“Uhm.. break na tayo.?”
Sabi ko sa kanya habang
nakahawak sa batok ko at kung saan saan nakatingin. Hindi ko Makita ang
reaction ng first gf ko, si Kristina.
Biglang tumahimik. Napansin ko na lamang na nasa tabihan na ang mga kamay niya. Kaya agad akong tumigin sa kanya.
“Sigurado ka ba?” ngayon siya naman ang hindi makatingin at.. namumula pa ang mga mata niya. ??? Nakuu.. mukhang iiyak siya.
“Ano
kasi.. 2nd year highschool pa lang kasi tayo. At mukhang hindi pa tayo
ready sa ganitong relationship.” Ang tanga ko. 6 months kong niligawan
si Kristina pero ngayong kaka-1 week lang naming. Ako pa ito mismong
nakikipagbreak.
Hayy.. ewan ko ba. Kasi naman, ang boring pala niyang kasama. Hindi man lang siya umiimik. Di gaya ng mga kaklase kong babae.
“Okay. Pero.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Pwede bang.. text text parin?” agad ko naming binawi ang kamay ko.
“Oo naman..” nagging awkward ang moment kaya.. “Xa. Uwi na ako a.” kinaway ko ang kamay ko. At tumalikod.
Hindi ko na nilingon si Kristina.
Hindi
ko alam kung bakit siya ganon? Mahal ba niya ako? E ako? Minahal ko ba
talaga siya? Ang natatandaan ko. Simula grade 6, gusting gusto ko na si
Kristina. Noon. Hanggang tingin lang ako sa kanya. Ang ganda niya kasi.
Sobra. Para siyang anghel. Pero ako.. Pangit ako noon.
Gumagamit
ako ng sunglasses. Nakasanayan, medyo Malabo rin kasi ang pagtingin ko.
Hindi ko alam, pero noon attract na attract ako kay Kristina. Pero kahit
na kelan din, hindi siya lumingon sakin. Nalaman ko na lang na may
crush siya sa isa sa mga kaklase ko. Si Jared, gwapo siya. Pero
mayabang. Niligawan pa nga niya si Kristina. At kung minsan,
pinagtitripan niya ako sa harap ni Kristina. Mukha kasing alam niya na
may gusto ako kay Kristina. Paulit ulit. Hanggang sa bumaba na ang
pagtingin ni Kristina sakin. Oo, medyo baduy ako noon. Pero matalino
naman ako a. Yun nga lang.. ang maipagmamalaki ko.
Kaya nung
naging sila. Wala din akong nagawa. Kahit grade 6 ako noon, para bang
ang lawak lawak na ng kaalaman ko tungkol sa pagmamahal. Lalo na nung
nakita kong umiiyak si Kristina at dahil daw kay Jared. Naging close
kami ni Kristina kahit isang oras lang yun. Kaya sa sobrang inis ko nung
malaman ko yung kwento, walang pagdadalwang isip na sinugod ko si
Jared. Kahit na, antanga tanga ko pa noon. Ang nangyari, ako pa ang
bugbog sarado. At pagkatapos akong mabugbog. Mas lalo akong hindi
kinilala ni Kristina.
Kalalaki kong tao pero may mga karanasan akong ganito. Mas lalo akong pumangit dahil sa ginawang pambubugbog ni Jared sakin.
Grumaduate ako. At tumigil ng isang taon. Pumunta sa ibang bansa at pagbalik ko.
“Niko!”
sabay high five ko sa nerd kong pinsan. Nagtaka lang ako nung tiningnan
niya ako ulo hanggang paa sabay sabi ng.. “Sino ka ba?”
Ako naman ang tumingin sa kanya ng ganito ???
Pagka
explain ko ng lahat, hangang hanga siya sakin. Ngayon ko lang nalaman
na.. nagbago pala ako. Ang laki ng pinagbago ko. Mas lalo akong pumuti.
At ang contact lence na brown, mas bagay pala sakin. Mas bagay pala
sakin ang hindi nakasalamin ng laking laki. At yung hairstyle ko, di na
gaya ng kay Jose Rizal. Mas bagay pala sakin. At sa pananamit, kahit
simpleng t shirt at pants, parang pumoporma na rin ako.
Ang tanong? Gwapo ba ako? E bakit hindi ako nagkagf sa ibang bansa?
“Ah
sorry.” Sabi ko dun sa babaeng nakasagi ko. Transferee kasi ako sa
bagong school at hindi ko alam kung anong pasikot sikot dito.
“ah..” may sasabihin sana siya. Kaso napatitig lang siya sakin. Napahawak ako sa mukha ko.
“Miss?” ngumiti naman siya sabay hawak sa buhok niya.
“Ang
sakit kasi ng braso ko.. pwede ko bang makuha ang num. mo incase na
sumakit uli to?” ngumiti siya ng nakakaloko at kumikinang pa ang mga
tingin niya.
? Doon ko lang natanto, Masaya palang maging gwapo.







