1 photo a-2.jpg 6 photo f.png 7 photo g.jpg 2 photo b-2.jpg 3 photo c-2.jpg 4 photo d.jpg 5 photo e.jpg  photo h-1.jpg

NAVIGATION

Epilogue: The nth Day

*laughters*

“Nanadyan na si mam!”
“Mam! Mam! Ano pong day na natin?”
“Kukwentuhan niyo po ba ulit kami?”
“Gusto na namin malaman ang sunod na nangyari!”

Sunod sunod ang mga tanong nila. Ang kukulit nila talaga. At ang iingay. Hindi mo aakalaing.. ang mga batang ito ay may mga sakit. Mga batang ng dahil sa sakit nila, naging tirahan na nila ang hospital.

“May bago tayong lesson. Dapat unahin natin—“

“Pero gusto na naming malaman ang nangyari sa main character!”

“Buhay ba siya?”
 “Eh yung boyfriend niya? nagkatuluyan ba sila?”
“Masaya ba sila ngayon?”

Hindi ko mapigilan ang matawa. Lahat sila masyadong excited.. lahat sila gustong malaman ang nangyari. Ang kukulit talaga. Natutuwa rin ako na kahit papaano ay natutulungan ko sila.. Parang lang din silang mga karaniwang bata.

“O sige. Magkukwento na ako.” Naghiyawan sila.

“Shh! Shh~ pero pagkatapos nito. Magkakameron tayo ng maikling pagsusulit.”

Naghiyawan sila.

“GAME NA! GAME NA!”


At nagkwento nga ako ng nangyari 2 years ago.

Ibang klase ang sayang nararamdaman ko sa tuwing kinukwentuhan ko sila. Nakikinig talaga sila sa bawat sabihin ko. nagrereact. At nakakaramdam. Sa tuwing pinapanood ko sila.. bumabalik sa alaala ko nung mga panahong ako ang nasa sitwasyon nila. Ayokong.. isipin nila na nakakatakot ang kamatayan. Na hindi masaya mabuhay. Na hindi hadlang ang sakit nila.. para hindi sila mabuhay gaya ng mga karaniwang bata. Gusto kong iparamdam sa mga batang ito.. ang hindi ko naramdaman noon..


*BLAG*

Natigil ang kwentuhan ng magbukas ang pinto.


“NURSE! ANG ANAK KO!~” agad akong tumayo. At agad naman akong tumakbo.

“Class! Behave, okay?”


Agad akong pumunta sa kwarto. At agad na inobserbahan ang pasyente.

“d-Dapat ko bang tawagin si doc?” umiling ako.

“Ako na hong bahala dito.”

I’ve been a nurse assistance for 6 months. At ang batang ito ang una kong naging pasyente. May.. sakit siya sa puso. At 1 linggo na lang ay surgery niya. nakakaawa dahil 10 years old lang ang batang ito. At hindi pa siya ganong nakakahalubilo sa ibang mga bata. Hindi siya ganong kaactive at madalas.. tahimik lang. madalas ko siyang kausapin at kwentuhan gaya din ng mga ibang bata sa tuwing pumupunta ako sa kwartong ito.. pero never siyang ngumiti..


“Kamusta na ang anak ko?"

“Okay na ho siya.” umiling iling yung matanda. Halatang pagod na pagod na ito at mukhang hindi pa nag-uumagahan.

“Ako na hong bahala dito. Kumain na ho muna kayo. Ako muna hong magbabantay kay Sev..”

Bumalik naman ako sa kwarto. At nakita kong gising na siya. nakatulala lang siya sa labas. Lumapit ako.


“Bakit mo ginawa yun?” hindi siya nagsalita. At wala ring.. ibo.

Minsan naiisip ko na sumuko na sa tuwing tinitingnan ko ang batang ito.. Napakatigas ng ulo. Masyadong insensitive. At madalas walang pakealam sa kapaligiran niya.. lalo na sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Pero mas nangibabaw ang awang nararamdaman ko.. dahil naiintindihan ko ang sitwasyong meron siya.

“Alam mo bang halos patayin mo sa takot ang mama mo?” inabot ko sa kanya ang apple na binalatan ko. Pero hindi niya kinuha. At hindi pa rin siya umiibo..

