntahan mo sya." yan lang ang sinabi niya tapos umalis na agad sya.
Dahil utos ng kaibigan, wala din akong nagawa. Kahit na tinatamad din ako. At gaya nga ng sinabi ni Darryl, umiiyak si Sab. Lumapit ako sa kanya at nag-offer ng panyo. Napatingin naman sya sakin at tinanggap yun. Umupo ako sa tabi niya.
"Bakit?"
"Huh?"
"Ano bang totoo, yung rumor na di ka makuntento sa isang gf o..
talagang nice ka talaga sa lahat ng babae kaya lahat pinapatulan mo. *sob*" sabi niya habang umiiyak. Hindi na ako nagulat. Alam ko ang lahat ng yun.
"Sige alis na ako."
"Pero kahit ganon, gusto talaga kita Andi." napatigil ako.
"No. Let's just break up, Sab." agad syang tumayo at tumakbo papunta sakin.
"Unfair mo naman eh! Bakit kung kelan mahal na mahal na kita?! *sob*" inilayo ko sya habang hawak ang mga balikat niya.
"Masyado ka ng seryoso. Sab, hindi mo pa ako masyadong kilala. Ayoko ng masaktan ka." tatalikod na sana ako.
"NOO!~ You know that I can't let this happen! You know that I like you. I really love you, Andi." naramdaman ko naman na nababasa na ng mga luha niya ang damit ko. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Sab..rina.."
"*sob* hmm.. Ayoko Andi! Please don't leave me! Kahit makita ko pa kayong naghahalikan ni Chelsea, okay na sakin. Just don't break up with me." so nakita nga niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. Ang init niya. Eto ang ayoko sa break up e. Ang makitang umiiyak ang mga inosenteng babae na nabihag ko. Agh..
Mamaya maya, tumahan naman din si Sab. Hindi ko na sya nagawang ihatid dahil sa isa pang bagay. Parang nakita ko si Niko dito sa school. Kaya sinundan ko sya. Kaso bigla syang nawala. Kaya naisipan kong umuwi—
"Ah." bigla akong napatigil.
Isang picture. Pagkakita ko sa picture na yun, isa lang ang pumasok sa isipan ko. '..may masama syang binabalak sayo.'
HTML Comment Box is loading comments...







