NAVIGATION
Chapter 10. Stalker
"Andi."natigil ang pagtatawanan naming mga kaklase ko. Nang makita namin ang tumawag sakin.
Si Sab.
Ngumiti lang ako.
"Can I talk to you?" tumayo naman ako. At nagpaalam sa mga kaklase ko.
Naglakad lakad lang kami hanggang sa makalayo sa bench.
"Hmm. Pwede ka ba mamayang gabi?" sabi niya sa kalagitnaan ng paglalakad.
"Siguro." tumigil sya at humarap sakin.
"Mamayang 8. Kita tayo sa bahay. Wala din kasing tao.. at.." biglang nagvibrate ang cp ko. Nagtext pala si Chelsea.
"..at.. Bir--"
"Sige punta na lang ako. Mamaya na lang uli." iniwan ko na si Sab. Nagtext si Chelsea. Magkita daw kami sa infirmary.Habang naglalakad naman ako. Nagulat naman ako sa nakasalubong ko :o
Nakangiti na naman sya sakin. Ang babaeng to na naman. Pagkatapos nyang mahimatay at mawala, magpapakita naman sya sakin. Tss. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad, iiwasan ko sana. Nang..
"Anthony Dee!" niyakap nya na naman ako. Kaya tinulak ko sya. Medyo napalakas, buti na lang at tumama sya sa pader at hindi sya napaupo.
Nagpout naman sya. :-[ Ang cute. Agh!
"Ikaw. Wag mo nga akong tawagin sa buo kong pangalan! At! At wag mo sabi akong niyayakap!" aalis na sana uli ako.
"Pupunta kang infirmary?" lumingon ako sa kanya. Paano niya nalaman? >:(
"Pakealam mo! Tss..
stalker." bulong lang yung stalker. Aalis na uli sana ako..
blag.
"Yung babae!" napalingon naman ako sa bumagsak :o
"Hoy!!!" sabay takbo ko.
Tinapik tapik ko ang mukha niya. Hindi sya magising.
"Andi. Kasama mo ba sya? Dalhin mo na kaya sa infirmary." sabi ng babaeng ngiting ngiti pa sakin. Pero di ko naman kilala.
Tumango na lang ako at binuhat yung babaeng yun. Sa infirmary room 2 ko dinala yung babae. Dahil nasa room 1 si Chelsea. Badtrip nga e. Buti na lang hindi nagalit si Chelsea. Imbes, aattend na lang daw sya ng klase.
"Aish!" sabi ko.
"Haha!" bigla na lang may sumabit sa leeg ko.
"Woy!" agad akong lumayo. Blank expression naman sya. >:( "Ikaw! Nakakainis ka na a!" tiningnan ko naman sya. Ngumingiti na naman sya. "Magaling ka na ba?" tumango sya.
"Hmm. Wag mo na kasing lapitan yung babaeng nakapink!" ??? Pink?
:o
"Hoy! Pati ba si Chelsea inistalk mo!?"
"Stalk? Hindi a! Kasi naman.. narinig ko silang nag-uusap. Pinag uusapan ka nila.." ngumiti naman sya habang hinahawakan ang dibdib ko gamit ang hintuturo niya.. "Ayokong mapahamak ka Andi." tapos niyakap na naman niya ako.
"Agh!" nilayo ko naman sya habang hawak ang balikat niya. "Ikaw. Imbes na maging chismosa ka sa mga taong nag uusap. E mag aral ka na lang, bakit ba nag aaksaya kang mang stalk sakin!? Sa lahat ng ayoko, stalker! Kaya di kita magiging girlfriend! Tss." lumabas naman ako ng infirmary at iniwan sya.
Ang babaeng yun talaga. Kapag dumadating sya sa moment, minamalas ako. Hindi ko tuloy nakasama si Chelsea. Agh. Sa huli natukso parin ako, akala ko si Sab na muna. Pero di rin ako nakapagpigil. Nagkagf ako sa parehong lugar. Baka mabisto ako nito. Di pwede. Agh.
HTML Comment Box is loading comments...