“Bakit..” medyo nabigla ako ng magsalita naman siya.


“..bakit binalikan ng babaeng yun ang taong mahal niya?..” hindi ko agad nagets ang tinutukoy niya. “..yung babae dun sa kwento mo.. diba.. halos cancer yun? Napakaimposible na mabuhay siya. bakit nagawa pa niyang mag magmahal.. hindi ba niya alam na masasaktan lang ng sobra ang lalaking yun.. kahit na sabihin nating playboy siya..”

Napakahina ng boses niya. Napangiti naman ako.


“Nakikinig ka?” kinukwentuhan ko siya sa tuwing wala siyang magawa.

Sa tuwing nakahiga siya at nakatulala lang sa labas. “..napakasama ng babaeng yun. Hindi niya naisip.. na sobrang sakit ang maiwan na nag-iisa.. kahit na kailan hindi ko yun gagawin.. mas mabuti ng ipamukha ko sa lahat na mamamatay din ako balang araw. Para.. hindi sila mas lalong masaktan..”

Agad ding napawi ang ngiti sa mga labi ko. hindi pa rin nagbabago ang posisyon niya. nakatingin pa rin siya sa labas. Blanko ang expression ng mukha. At sobrang lungkot.. ng mga mata. Inayos ko ang kurtina sa may bintana. Binuksan ko ito ng mas maaliwalas. Dun lang siya nagreact. Napakunot ang noo niya.


“Masayang buhay.. Yun ang gusto ng babaeng yun.” Iniwasan niya ang tingin ko.

“Kagaya mo siya. hospital na ang naging tirahan niya. kama ang naging playground niya. mga nurse at doctor ang naging kaibigan niya. Di siya makakain ng maayos.. kasi di niya maapprecite yung food na walang lasa. Di siya makadaldal ng maayos.. kasi ang bigat bigat sa pakiramdam. Pero alam mo ba.. kung gaano kaimportante sa kanya sa tuwing lumalabas siya ng hospital. Kung makikita mo lang ang ngiting abot tainga. Ang babaeng yun.. gusto lang niyang maging gaya ng iba. ang mag-aral. Ang pumasok sa eskwelahan. Ang makihalubilo sa iba't ibang tao. Ang mamamasyal. At.. mainlove..


Gusto niyang mainlove.. gusto niyang maramdaman ang pagtibok ng puso niya sa tuwing makikita ang taong pinakamamahal niya..” naramdaman ko ang daloy ng mga luha sa mukha ko. “Gusto niyang maging masaya at mahalin din ng lalaking yun. Ang desperada man. Kahit hindi man totoo. Kahit ang tanga tanga lang. at least maranasan niya ang lahat ng yun..


Gusto kong mamatay ng nakangiti. Ng masaya.” Napatingin siya sakin. Na may gulat na reaction.

Ngumit ako. “Alam ko kung ano iniisip mo. Kung bakit sa dinami dami ng tao.. ikaw pa? tayo pa yung nakakaranas ng ganitong kahirapan. Gusto mong mabuhay.. pero wala naman tayong magawa. Ang dami mong gustong gawin.. pero hanggang higa ka lang. may iba na gustong magpakamatay.. nasasayang lang yung buhay.

Pero tayong may mga sakit.. gustong gusto nating mabuhay. Pero hindi natin pwedeng hingin ang buhay na yun. Kung alam mo lang.. na ilang beses din akong sumuko. Pero tumayo pa rin ako..at heto ako ngayon.



Buhay.




Himala?


Siguro nga himalang maituturing ito. Para sa taong yun.. nabuhay ako. Ayokong.. masayang yung buhay niya na nawala. Yung buhay na pinahiram niya sakin. Kahit wala na siya.. nagpapasalamat pa rin ako sa kanya.” May pumatak na mga luha sa mga mata ni Sev.



Nagulat ako. “Maaari ko bang malaman ang pangalan ng magiting na lalaking yun?”



“Andi..





Anthony Rivas.” Umiwas siya ng tingin,







“Napakaswerte mo.. Nurse Keli.”
HTML Comment Box is loading comments...