1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Chapter 11. Foreboding


Buti na lang mas unang uuwi sakin si Sab. Muntik pa nga akong hindi makatakas e, kasi ba naman. Hihintayin daw niya ako. Buti na lang sinabi ko na wag na, 1 hour pa kasi sya maghihintay kung magkataon. Parang narin akong gentleman sa sinabi ko. 8)

Makikipagkita kasi ako kay Chelsea.

"Wazzup!" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang sya at hinawakan ang mga kamay ko.

Manonood daw kami ng sine. Pero ang totoo naghalikan naman kami. Muntik ko pa ngang malimutan ang salitang respeto sa sobrang galing niyang humalik.

"Goodnight. See you tomorrow." ngumiti naman ako.


Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko naman si Nicko. Nagsenyasan lang kami. Sinalubong ko na din si Terry tapos pumunta kaming kwarto. Nahiga naman ako. Nang maalala ko ang cellphone ko. 32 new message. Hindi ko na binasa. Yung kay Chelsea lang. Nagpapasalamat sya. Tss.. mga babae talaga.

Bibitawan ko na sana ang cellphone ko nang makita ko ang 5 message ni Sab. Hindi ko na binasa. Dinelete ko na lahat ng message.


Kinabukasan, maaga na naman akong pumasok. Pumunta akong infirmary. At nakita ko si Chelsea. Good thing walang tao. 8)

"Andi, dito!" kumaway si Kevin. At lumapit ako.

Habang may pinapakita sakin si  Kevin na iba't ibang number ng mga babae. Bigla namang nagsalita si Darryl.

"Kahapon? Wala naman sigurong okasyon." agad ko namang kinuha yung mga number ng mga bagong chiks na na kay Kevin.

Bigla namang tumunog ang cp ko. Pero nireject ko.

"Si Sab yun a?" sabi ni Darryl.

"Ah. Oo. Kanina pa nga sya tumatawag e. Mamaya pupuntahan ko sya." abala parin ako sa pagkuha ng mga number ng mga bagong chiks. Tapos eksakto, may 3 new message. Galing daw kina Marikris, Ella, at Julia. Haha. Galing talaga 8)

"Wuy! Birthday pala ni Sab kahapon." napatawa naman ako.

"Tingnan mo Kevin, gustong makipagkita sakin nitong Ella daw sa mall. Astig talaga. Ang bilis. Tss.." tumawa kami ni Kevin. "Ah anung sabi mo Albie?"

"Birthday ni Sab kahapon. Kaya pala ang daming nagbibigay sa kanya ng gifts. Pero wala syang tinanggap ni isa."

"Ahh." sabi ko lang.

"Bakit, wala ka bang alam Andi?" umiling ako. E wala naman talaga akong alam e.

"Pero sabi ni Sab sa mga kaklase namin na magkikita kayo ng 8." napatingin kami kay Darryl. "..narinig ko." pahabol niya.

Napaisip naman ako. "Ah oo. Kaya pala. Kaso nakalimutan ko e. Masyado akong nadala kay Chelsea. Naks pare, ang sarap niyang humalik. Expert nga e!" tumawa kami nila Kevin at Albie.



"Pupuntahan mo ba si Sab?"

"Ah oo. Tara kain tayo." yaya ko naman sa kanilang tatlo.

Mamaya maya. Nagkahiwahiwalay na. Natapos ang dalwa kong klase. Vacant ng 30 mins. Text-text lang ang ginawa ko. Tapos klase uli. Hanggang sa nalimutan ko na naman ang tungkol kay Sab. Agh. Pinuntahan pa nga niya ako sa classroom pero nawalan din kami ng oras. Hala. Hayaan na nga.

"Ano ba bitawan mo nga ako!" may narinig akong familiar na boses.

"Wag mo na kasing ituloy." at isa pang familiar na boses.

"Wala kang pakealam!" napalakas yung boses nung isa. At may kumalampag pa.





Hanggang sa maalala ko, na kay Chelsea ang boses na yun.
HTML Comment Box is loading comments...